Chapter 54

75 11 0
                                    

Chapter 54

Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil tulad ng sinabi ni Sheldon sa amin ay aalis na ang mga kasamahan niya. Niligpit nilang lahat ang kanilang mga gamit, except sa ginawa nilang bahay, bago sila tuluyang umalis. Though, wala silang itinirang kahit na ano sa loob kaya't wala ring saysay kung dito kami magtatagal ng mga kasama ko. Umalis sina Pamo at ang kanyang mga kasamahan bitbit ang kanilang mga gamit at sandata patungong Highlands mula kaninang madaling-araw.

Samantalang kami ay naririto pa rin kami hanggang ngayon sa gubat habang inaayos ang aming mga gamit. Medyo masakit pa rin ang mga kamay ni Celina kaya't hindi siya masyadong nagbibitbit ng gamit. Though, kakaunti lamang ang mga gamit namin dahil bukod sa ilang mga kagamitang pangaso ay wala ng iba pa. Ni hindi nga sila nagbigay ng kahit na damit man lang para sa mga kasama ko. Iyong ipinahiram sa kanila na damit ay binawi lang din matapos matuyo ang damit ng mga kasama ko. Speaking of that, ilang araw na rin kaming hindi naliligo dahil bukod sa isang maliit lamang na butas sa ilalim ng lupa ang pinagkukuhanan namin ng tubig dito ay pahirapan din kami sa pagkuha niyon.

Tiniis na lamang namin na hindi na lamang maligo, isa na rin sa dahilan kung bakit ay dahil masakit tumingin ang mga kasama ni Sheldon. Actually, halos lahat kaming naririto ay hindi pa naliligo. Mabuti nga lamang at hindi kami nangangamoy o hindi namin naaamoy ang isa't isa.

"So ang balak natin ang magpunta ng Fjord?" sabi ko sa kanila habang isinusuot ko ang bag sa aking likuran. Hindi naman iyon saktong bag. Lagayan o sabitan lamang siya ng espada. Nahirapan pa ako sa paglalagay niyon dahil medyo malikot sina Morgan at Aphro. Naghahabulan kasi ang mga ito sa paligid namin, nagkakasiyahan silang dalawa. "Ilang kilometro ang layo no'n mula rito?"

Napatingin sa akin si Celina na nakasandal sa katawan ng puno habang hawak-hawak niya ang isang pana. Pero hindi niya 'yong pinapakialaman habang hawak-hawak niya, siguro ay dahil mahina panrin ang mga kamay niya mula sa nangyari lalo na't magkabilang kamay niya ang napuruhan. Hindi niya ma-stretch iyong pana. "Uhm, wala akong specific measure kung ilang kilometro ang layo niyon. But I assure you, it is too far away from this forest. Mayroon pa tayong madadaanang bayan, though."

Kumunot ang noo ko. "Meaning to say, we can't travel fast. Right?" ani ko. "You mentioned we're leading the path through another town."

"But it has a shortcut," sabi ni Celina. "Though, I don't think na makakadaan tayo roon since napapalibutan iyon ng napakaraming bantay ng gubat."

"How did you know about that thing, anyway?" tanong ni Sheldon habang inaayos niya ang kanyang suot na tunic shirt. Pagkatapos niyon ay saka niya kinuha 'yong espada't inilagay iyon sa kanyang likuran. Gaya ko, mayroon din siyang suot na ganitong bag na nasa likuran ko. Sheldon gave me this one. "I mean, kung sa bayan ka dumaan noon patungo sa Fjord, nakakapagtakang alam mo ang shortcut na sinasabi mo."

"I'm a barber so I know the shortcut," aniya saka siya tumawa. Pero nang mapansin niyang nakatitig lamang kami sa kanya ay binawi kaagad niya ang kanyang tingin. Umalis siya mula sa pagkakasandal sa punonat naglakad patungo sa kinaroroonan ni Leo, sa gilid ni Sheldon. "Kidding aside, doon ako dumaan noong umalis ako ng Fjord. And I swear, those Barbarians in that way are too epic. They knew how to handle a battle. Tuso ang mga Barbarians. So we can travel along the town to go to the Fjord. Though, ilang araw din tayong maglalakbay kapag nagkataon."

Leo looked at Celina. "Marami bang mabibili sa loob ng bayan na sinasabi mo?" tanong niya. Tumingin siya sa kanyang gula-gulanit damit and then he shrugged his shoulder. "Maybe we can buy out things there . . . if we have money to buy."

Tumawa si Celina. "We have no money," sabi niya. "Do you have one?" tanong niya sa amin ni Sheldon. Pero umiling kaming dalawa. "Poor people. Easy, we're not going to stop in the town and ipagpapatuloy lang natin ang paglalakbay patungo sa Fjord. Agree? Okay, I also agree—"

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon