Chapter 109

56 5 0
                                    

Chapter 109

Nilingon ko ang pinto nang marinig ko ang pagbukas niyon. Kaagad ko namang inayos ang aking sarili't sumandal sa kama nang makita kong pumasok si Morgan. Wala siyang kahit na anong reaksyon nang maglakad siya patungo sa kinaroroonan ko, pero alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Alam kong alam na niya ang nangyari kay Sheldon at alam ko na rin na hindi maganda ang kanyang pakiramdam ngayon.

Lumapit siya sa tabi ko at naupo siya roon. Tinitigan niya ang mga mata ko. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata kaya't dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang mga kamay at hinaplos iyon nang paulit-ulit. Wala akong ibang maisip na paraan kung paano ko sa kanya ipapaliwanag. Alam kong bata pa siya at hindi niya siguro deserve na malamang pinatay ko si Sheldon, alang-alang sa kapakanan naming lahat, hindi lamang sa batang nasa sinapupunan ko.

"Ate Soleil, g-gusto ko pong makita si kuya Sheldon," sabi niya sa akin. Bumuhos ang sariwang luha sa mga mata niya. Kaagad ko namang pinunasan 'yon gamit ang aking palad. Morgan hold my hands tight na para bang gusto niyang iparamdam ang kanyang nararamdaman habang kausap niya ako. "Gusto ko po siyang yakapin nang mahigpit , kwentuhan at makipagtawanan sa kanya."

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko nagawang makapagsalita kaagad. Bagkus, yakap lamang ang nagawa ko sa kanya. Isang napakahigpit na yakap upang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Dahil sa dami ng pinagdaanan ni Morgan mula noong makilala ko siya sa loob ng Sire Palace, ngayon ko na lamang ulit siya nakitang humihikbi sa harapan ko.

Ang dami-raming mga nangyari sa buhay niya. Si Cia, ang mga magulang niya, at ngayon ay ang itinuturing niyang kuya na nagbigay sa kanya ng importansya.

Gustuhin ko mang gawin ang request sa akin ni Morgan ay indi ko pa rin iyon masunod dahil ayokong magtungo ulit siya sa kung saan maraming tao ang nagbuwis ng buhay para lamang sa kapakanan nila. Alam kong marami ulit ang galit sa akin ngayon dahil sa nangyari, especially sa mga taong nasa East Astrea. Alam kong doble ang galit nila sa akin ngayon dahil sa nangyari. But I can't do anything but to accept the fact that my life is already broken. And Miss Madora was right. My light is extinguished at walang kahit na anong dumating sa buhay ko kundi kamalasan lamang.

Kumalas ako at saka ko ulit siya tinitigan. "Pasensya ka na, ah?" sambit ko. "Pero kasi, h-hindi puwede."

Pinunasan ni Morgan ang luha niya. "Bakit po, ate?" aniya. Sumandal siya sa akin habang inaabot niya pa rin ang tingin ko. "Ayaw po ba ni kuya Sheldon na makita ko siya? Sinabi niya kasi sa akin noong bago magkaroon ng giyera na ayaw niya na akong makita pa dahil masama ang pakiramdam niya. Pero nagawa pa rin po niyang makipaglaban para lang po iligtas po kayo."

Kumunot ang noo ko. "Mayroon na siyang kakaibang nararamdaman bago pa mangyari ang labanan?"

Tumango siya. "Alam ko pong hindi po maganda ang pakiramdam niya noong umalis siya rito kasama si Aphro. Ang totoo po niyan, pinaiwan siya rito ng reyna dahil nga po masama ang pakiramdam niya. Pero gusto niya po kayong mabawi sa bad snake kaya iniwan niya kami ni Lily rito sa palasyo," paliwanag niya. "Nasa kwarto po kami ni Litha noong kasagsagan ng labanan. Doon po kami nagtago, at para protektahan din po si Litha dahil wala po siyang malay. Pero no'ng sugurin kami ng mga bad snakes dito at kinuha ang katawan ni Litha, umalis na po kami ni Lily at nagtungo sa giyera."

Bumuntonghininga ako at saka ako ngumiti sa kanya. "Alam mo, ang tapang-tapang mo," bulong ko. "Dahil sa lahat ng pinagdaanan mo, naririto ka pa rin sa amin." Niyakap ko siya. "Sheldon wasn't here anymore, and will never came back again, but I am still here, okay?"

Tumango siya. "Sorry po, ate Sol," sabi niya. Yumuko si Morgan nang magbago ang reaksyon sa mukha niya. "Akala ko po kasi, kung hindi niyo po sasaktan si kuya Sheldon, magiging okay po ang lahat. Pasensya na po kung nabigyan ko po kayo ng dahilan upang mahirapan po kayo sa pakikipaglaban."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon