Chapter 96

65 6 0
                                    

Chapter 96

Nang bumalik ako sa palasyo ay saka ko nalamang nagtungo na pala si Nina sa kwarto ni ina. Kasasabi lamang sa akin ni Lily kani-kanina lamang at ang sabi niya ay kailangan ni ina ng tulong ko dahil pinalabas niya si Lily roon. Ibinigay ko kay Lily ang sandata ko at kaagad na nagpunta sa kwarto ni ina't sumilip sa nakaawang na pinto.

Hindi na naaapektuhan si Nina ng kung anong sumpa ang mayroon kay ina. She can now completely face my mother without any hesitations or scared of being hurt.

Tinututok ni Nina ang hawak niyang dagger kay ina. Napatingin sa akin si ina nang pumasok ako. Tutunguhin ko na sana siya upang iiwas ang sandatang nakatutok sa kanya subalit pinigilan ako ni ina. Sinabi niya sa akin na ayos lang daw iyon dahil gusto niya ring magpaliwanag kay Nina. Sinabihan pa niya akong huwag na lamang makialam sa usapan nilang dalawa at umalis na lamang. Ayoko mang umalis dahil nga nag-aalala ako sa kanilang dalawa ay wala rin naman akong nagawa dahil sa huli, naihakbang ko rin ang mga paa ko paalis ng kwartong kinaroroonan nila.

Isinarado ko ang pinto at nagtungo sa gilid ng dingding. Hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nilang dalawa ngayon sa loob pero kabado ako. Naririnig ko kasi ang maya't mayang kalabog doon na nagpapabilis ng tibok ng puso ko, at ang masasabi ko lang ay mali ang. Halos sampung minuto na ang itinagal ng pag-uusap nilang dalawa sa loob. Sa muling pagkakataong nakarinig ako nang mas malakas na kalabog ay saka ko inihakbang ang mga paa ko patungo sa pinto't hinawakan ang seradura niyon. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang marinig ko ang mga yapak sa gilid ko.

"Remember what I have told you before?" tanong ni Sheldon sabay sandal sa dingding. Iniwas niya ang tingin sa akin sabay sabing, "fighting is a part of the healing process."

Binitiwan ko ang seradura ng pinto. Naglakad ako patungo sa harapan niya at saka ko siya sinipa. Napaaray siya dahil sa ginawa ko at tinatanong niya kung ano ang ginawa niya sa akin para gawin ko ang bagay na 'yon sa kanya. Dahil sa pagkakaalam niya, wala raw siyang ginawang kahit na ano nitong mga nakaraang araw upang ma-badtrip ako.

I rolled my eyes on him. "Kung hindi ka nagbigay ng suggestion kay Nina patungkol sa pag-uusap nila ni ina, hindi ako magkakaganito," bulong ko. Hindi ko na naririnig ang mga kalabog sa kwarto ni ina. Medyo tumahan na rin ang pakiramdam ko dahil nawala na rin ang malalakas na boses ni Nina sa loob. Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko bago ako humilig sa pader, sa gilid ni Sheldon. "Hindi na 'to mauulit pa, Sheldon. Tama na, nakakarami ka na."

"As far as I know, I haven't tell you anything to ruin your life," pagdadahilan niya. "Except . . . wait, don't you love me already?"

Nilingon ko siya. "Tanga," bulong ko. "Ewan ko sa 'yo." Muli akong bumuntonghininga. "Kumusta na 'yong dalawa?"

"Kaka-check ko lang kay Morgan at sa alaga mo, mahimbing na ang tulog nilang dalawa. At mukhang maayos na rin si Aphro mula sa nangyari sa kanya," aniya. Binawi niya ang kanyang sarili sa pagkakasandal sa dingding at hinarap niya ako. "Eh ikaw, ayos ka lang ba? I saw you crying on the bridge earlier."

Kumunot ang noo ko. "You did?" takang tanong ko. "Then you saw what happened?"

Brow's furrowed, Sheldon walked through the side of the door. Hindi pa rin niya inaalis ang kanyang tingin sa akin. "What happened?" tanong niya. "Is there something wrong?"

Nagkibit-balikat ako. "Valore just visited me," bulong ko. Iniwas ko ang tingin kay Sheldon. "Bruh, it's nothing."

"Huh?"

I rolled my eyes. "Sort of, she told me something about the Dark God," ani ko. "Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ang bagay na 'yon sa akin samantalang nakipanig siya sa Darkus Darkling na 'yan, pareho sila ng kanyang kuya. Kung nabubuhay lamang si Ba, baka hindi niya sila payagan kahit na magpumilit ang dalawa sa nais nila. The Dark God is Litha's great opponent. At naniniwala si Ba kay Litha. Valore told me that the Dark God is plotting something for me. As if kung siya lang ang nagpaplano. Hindi naman pupunta ang kapatid ko rito kapag wala rin siyang binabalak sa akin."

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon