Chapter 70

71 11 0
                                    

Chapter 70

Nagtungo ako sa kwarto ni ina. Pumasok ako sa loob dala ang ngiti nang matanaw ko si ina na nakahiga sa kanyang kama. Napapaligiran iyon ng asul na maninipis na kurtinang iniihip ng may kalakasang hangin. Tanging ang barrier ng bintana na gawa sa ugat ng puno ang siyang nagsisilbing harang doon. Gaya ng makikita sa loob ng kwarto ko, mayroon ding may kaliitang espasyo ng tubig, 'di kalayuan sa kama ni ina. At mayroong mga maliliit na isdang lumalangoy roon.

Mayroong ilang mga bantay sa kanyang silid mula sa gilid ng bungad. Sinabihan ko naman silang magtungo na lamang ang mga ito sa kanilang mga kwarto at magpahinga. Kita ko rin kasi sa mga mata nila ang pagod at puyat mula sa pagtayo sa gilid ng bungad ng pinto. Tumango naman ang mga ito sa akin, binigyan ng yuko bago sila tuluyang umalis.

Naglakad ako patungo sa kama ni ina. Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang makarinig ako ng tunog ng tubig na tila umaalon mula sa isang maliit na parang imbakan, mula sa gilid ng kanyang kama at alam kong si ina ang gumawa niyon. Mukhang naramdaman niyang mayroong nasa paligid niya.

Napansin kong iminulat ni ina ang kanyabg mga mata. Nagtama ang paningin naming dalawa. Napabuntonghininga naman siya nang masilayan niya ang mukha ko sa kanyang harapan habang nakangiti. Umupo ako sa tabi niya kaya't sandaling sunandal si ina sa nagsisilbing ulo ng kanyang kama.

"Did I disturb you, mother?" tanong ko sa kanya. Humingi naman kaagad ako ng paumanhin.

Umiling si ina sa akin. "Hindi naman, anak," aniya. "Bakit hindi ka pa natutulog? Gabing-gabi na, ah? May bumabagabag ba sa isipan mo?"

Ngumiti naman ako sa kanya sabay iling. "Ilang araw na kasing hindi ko kayo nakita sa paligid ng palasyo. Nag-aalala lang ako sa inyo. Sabi ni Lily sa akin, may iniinda raw kayong karamdaman?"

Kaagad na nag-iwas si ina ng tingin sa akin. Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga niya kaya't alam kong tama ang sinabi sa akin ni Lily. Ganito naman na talaga si ina mula noon pa man din. Kapag mayroon siyang iniindang sakit, hangga't maaari ay ayaw niyang ipagbigay-alam sa akin dahil ayaw niya akong mag-alala. Gaya ngayon, hindi niya ulit sa akin sinabi na mayroon pala siyang iniindang karamdaman kaya't malimit lamang siyang lumabas ng kanyang kwarto. Ang buong akala ko ay mayroon siyang pinuntahan nitong mga nakaraang araw kaya't hinayaan ko na lamang din siya.

Naalala ko 'yong sinabi sa akin ng driver noong nagkausap kaming dalawa. Nang lumingon ulit sa akin si ina ay saka ko tinanong ang bagay na 'yon sa kanya. Ilang ulit ko pa 'yong tinanong pero mukhang nagde-deny siya sa akin, ayon na tin sa titig na ibinibigay niya sa akin.

"Ang iniinda niyo bang sakit ay dahil sa peklat niyo sa likod?" tanong ko ulit sa kanya. Mas lalong isinandal ni ina a g kanyang likuran sa uluhan ng kanyang kama sabay alis ng tingin sa akin. Napabuntonghininga naman ako sa ginagawa niya, ayaw niya kasing sabihin sa akin ang totoo. "Ina . . ."

Napansin ko ang dahan-dahang pagtango nito sa akin sabay tingin. "Pero huwag kang mag-alala, maayos naman na ako."

"Hindi po kayo maayos," mahinang sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya. "Sabihin niyo po sa akin kung ano ang maaari kong gawin upang kahit papaano'y maibsan iyang sakit ng nararamdaman niyo. Huwag na po kayong mag-deny sa akin, napapansin ko ang matamlay na mga mata niyo."

Bumuntonghininga siya. "Hay, naku kang bata ka," sabi niya. "Saan mo ba nalaman ang bagay na iniinda ko?"

"Ina, hindi na 'yon importante pa," sabi ko sa kanya. "Ang importante ngayon ay masabi niyo sa akin ang tunay na nangyari, at gumaling kayo sa sakit niyo. Kailangan niyo ba ng gamot? Magpapakuha ako kay Lily. O sabihan ko pa ang mga guard na puntahan ang mga Healers para gamutin kayo—"

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon