Chapter 43

73 10 0
                                    

Chapter 43

Dahil sa labis na pag-aalala kay Verona, nahulog ako mula sa likuran ng Goor. Mabilis naman akong nagtungo sa kinaroroonan niya at saka ko isinara ang aking sarili. Isinamo ko rin ang aking kapangyarihan kahit na nahihirapan na ako. Mabuti na lamang at nagawa ko pang palabasin iyon kahit nagbi-blink na lamang ang light shield sa paligid naming dalawa.

Napapikit pa ako habang nakadagan ako kay Verona at yakap-yakap ko siya. Saka na lamang ako napamulat ng aking mga mata nang makarinig ako ng napakalakas na putok ng baril, 'di kalayuan sa aming kinaroroonan na dalawa ni Verona. Napansin ko namang bumagsak ang isang Goor na nais manakit sa aming dalawa ni Verona. At bago pa man nawala nang tuluyan ang light shield sa paligid ko ay nakita ko pa ang kabuuan ng mukha ng halimaw na iyon.

Gaya lamang din 'yon ng ibang mga halimaw rito sa loob ng Scar subalit mas nangingibabaw ang kulay ng kanyang mga mata. Para nga iyong nagkaroon ng evolvement dahil sa nagbabago ako kulay ng kanyang katawan, and it is turning into dark red. Tatayo na sana 'yong Goor na natamaan ng baril nang bigla na lamang pinutukan ng kung sino ang ulo niyo, dahilan upang tuluyan na nga itong bawian ng buhay at maging buhangin na lamang.

"Bilisan niyo, kailangan niyong bumalik ng barko!" Sa pagsigaw lamang niya at alam ko na kung sino ang nagsalita. Narinig ko pa ang pagkasa ng kanyang baril at saka nagpaputok ulit sa paligid namin. "Dumadami na sila!"

Napalunok ako. "Salamat, Ysmael," ani ko. Itinuon ko ang atensyon ko kay Verona at niyuguog ko ang magkabilang balikat niya nang ilang beses dahil mukhang nawalan siya ng ulirat matapos ang nangyari. Apollo thrown her here, and now, we're in danger. I thought Verona was on her mother. Nakarinig ulit ako ng napakalakas na sigaw ng mga halimaw sa paligid namin kaya't mabilis kong kinuha sa gilid ni Verona ang espada. Napansin ko namang papasugod na sa amin iyong isang lumilipad at maliit ngunit nakasisindak na Goor. Inihanda ko ang aking sarili at bago pa man ito tuluyang nakalapit ay natamaan na siya ng talim ng aking espada, dahilan upang mahiwa ito sa dalawang parte. "We're running out of time. Protect Verona and I'll find the potion that Malinwa gave me." Tumingin ako kay Ysmael.

Napatingin din ito sa akin at mukhang nagtataka pa. Subalit bigla niyang binawi ang kanyang atensyon nang isigaw kong mag paparating na Goor sa kinatatayuan niya. "What potion? You should protect yourselves, the two of you. Kailangan niyong magtungo ng barko, at least ay mapoprotektahan kayo roon!"

Umiling ako saka lumuhod. Muli kong niyugyog ang katawan ni Verona at sa pagkakataong iyon ay narinig ko na ang mahinang ungol nito. Napahawak pa ito sa kanyang baywang habang kagat-kagat niya ang kanyang labi. Verona slowly opened her eyes hanggang sa matauhan ito't mabilis na tumayo mula sa kanyang kinahihigaan. One sound of a bullet hit our ears that made us tingled, and Verona looked around us.

"Shit!" she whispered. Tumingin siya sa akin nang makatayo siya. "Soleil?"

Kumurba ang labi ko sa kanya. "You have to be with Ysmael to protect you against their attack, Verona." Tiningnan ko ang espadang hawak ko at ibigay iyon sa kanya. "Here. Take this and run through the ark as fast as you can. The two of you."

"Did you already find the potion?" Verona asked. Muli na namang nagpaputok ng baril si Ysmael at sa pagkakataong iyon ay dire-diretso na kaya't bigla na lamang napatakip sa magkabilang tainga si Verona. "We can't leave you here."

Umiling naman ako sa kanya. "I'm going to find it," I whispered. "They need to be treated. Goors wouldn't stop attacking people, so do they." Tumingin ako kay Ysmael na ngayon ay nakatingin na sa amin ni Verona. But Verona hold my arm tight and pulled me through her then she let her sword be smashed on my back, causing the Goor cried out loud. "Thanks. Ysmael, kaya niyo bang magtungo ng barko? Kaya ba ng bala mo?"

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon