This is the last part of Season 2. Thank you and enjoy reading the last chapter of the season!
Chapter 112
Pumasok ako sa loob ng palasyo dala ang ngiti sa labi habang hawak-hawak ang isang kuting. Kararating lang naming dalawa ni Aphro sa bayan dahil inihatid ko rin 'yong ilang mga mensahe para sa mga taga-roon. Hindi na rin akong nag-atubili pang tumingin ng mga paninda sa paligid ng bayan hanggang sa nadaanan naming dalawa ni Aphro 'tong kuting na dala-dala ko ngayon.
Naalala ko kasing nawalan noon ng alagang pusa si Morgan at kita ko kung gaano siya nalungkot no'n. Kaya't gusto ko siyang surpresahin upang sa gayon ay magkaroon pa siya ng isa pang kaibigan, at para na rin mayroong makausap si Aphro kapag mag-isa siya sa kwarto nila.
Nagtungo ako sa kwarto ni Morgan. Sumilip pa ako bago ako pumasok sa loob. Kasabay ng pag-apak ng aking mga paa patungo sa kama ni Morgan ay ang pagbukas ng kanyang mga mata. Pinunasan niya pa nang makailang beses ang kanyang mga mata bago siya tuluyang umupo at tumingin sa akin.
Labis ang tuwa ng bata nang makita niya ang hawak-hawak ko. Kaagad niya 'yong kinuha sa akin kasabay ng paghaplos niya sa ulo ng pusa. "Ang ganda naman po niya, ate Sol! Anak po ba ito ni Aphro?" bungad niyang sabi sa akin. "Para po siyang si Cia kasi maputi rin siya tapos maliit din po. Bigla ko po tuloy siyang na-miss!"
Ngumiti ako. "Para sa 'yo iyan, regalo ko sa 'yo," sabi ko sa kanya.
"Sa susunod pa naman po 'yong birthday ko, ate." Napakamot siya ng ulo. "Wala naman pong okasyon ngayon."
Napatawa ako sa sinabi niya. "Regalo ko sa 'yo 'yan dahil napakabait mong bata. At ang mga batang katulad mo ay deserve na magkaroon ng alaga at magiging kaibigan bukod kay Aphro," wika ko. Umupo ako sa tabi niya. "Nagustuhan mo ba?"
Kaagad siyang tumango sa akin. Abot-langit ang kanyang ngiti ngayon. "Syempre naman po, ate Sol!" Iniwas niya ang tingin sa akin. "Pero kukunin niyo na po ba sa akin si Aphro kaya niyo po ako binibigyan ng panibagong alaga, ate?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya kasabay ng paghawak ko sa kanyang kamay. "Syempre hindi. Makakatabi mo pa naman si Aphro at siya ang magiging bantay mo rito habang tulog ka. Syempre, kailangan niya rin ng makakasama at makakausap. 'Di ba nga, puro meow lang ang sinasabi niya sa 'yo? Baka kapag nagkaroon siya ng kasama na kagaya niya rito, edi magkakaintindihan na rin sila."
Tumawa si Morgan dahil sa sinabi ko. "Kunsabagay, tama nga po kayo," aniya. Tiningnan niya ang pusang hawak niya. "Babae rin po ba siya, ate?" Nang tumango ako ay saka niya sinabi sa akin na Cira na lamang ang kanyang ipapangalan sa kanya. Nagpasalamat naman nang ilang beses si Morgan bago niya tuluyang inilapag si Cira sa gilid ng inuupuan namin at niyakap ako nang mahigpit ni Morgan. "Kumusta na po si baby?"
Ngumiti ako. "Halatang excited ka talaga sa paglabas niya, 'no?" sabi ko sa kanya. Tumawa naman si Morgan.
Actually, tinatanong ako ni Morgan kung bakit hindi lumalaki ang tiyan ko pero mayroon akong anak sa sinapupunan ko. Tinanong ko na rin ang bagay na 'to noon kay Litha at ang sabi niya ay normal lamang daw 'yon para sa lahat ng mga Diyosa. But I'm not a goddess yet. I'm still a Light Summoner. Pero sinabi niya sa akin na doon din papunta ang lahat kaya't ganito ang pagbubuntis ko.
Halos mapaiktad kaming dalawa ni Morgan sa kama nang marinig namin ang malakas na kalabog mula sa labas ng palasyo. Bumungad kaagad sa pinto sina Nina, Celina at Leo at sinabing mayroong umaatakeng mga taga-kabilang palasyo—sa Sire Palace, kaya't mayroong malakas na pagsabog na nangyari mula sa harap.
Sinabihan ko naman ang mga ito na mauna na lamang sa labas at susunod na lamang ako sa kanila. Tumango lamang sila sa akin bago sila tuluyang umalis.
Tininang ko si Morgan na halatang takot na takot na. Pati si Cira ay bigla na lamang nagtago sa ilalim ng kasuotan ni Morgan nang muling marinig ang malalakas na pagsabog. Puro mga sigawan na ng mga tao sa labas ng kwarto ang siyang maririnig bukod sa yapak ng mga paa.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...