Chapter 71

76 11 0
                                    

Hello po. Pasensya na po kayo kung 'di ako nakapag-update kagabi. Maling desisyon na uminom ako ng tatlong basong shembot nang sunod-sunod. When I am sitting on my chair with my friends, I thought it's normal since hindi ako nahihilo. But when me and my cousin are about to leave, muntik na akong matumba. HAHAHA!

Kakahiya sa debutant at sa mga bisita, taena. 😭

At hindi na 'yon mauulit.

Anyway, long update po ulit tayo. Sana po magustuhan niyo itong chapter na 'to. Don't forget to vote and comment your thoughts about the story. Thank you and keep safe, Warriors!

* * *

Chapter 71

For the past few days mula noong makarinig kaming dalawa ng sigaw ng isang hayop mula sa paligid ay naging kampante ang lagay ko. Sa loob ng mga araw na 'yon ay buo ang kasiyahan sa mukha ko lalo na't naging maayos na si ina at nagiging mabuti rin ang takbo sa loob ng palasyo, na siyang hinangad ko mula pa noong bata pa lamang ako. When I was a kid, gustong-gusto ko talagang magkaroon ng kapayapaan ang buong palasyo pati na ang buong Astrea. Pero sa nakikita ko ngayon, parang malabo na iyong mangyari dahil sa mga nagaganap sa iba't ibang panig at grupo.

Mabuti nga lamang at kahit papaano'y maayos na si ina. At mas naging masaya ang loob at labas ng Astrea Kingdom dahil sa mabuting balitang ibinigay ni ina sa kanila.

Ngayon, gaya ng sinabi ni ina ay inimbitahan niya ang mga tao upang ipagdiwang ang aking aking kaarawan. Nang pumasok ako sa loob ng throne hall ay saka tumambad sa aking surpresang sinasabi ni ina. Magagara ang kasuotan ng bawat taong makikita sa loob at labas ng hall, matitingkad at makukulay ang mga bulaklak at ibang mga palamuti sa paligid at nagsisipagkislapan ang napakaraming mga maliliit na ilaw sa paligid. Mas lalo pa iyong naging mas masaya't kapana-panabik nang dumating ang mga Faeries na siyang nagsisipagliparan sa itaas at maririnig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak at mumunting mga tinig ng kasiyahan.

Punong-puno ang hall throne ng mga taong inimbitahan mula sa aking kaarawan. Naparaming nga regalong nakalagay sa isang napakalaking table at karaniwan doon ay mga magaganda't makukulay na kasuotan. Bukod doon ay napakarami ring mga pagkain sa magkabilang pagitan ng throne hall na pinangangasiwaan ng mga servant na masayang nagse-serve ng mga malalamig at maiinit ng pagkain at inumin.

May mga tables at upuan sa harapan ng throne at doon nakaupo ang mga bisitang naghihintay at kumakain ng mga inihaing pagkain sa kanila.

Samantalang mayroon namang isang napahabang table sa harapan nilang lahat. Nilagyan lamang ng espasyo ang bandang ng hallway dahil doon maaaring sumayaw ang mga bisita.

Sa totoo lang, mula noong napagtaksilan ako ng Sire Palace ay hindi ko na ginusto pang magkaroon pa ng mga okasyon na involve ako. Napakarami na kasing nangyari sa akin at sa mga nangyaring 'yon ay hindi maganda ang idinulot niyon sa akin. Mas na-appreciate ko pa nga 'yong mga effort ni Ba noon sa akin sa tuwing birthday ko kahit kaming dalawa lamang ang nagce-celebrate. Pero sa tagpong 'to, ngayong gabi na puno lamang ng kasiyahan ang mukha ng mga tao, mga tinig ng kasiyahang lumalabas sa kanilang mga labi at sumisilay na napakagandang mukhang inuukit sa bawat sandaling nagtipon ang mga tao ay masasabi kong isa rin ito sa pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko.

Mapakarami rin namang nangyaring maganda sa akin noon pero isa rin ito sa hindi ko makakalimutang araw. Napakabait pa ng mga tao sa paligid ko. Naririnig ko ang kanilang mga pagbati sa tuwing dadaan ako sa kanilang gilid at bibigyan ng isang yuko bilang kanilang paggalang.

Nakaupo ako sa gilid ni ina. Hindi lang ako masyadong kampante ngayon dahil sa suot-suot kong gown na halos sakupin na ang tatlong upuan dahil sa taba ng palaguyguyan. Mabuti nga lamang at nagawa ko pang makaupo kanina dahil sa lagay na 'to. Sinabihan ko naman na kasi si Lily patungkol dito subalit sinabihan niya akong minsan lang daw mangyari ang ganitong okasyon sa loob ng isang taon kaya't kailangan ko raw magsuot ng magarang damit. Isa pa, maraming bisita ang naririto sa loob ng hall.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon