Chapter 17
Mataas na ang sikat ng araw nang makarating kami sa kampo. Tumigil ang sinasakyan naming kabayo sa harap ng mg sundalong naghahanda ng kanilang mga kagamitang armas.
Nang makababa kami ay saka na lamang ako nakarinig ng ilang mga sinasabi ng mga sundalong nasa paligid namin. Napatigil din ang mga ito sa kanilang ginagawa at tumingin pa ang mga ito sa akin na animo'y nais nilang kainin ako ng lupang kinatatayuan ko.
"Hindi ba't siya 'yong kasama mo noong nakaraang linggo, Sheldon?" Tanong ng isa sa mga kasama ni Sheldon. "Alam na ba ito ng heneral at ng palasyo?"
Nilingon ko si Sheldon. Napansin ko ang pagtingin nito sa akin bago ito tuluyang tumango sa harap ng sundalong nakatingin sa akin. "Huwag kayong mag-alala, alam na ni General Israel na mayroon taong kasamang map tracker."
"Hindi ba't hindi pinahihintulutan ng palasyong magdala ng babae rito?" Tanong pa ng isang sundalo noong papalakad na kaming dalawa ni Sheldon paalis sa harapan nila.
Hindi naman na pinansin pa ni Sheldon iyon at ipinagpatuloy na lamang namin ang paglalakad namin. Inihatid naman kaagad ako ni Sheldon sa tent ko pagkatapos niyang iwan ang kabayo mula sa kulungan nito.
Tahimik ang buong paligid at tanging ang pag-ihip lamang ng simoy ng hangin ang siyang maririnig nang makapasok kami sa loob.
"Ayos lang ba kayo rito kung iiwan ko muna kayong dalawa ng alaga mo?" Tanong ni Sheldon sa akin nang makaupo ako sa aking kama.
Nilingon ko naman siya habang hawak-hawak ko pa rin ang braso ko. Tumigil na rin ang pagdudugo niyon dahil tinalian niya 'yon ng tela. May bahid ng dugo iyong telang pinantali niya sa braso ko ngayon, pero ayos lang daw 'yon sa kanya dahil hindi naman daw niya masyadong ginagamit ang damit na 'yon.
Tumango ako kay Sheldon. "Wala kang dapat na ipag-alala," sabi ko sa kanya. "Ayos lang kami ni Aphro dito. Hindi ba't may training kayo ngayon? Papaalis na ang mga kasama mo, maghanda ka na rin. Sumabay ka na sa kanila."
"Kaya nga, eh. Aalis muna ako, at pupunta kay Heurt." Naglakad na siya patungo sa may pinto. Sumilip pa ito sa akin at sinabing, "Tatawagin ko muna siya upang magamot iyang sugat mo. Diyan ka na muna."
Nagkaroon na rin ako ng tiwala kay Sheldon. Sa mga ipinapakita niya ay deserve naman niya sigurong mabigyan ng tsansang ibigay ang tiwala ko sa kanya. At oo, iyon ang ginagawa ko ngayon. Sa totoo lang kasi ay napakabait niya sa akin. At walang araw na hindi siya nagpupunta rito upang i-check ang kalagayan ko. Simula noong naririto ako ay ako ang inaasikaso niya, kahit mayroon siyang dapat na pagtuunan ng pansin at hindi ako.
Kunsabagay, map tracker nga pala ako at kasama ko siya. Pero napapasama na rin kasi siya minsan lalo na kapag nahuhuli siya ng ibang mga kasamahan niya rito sa kampo, mula sa pagnanakaw ng pagkain upang ibigay sa akin.
Dumating si Heurt, ang kaibigan niya at ginamot niya ako. Medyo umiling-iling pa siya noong hinawakan niya ang sugat ko. Hindi ko naman siya maintindihan kung bakit ginagawa niya 'yon dahil wala naman ako sa posisyon niya at wala naman akong kapangyarihan katulad ng sa kanya. Pero kagaya ng dati, noong unang beses na ginamot niya ako ay ganoon din ang kanyang reaksyon. Gayunpaman ay hindi ko na siya tinanong pa patungkol sa kanyang nararamdaman.
Tahimik lamang akong nakatingin sa mukha niya habang hawak-hawak pa rin niya ang aking braso. Hindi masyadong nawawala 'yong sugat ko at kung mayroon man ay peklat lamang ang matitira, kagaya ngayon. Peklat lamang 'yong naiwan sa aking braso. Pero at least, nabawasan ang aakit ng nararamdaman ko roon.
Nang tumayo si Heurt ay saka ako nagpasalamat sa kanya. Tumango lamabg siya sa akin at nginitian niya ako bago siya tuluyang naglakad palabas ng tent at sinabihan niya akong aalis na sila ng kanyang mga kasama.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...