Chapter 3

385 32 8
                                    

Chapter 3

Malalim na ang gabi subalit hanggng ngayon ay hindi pa rin nakababalik ang dalawang kapatid ko mula sa selebrasyon na dinaluhan nila. Sa totoo lang, sinadya talaga ng heneral na imbitahin ang mga tao mula sa City of Fire at dito sa Sunnyvale para sa party celebration niya, na hindi ko rin alam kung bakit. Basta noong nagpunta sila noon dito sa bahay, ang sabi lamang nila ay para lamang sa isang masaganang okasyon ang kanilang gagawin, at upang mawala na rin ang kaunting alitan sa namumuong alitan sa samahan mula sa sakop ng Sire Palace.

Ang Sire Palace kasi ang siyang nagha-handle sa tatlong nasyon mula sa kalahati ng mapa ng Astrea—liban lamang sa mga nasa Crooked Dame. Wala akong masyadong impormasyon sa kanila dahil hindi naman ako masyadong lumalabas ng bahay, ang alam ko lamang ay hindi sila gaanong mapagkakatiwalaan. Iyon na rin ang sinabi sa akin ni Valore noong nasa mid-age pa kaming magkakapatid.

At hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang sinabi niyang 'yon.

Nakakalabas lang naman ako ng bahay kapag mayroong kailangang bilhin dito sa bahay. Nagtutungo ako sa Little Burg para bumili ng ilang mga kasangkapan sa pagluluto. Dahil nasa Little Burg ang seksyon ng mga iyon.

Minsan na rin akong nakapunta sa City of Fire noong isinama ako noon ni Val sa hindi ko malamang dahilan. At ang masaklap pa ay ako ang pinagbuhat niya ng baul na naglalaman ng kung ano sa loon. Kasi ang sabi niya sa akin no'n, hindi raw makakapunta iyong kaibigan niya kaya't ako na lamang daw ang nais niyang isama. At bawal ko raw siyang tanggihan dahil alam ko na raw kung ano ang mangyayari sa akin kapag nagkataon mang ganoon nga ang ginawa ko.

Malamang, ilalalmbitin niya na naman ako sa dingding, o baka nga tuluyan na nga niyang tapusin ang buhay ko kapag nagkataong wala rito si Ba para ipagtanggol ako sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit ganoon na lamang ang init ng ulo niya sa akin. Pero isa na rin siguro sa dahilan kung bakit parang kasukla-suklam ang mukha ko sa kanya ay dahil sa hindi nga nila ako tunay na kapatid, at wala akong maipapamalas at maipapakita na kahit na ano para sa kanila.

Ni hindi ko nga maipagtanggol ang sarili ko. Kaya iyon na rin siguro 'yong dahilan kung bakit medyo tagilid ako sa kanilang magkapatid. Lalo na ngayon na mayroon akong kasalanang nagawa kay Val. Pero sana ay magkaayos na kaming dalawa sa susunod na mga araw.

Nasa kusina ako at nagluluto ng makakain para sa aming dalawa ni Ba. Iyon kasing niluto ko kanina ay para kina Val at Valore lang. Sinabihan ko naman si Ba na magluluto na lamang ako ng aming makakain subalit tumanggi siya kanina. Ang palagi niyang sinasabi sa akin ay ayos lang daw siya at busog pa siya.

Eh, ako, gutom na. Kanina pa ako hindi kumakain dahil ginamot pa naming dalawa ni Ba si Aphro—iyong pusa na nailigtas ni Ba sa kagubatan. Pinangalanan ko na lamang siyang Aphro, maganda rin kasi iyong may kadilawang mga mata niya. Tapos ang ganda pa ng balahibo niyang kulay ash gray. Nagpapahinga na rin siya sa kama ko, hanggang ngayon. At naroroon pa si Ba sa mga sandaling ito, gusto niya raw munang bantayan si Aphro saglit at upang makapagpahinga na rin nang kaunti habang naroroon siya.

Ayaw niya raw sa kwarto niya, eh. Babantayan niya raw muna si Aphro saglit. Minsan, sa sobrang bait ni Ba ay hindi ko na alam kung nilalagnat ba siya o ano. Dahil sa sobeang kabaitan niya, kahit ako, hangga't maaari ay ayaw niya akong magasgasan sa kahit na saang parte ng katawan ko.

Pati itong pagiging katulong ko, hangga't maaari ay ayaw niya para sa akin. Pero sinabi ko naman sa kanyang ayos lamang 'yon dahil nakasanayan ko na rin naman na simula noong mga bata pa kami ng mga kapatid ko.

"May naaamoy akong pagkain."

Ipinilig ko ang aking ulo saka tumawa nang marinig ko ang boses ni Ba sa may pinto. Nilingon ko siya. Nakatanaw siya sa niluluto kong karne, at mukhang takam na takam na rin ito roon.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon