Chapter 111
Months had passed, a woman who didn't do anything but to protect mother and me, and the palace became the queen of Astrea Kingdom. And Lily proves that even a pawn can be a queen. Nothing can beat her loyalty in Astrea Kingdom, and mother and I knows it. Dahil noong panahon pa man din ni ina ay nakapiling na niya ito, until now. At siguro ay oras na upang siya naman ang mabigyan ng treatment upang masuklian ang lahat ng mga sakripisyong ginawa niya sa amin ni ina.
The moment that the dark conquers the sky, I went outside the palace and went to the garden to breathe for a fresh air. Haplos-haplos ang aking tiyan ay binaybay ko ang kahabaan ng daan hanggang sa marating ko ang sunflower garden. Mula sa bungad ay mayroong nakaabang na isang bench at doon ako umupo.
Nang tuluyang kumagat ang dilim ay saka ko ginamit ang aking kapangyarihan upang pailawin ang isa sa mga sunflower na nasa likuran ko. Iyon ang nagsilbing ilaw sa kinaroroonan ko. Tahimik ang buong paligid, sariwa ang ihip ng hangin at tila sumasayaw sa aliw ng hangin ang mga bulaklak sa paligid.
Nagpaalam naman ako kina ina at ama na lalabas muna ako saglit at pinayagan naman nila ako. Hindi pa kasi natatapos ang okasyon sa loob at napakaraming tao ang dumalo, at sa tingin ko naman ay masaya ang lahat sa naging tagumpay ng Astrea Kingdom, lalong-lalo na nang makoronahan na si Lily, at naipakilala na ulit ang nawawalang Sun Goddess na si Litha. All of them were happy on their own, except me.
Until now, sariwa pa rin sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa loob ng giyera. Months had already passed but Sheldon's memories are still hunting me that I couldn't help but to feel blue and cry. Naririnig ko ang ilang mga tawanan mula sa palasyo subalit mahina lamang 'yon, pero pakiramdam ko, hindi ako kuntento sa gano'n. I missed Sheldon's laugh, voice and himself—I missed him so much. Wala naman akong magawa kundi ang tanggapin 'yon kahit na labag sa kalooban ko.
Bigla kong binawi ang kapangyarihan ko mula sa isang sunflower nang makarinig ako ng mga yapak, 'di kalayuan sa aking kinaroroonan. Pinagmasdan ko ang paligid. When a posture from the dark vent out of nowhere, and figured out that she's looking at me, muli kong ibinalik ang liwanag sa may sunflower. Tumingin pa ako sa kanya na unti-unting naglalakad hanggang sa marating niya ang kinaroroonan ko.
Umupo sa tabi ko si Lily kasabay ng paghawak niya sa kamay ko. "I saw you leaving inside the palace so I followed you,* aniya. Bumuntonghininga siya at hinaplos nang paulit-ulit ang aking kamay. "Is there something wrong, my little girl? I'm sorry if I followed you here, I just . . . I just don't want you to be alone in the dark."
Ngumiti ako sa kanya. "I have the power to summon light, Queen Lily," sabi ko sa kanya. "I can handle myself. But thanks for your concern, I appreciate it." Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin sa kalangitan. "I'm just missing someone. Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa loob dahil lang sa masaya ang lahat. I'm out of it."
"Your man . . . Sheldon, isn't he?" Binitiwan ni Lily ang kamay ko. Nang silipin ko siya sa gilid ko ay nakatingala na rin siya sa kalangitan. Tinanggal pa niya 'yong koronang nakasuot sa kanya at hinaplos lamang 'yon habang hawak-hawak niya. "I'm just wondering why I was with this position when I have no idea what I did," aniya.
I chuckled. "You deserved it," ani ko. "You are more than a queen. Your loyalty doesn't reach what the other people has in their hearts."
"So Sheldon, too," sabi niya. "He once with the Sire Palace's league but it turned out he went here just to take you to your home. Such a great man, isn't he?" She laughed as she caught her breath. "Sa akin, sa totoo lang, alam ko namang may mas deserving pa sa akin sa posisyong ibinigay niyong dalawa ng iyong ina. I honestly don't know how to handle a palace. I'm scared of being judged by the others once I've made mistakes. But if accepting an opportunity makes the other people be proud of me, I'll take a risk to make them happy. Kaya alam kong kung ano man ang ginawang sakripisyo ni Sheldon, alam kong para sa kaligtasan niyo 'yon ng dalawang mag-iina, and of course, for the Astrea Kingdom."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...