Chapter 97

52 5 0
                                    

Chapter 97

Hindi ko na nakausap pa si Sheldon mayapos naming sumayaw na dalawa. Nagtungo na kasi si Lily sa kinaroroonan namin dahil hinahanap na raw ako ng aking ina, at dumating na raw si Aspir kasama ng ilang mga taga-Applewood. Gustong-gusto kong sabihin kay Lily na kung puwede sana'y siya na lamang ang magsabi ng bagay na 'yon dahil parang hindi ko kayang sabihin iyon kay Sheldon, pero hindi magawa ng bibig kong maibuka iyon at maglabas ng mga salita. Tanging ang tunog lamang ng aming mga hakbang ang maririnig sa loob ng hallway, bukod sa ilang mga taong nasa paligid at naghihintay lamang ng tamang oras para sa okasyong magaganap ngayong gabi.

Hindi ako makapagbitiw ng mga salita. Pinapakinggan ko lamang ang sinasabi ni Lily sa akin. At halos lahat ng mga iyon ay puro mga advice lang. Matapos ng ilang sandali, hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil parang nablanko na ang utak ko.

Napatigil na lamang ako sa paglalakad nang may makabunggo ako. Kaagad kong naituon ang atensyon sa kanya at humingi ng tawad sa nangyari. Nang muli kong silipin kung sino ang aking nabangga, si Aspir ang nahagilap ng aking mga mata. He's wearing a nice dress, though hindi iyon 'yong pinakagusto niya. Pero bumagay naman sa kanya ang suot niyang jerkin at breeches mula sa nangingitim ngunit nangingintab nitong violet glitters na sumakto sa kanyang may katipunuang katawan.

I bowed in front of him. "I'm sorry," ani ko. "Pasensya na, hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko."

But Aspir shook his head and said, "no, no, no. It's okay, really." Ngumiti siya sa akin saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang sa dulo ng suot kong gown. "You look stunning at your dress, Your Majesty! Well, this is your night, anyway."

"Did I?" Nginitian ko siya nang matabang nang tumango si Aspir. "Thank you for saying that."

"Uh-huh!" Iniwas niya ang tingin sa akin. Nilingon niya ang paligid namin. Medyo dumarami na rin ang tao kaya't unti-unti na ring umiingay ang paligid mula sa pag-uusap ng mga kumpol-kumpol na mga tao, suot ang kani-kanilang mga magagandang kasuotang gawa sa napakamahal na tela. Makikita naman ang mga 'yon ayon sa detalye ng kanilang mga suot. Muling tumingin sa akin si Aspir. "Are you excited, Your Majesty? This will be your last night that you are wearing a comfortable smile."

Kumunot ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin, Aspir?"

Tumawa siya. "Well, I mean, this will be the last night you'll be wearing your comfortable smile because tomorrow, you'll be wearing a most precious smile that no one could ever capture—you'll be the next queen of this new era, this new generation," sabi ni Aspir na para bang may sumisilay na liwanag sa kanyang mga mata. I could see it in his eyes. Bumuntonghininga siya sabay lapit ng labi sa tainga ko. "And I'm so proud of you, despite all the cheers and boos you have received throughout your entire life."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Your words are too much exaggerated!"

He shook his head. "Uh-uhm. No. They are not exaggerating words, because it's true."

"Baka ma-spoil na ako sa mga sinasabi mo, ngayon pa lang, Aspir," ani ko saka ulit ako tumawa.

Ngumiti siya. "As you should be. Dahil magiging reyna ka na," aniya. Bumuntonghinga siya at muling tumanaw sa malayo. "Uhm, just wait a second, may pupuntahan lang ako."

"Wait, the show is going to happen in a few minutes," sabi ni Lily sa kanya.

Tumingin si Aspir kay Lily at ngumiti siya nang matabang. "I'll be on time. Kakausapin ko lang ang mga bisita."

Tumango naman si Lily sa kanya.

Aalisin ko na sana ang mga mata ko mula kay Aspir nang may mapansin ako sa loob ng bulsa niya. Nakasilip ang isang silver snake. At nakita ko na ang bagay na 'yon dati.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon