Chapter 56
Sinundan lamang namin ang mga yapak ni Leo habang sakay-sakay niya si Celina. Siya kasi ang may alam kung saan kami puwedeng dumaan upang hindi kami mahuli ng mga taong humahabol sa amin. At halos dalawampung minuto na ang itinagal simula noong umalis kami mula sa bungad ng bayan subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin namin natatakasan ang mga ito. Naririnig pa rin namin ang kanilang mga sigaw na siyang dahilan upang mabalutan kami ng tensyon habang patuloy na binabaybay ang masukal na kagubatan.
I used my light through the dark upang makita namin ang aming daraanan. Sumilip na ang liwanag sa kalangitan subalit hindi pa rin iyon sapat upang makita ang daraanan namin kaya't malaki ang tulong ng ilaw na nanggagaling sa kamay ko. Medyo nawawala na rin kasi ang ilaw na nagmumula sa balahibo ni Aphro.
Lumiko kami patungo sa south. Maririnig ang malalakas na yapak ng mga kabayo sa likuran namin bukod sa yapak nina Aphro at Leo. Celina looked at us and motioned us na bilisan namin ang pagtakbo upang matakasan namin ang mga ito.
"Fire!" iyon ang narinig namin sa aming likuran. Napalingon ako habang patuloy kaming umuusad. Natatanaw ko ang mga kalalakihang sakay ng mga kabayo. Nakatutok sa amin 'yong mga baril nila.
Saka na lamang ako naalerto't napasigaw nang gumawa ng malakas na pagsabog ang kanilang mga sandata. Sheldon looked behind us, too and used his power upang i-block ang mga balang umuulan sa amin. His shield is protecting us from the coming bullets. Nabibingi na ako dahil sa sunod-sunod na putok ng baril at hindi na rin mapakali mula sa kinauupuan si Morgan. Nang tumingin ako sa kanya ay nakatakip lamang siya ng kanyang tainga habang siya ay umiiyak.
Binawi ko naman ang aking kapangyarihan saka ko siya niyakap. Hinawakan lamang ako ni Morgan sa aking braso habang patuloy na umiiyak.
"Kailangan nating maghiwalay," sabi ni Celina sa amin.
Tumingin si Sheldon kay Celina habang patuloy na nakatutok sa likuran niya ang kanyang kamay upang hindi mawala ang shield sa likuran namin. "Pero hindi tayo makakarating sa pupuntahan natin kapag naghiwalay tayo!" sigaw nito. Isang napakalakas na pagsabog ang nangyari sa aming likuran, dahilan upang yumanig ang kalupaan kasabay ng pagbawi ni Sheldon sa kanyang kapangyarihan. Pero matapoa ng ilang segundo, naibalik naman niya iyong shield sa likuran namin.
"We have no time for this. We're on war! Magkita na lamang tayo sa dalampasigan." sigaw ni Celina. Tinapik niya ang kanang balikat sabay lingon sa likuran. At dahil si Leo ang nagli-lead sa kanya mula sa kanilang dinadaanan ay lumihis siya papalayo sa amin hanggang sa tuluyang kinain sila ng kadilimang bumabalot sa ilalim ng mga matatayog na puno.
Wala namang nagawa si Sheldon. Tanging ang mahinang ungol lamang nito ang kanyang ginawa bago niya kami tiningnan. "Kumapit kayo nang maigi," aniya. "Aphro," sambit niya sa pangalan ng aking alaga kasabay ng pagbawi niya ng kanyang kapangyarihan. Ipinagpatuloy lamang ni Aphro ang kanyang pagtakbo hanggang sa papabilis na iyon nang papabilis. Kahit papaano'y naiwala namin ang mga humahabol sa amin.
Tumingin ako sa likuran namin. Mayroong ilang mga kalalakihang nakasakay ng kabayo mula sa magkabilang gilid at mayroon silang hawak na mga espada. Papasugod ang mga ito sa amin.
"Oh, shit," bulong ko sa aking sarili. Kaagad kong kinuha ang espada sa likuran ko. Wala na ring pasabing kinuha ko ang espada sa likuran ni Sheldon at hinawakan iyong dalawang espada sa magkabilang kamay ko. Habang papalapit kami nang papalapit sa kanila ay saka ko naman hinahawakan nang mahigpit ang mga sandatang nasa magkabilang kamay ko. Maririnig mula sa paligid namin ang maiingay nilang mga sigaw. Pero bago pa sila tuluyang makalapit mula sa amin ay napuruhan na sila ng hawak kong mga sandata mula sa kanilang mga katawan.
Sumirit ang napakaraming dugo sa aming katawan dahil sa nangyari. Gayunpaman, hindi na namin iyon masyadong pinansin pa. Ang importante ngayon ay kailangan naming makaalis sa lugar na ito bago pa kami tuluyang maabutan o mapatay ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...