Chapter 31

107 13 0
                                    

Chapter 31

Napatingin ako sa pabukas na pinto habang nakalagay sa ibabaw ng aking mga tuhod ang aking ulo. Tuluyang bumukas ang pinto at bumungad sa mga mata ko ang hari at si Verona na nakatingin sa akin. But the king didn't enter the room, only Verona was the one who walked through me. Sinabihan ng hari si Verona na bumalik na lamang siya sa kanyang kwarto after a few minutes at tumango naman sa kanyang ang prinsesa, bago umalis ang hari't muling isinara ang pinto.

Verona walked closer to me. As she sat beside me, her face vent out with happiness that no one could ever capture. "I saw you on my party earlier," mahinang bulong niya. "Mabuti't nakagawa ka ng paraan upang makapunta ka roon?" Tumingin siya sa akin. Subalit matapos ang ilang segundo, nang makita niya ang hitsura ko ay natauhan ito. She withdrew her smile in front of me at napuno ng pagtataka ang kanyang mukha. "Did you just cry?"

Suminghot ako. "Wala 'to," sabi ko sa kanya at iniwas ang tingin dito. Pinunasan ko pa ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata bago ako ulit tumingin sa kanya at binigyan ng malawak na ngiti. "How's your day, anyway?"

Tumingin ako sa kanyang suot-suot. Mukhang tapos na ang kanyang party dahil hindi na siya nakasuot ng pang-party na kasuotan. Simpleng white off-shoulder dress na lamang ang kanyang suot at napapalibutan iyon ng mga maliliit na paruparo. Nakasuot din ng tiara si Verona, maliit lamang 'yon kaya't hindi masyadong kita.

Bumuntonghininga siya. "Uhm, yeah, maayos naman. Walang nangyaring masama, na hindi gaya ng dati ay mayroong palaging nahuhuling mga nagwawala o nanggugulo rito sa tuwing iniimbitahan ang ibang nasa panig ng East Astrea for a royal occassion." Kumunot ang noo niya. "Pero bakit ka nga pala umiiyak? Huwag mong sabihing wala lang 'yan, I could see your burden inside your eyes. Does it heavy?"

Kinagat ko ang aking labi. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Hindi ko na naman namalayang tumutulo na ulit ang aking mga luha. But I did manage to stop it by wiping my tears using my palm. "I'm just emotional, but sort of . . ."

Tumigil ako sa pagsasalita kaya't mas lalo siyang nagtaka. "What is it?" Tanong pa niya. Mukhang handang-handa siyang pakinggan kung ano man ang gusto kong sabihin. I can see her eyes seriously looking at me as her brows furrowed, waiting for me to tell what's happening.

"Sinabi ni Apollo na . . ." Then I sighed again to handle myself from being drown with my tears. Hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin na mangyayari kay Aphro 'yon. ". . . wala na ang alaga kong pusa." Tumingin ako sa kanya.

Nakita ko ang kanyang reaksyon. I thought Verona will laugh at what I am telling her. Gano'n naman kasi sa iba. Kapag may sinabi ka sa ibang tao, lalo na kapag seryosong bagay, they think it was only a joke. That's why sometimes it's better to hide your burden and do not tell your problems to anyone, who ony thinks it is only a joke, rather than talking to the people around you who only talk shitty, booby things.

Pero hindi ganoon ang naging reaksyon ni Verona. I saw her eyes, and saw how sorry she was while looking at me. She even hold my hands, gripped it with her fingers and massage it gently, as she caught her breath heavily.

"Hindi ko alam kung ano at sino ang alagang tinutukoy mo but I feel you, Soleil. I feel you. Dahil pinagdaanan ko na rin 'yan." Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin. "Napagdaanan ko na rin, at nasubukan ko nang mawalan ng isa sa pinakaitinuturing kong pamilya once kuya Apollo left the palace because of our father's command to him. It was my servant. It was Celina."

Napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang kanyang servant. Naalala ko 'yong sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo about sa kanya. Pero hindi ko naman magawang i-open ang topic na 'yon sa kanya dahil wala akong lakas ng loob upang gawin 'yon. Baka magtaka lamang siya sa aking kung itatanong ko 'yon kapag nalaman niyang siya ang hinahanap din namin ng isang lalaking bumali ng pangakong sinabi niya sa akin.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon