Chapter 5
Ilang araw na ang nakalilipas subalit hindi ko pa rin nakakausap si Valore nang dahil sa nangyari. Para bang naging hangin na nga lang ako sa bahay sa tuwing nagkakasalubong kami sa kusina, hindi niya rin ako pinapakinggan kahit na si Ba na ang nagsasabi sa kanya na kausapin niya rin ako. Ni hindi niya rin ako inutusan ng kahit na ano pa man, at si Valore lamang din ang siyang nag-uutos sa akin sa mga gawaing bahay. Hindi niya na rin pinalaba iyong ibang mga damit niya sa akin at hinahayaan na lamang niyang mabulok ang mga 'yon sa tambakan ng mga labada. Sibihan ko rin naman na siya na baka puwedeng labhan ko na ang mga shirts niya dahil medyo nangingitim na ang mga 'yon subalit hindi niya ako pinayagan. Baka raw mapunit ko pa.
Ginagawa ko lang naman iyon dahil gusto kong magkaayos kaming dalawa. Pero siya iyong lumalayo sa akin, hanggang sa sinabihan na ako ni Ba na hayaan ko na lamang siya.
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko kay Ba, at kahit papaano'y naging mabuti na ang kalagayan niya. Sinabihan nga niya kaming mga magkakapatid na aalis na siya upang mangaso sa kagubatan. Pumayag naman sina Val at Valore sa desisyon niya subalit hindi ko muna siya pinayagan. Dahil unang-una ay kagagaling lamang niya sa kanyang sakit. Ayoko namang mapa’no siya habang siya'y nangangaso, at ayokong mayroong mangyari sa kanya.
Kaya ngayon, naroroon siya sa bakuran at nagtatanim ng binhing kinuha niya sa may tambakan. Nagtungo lamang ako sa loob ng bahay upang kuhanan siya ng meryenda niya at ng maiinom.
Umalis na rin naman na sina Val at Valore dahil may pupuntahan daw silang dalawa. Ewan ko, pero mukhang hindi sila magkasama dahil ang direksyon ni Val ay patungo sa center west, habang si Valore naman ay patungo sa north west, at pupunta raw siya ng bayan upang bumili ng mga gamit niya. Kaya as usual, kaming dalawa ni Ba ulit ang naiwan sa bahay, kasama si Aphro.
Nadatnan ko si Aphro sa may mesa na nakatingin sa imbakan ng mga pagkain. Napa-meow pa ito nang makita niya akong nakatingin sa kanya, at mukhang nais niyang kumuha at kumain ng karne roon.
Bumuntonghininga naman ako saka ako tumawa bago ko siya binigyan ng isang piraso. Kinuha ko na 'yong meryenda ni Ba saka na ako lumabas patungo sa bakuran at iniabot na 'yon sa kanya.
"Nandiyan na ba ang mga kapatid mo?" pambungad na tanong ni Ba sa akin habang patuloy siya sa pagtatanim ng mga buto mula sa lupang binungkal niya mula kaninang umaga pa. Pinagpapawisan ang mukha niyang nakatingin sa akin at namumuo ang mga butil niyon doon. "Hindi ko sila naabutan kaninang umalis, eh."
Inabot ko ang pagkain sa kanya at isinubo naman niya 'yon. "Wala pa, Ba. Pero baka pabalik na rin ang mga 'yon."
"Eh saan daw ang punta nila?" Kinuha niya ang isang baso ng juice mula sa tray na hawak ko.
"Walang sinabi sa akin si Val kung saan siya pupunta," mahinang sabi ko. Naglakad ako patungo sa may upuan. Ipinatong ko iyong tray roon saka ulit ako nagtungo sa kinalalagyan ni Ba at tinulungan na rin siya sa pagtatanim. "Pero si Valore, magpupunta raw siya sa Little Burg para bumili ng kakailanganin niya, ng mga gamit niya."
Kumunot ang noo ni Ba. "Teka, ang dami na niyang mga palamuti roon sa kwarto niya, ah?" Iniwas niya ang tingin sa akin. Inilagay niya sa kanyang gilid iyong basong pinag-inuman niya saka niya ipinagpatuloy ang paglalagay ng buto sa ilalim ng lupa.
Tumawa naman ako sa sinabi niya. "Oo nga, eh," mahinang bulong ko. "Pero maganda naman siya sa mga make-ups na nabibili niya. Lalo na kapag naglalagay siya ng blush sa mukha niya, mukha siyang duchess o 'di kaya'y prinsesa."
"Oo nga, eh." Tumingin siya sa akin. "Pero ikaw rin naman. Maganda ka naman kahit wala kang palamuti sa katawan mo. Maganda kayong dalawa ng kapatid mo. Siya, sanay sa mga ganoong bagay. Habang ikaw naman, maganda . . ."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasíaScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...