Chapter 102
Nang sumara ang pinto ay saka ako kaagad na nagtungo sa may bintana. Tinanaw ko ang ibaba. Hindi ko na makita pa si Valore doon. Tanging ang mga servants at ang ibang mga resedensya na lamang ng palasyo ang naroroon bukod sa ibang mga kariton, wagon cars at mga kabayo, sakay ang mga sundalo. Hindi lang sila kararating mula rito dahil halatang papaalis ang mga ito. At patungo ang mga 'yon sa harap ng palasyo, suot ang kanilang mga warrior suit na gawa sa metal at mga magagandang uri ng tela habang dala-dala ang kanilang mga sandata.
I tucked my hair behind my ear before turning back to the bed. Pero matapos ng ilang sandali ay nagpunta ako sa harap ng pinto at dahan-dahang inilapit ang tainga ko roon. May mga bantay na naroron. Naririnig ko ang kanilang mga boses subalit hindi ko malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Malamang na kapag lumabas ako, lalo na't wala akong kahit na anong sandata, ay baka makatunog ang iba pang mga bantay. Alam konf bantay-sarado ako ngayon dito sa loob ng kwartong ito kaya't hindi ako puwedeng dumaan sa pinto.
I looked around me. Muli akong nagtungo sa kama at kinuha ang kumot doon. Itinali ko 'yon ng by one meter ang pagitan. Nagtungo ako sa bintana at itinali 'yon sa may metal barrier mula sa labas. Sinigurado kong wala ng ibang tao sa ibaba bago ko inihagis ang kumot patungo sa ibaba, subalit hindi 'yon aabot sa lupa. Chineck ko pa nang maigi kung kaya kong talunin 'yon subalit hindi talaga kaya. Masyadong mataas ang kwartong 'to, hindi ko 'yon kayang lundagin. Napasilip ako mula sa isang maliit na bintana, mula sa hangganan ng kumot na gagawin kong lupid upang makababa.
Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko bago ako tuluyang umakyat sa bintana't dahan-dahang bumaba gamit ang kumot. Halos mawalan pa ako ng hangin sa baga ko dahil sa malakas na ihip ng hangin sa paligid, isabay pa ang pagsayaw ng buhok ko patungo sa aking mukha. Muntik pa akong mahulog nang aksidenteng nadulas ang paa ko mula sa binababaan ko. Mabuti na lamang at nakahawak ako nang mahigpit.
Nakarating ako sa bintana nang mayroong gasgas sa mga kamay. Nakuha ko 'yon dahil muntik ulit akong mahulog nang makarating na ko rito sa bintana. Pero ayos na rin ito kaysa sa magmukmok ako mula sa loob ng kwartong 'yon at walang ibang gagawin kundi ang hintayin kung paano dumating ang Dark God at si Apollo.
Walang tao sa loob ng kwartong 'to. Parang tambakan lamang kasi ito ng mga gabundok na papel na halos matabunan na ng sandamakmak na mga alikabok at sapot. At sa bawat paghakbang ko, tanging ang alikabok lamang ang siyang sumasalubong sa akin. Tinakpan ko ang aking ilong at ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa tuluyang makarating ko ang nag-iisang pinto mula sa dulo.
Sinubukan kong pihitin 'yon subalit hindi ko 'yon mabuksan. Ilang ulit ko nang ginawa at pinilit na buksan ang seradura ng pinto subalit naka-lock pa rin 'yon sa labas.
"Useless," bulong ko sa sarili ko saka ako umatras. Sumandal ako sa dingding bago ako umupo. Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa aking mga tuhod at yumuko. Subalit naiangat ko ang tingin ko nang marinig ko ang pag-creak ng pinto, kasabay ng pagsilip ng liwanag ng ilaw.
Ang buong akala ko pa ay tauhan ni Apollo o ni Darkus kaya't mabilis akong tumayo't kumuha ng bagay sa gilid ko na maaari kong gamitin upang protektahan ang aking sarili. Ngunit sa sandaling sumilip siya kasabay ng pagtaas ko ng hawak kong kahoy, and was about to hit him, ay bigla kong naaninag ang kanyang mukha.
He's wearing a typical black overdress while holding a pile of books. "Light Summoner," bulong niya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nilingon pa niya ang bintana mula sa pinanggalingan ko kung saan nakalambitin ang ginamit ko upang makatakas doon sa may kwarto. Pero matapos ng ilang sandali ay muli niya akong tiningnan, bago tuluyang binawi ang atensyon sa akin at naglakad papalayo na para bang hinahayaan niya lang akong gawin ang gusto ko. But somehow, Tata started to filled my ear with words. "I have told you about this thing already, haven't I? The history is repeating itself, and you are not believing what I am telling you." He looked at me.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...