Chapter 76
Gaya ng sinabi ni Morgan sa akin ay sa kwarto ni Sheldon kami nag-almusal. Sinabihan ko na rin si ina patungkol dito at pinayagan naman niya ako, though nakikita ko pa rin sa kanyang mukha kung paano ito magbigay ng reaksyon nang magpaalam ako. Mababakas sa mukha ni Morgan ang saya nang malaman niyang pinayagan ako ni ina, at dali-dali siyabg nagtungo noin sa kwarto ni Sheldon upang ipabatid ang balita sa kanya.
Halos isang linggo ang itinagal ng pagkukulong ni Sheldon sa kanyang kwarto bago tuluyang bumuti ang kalagayan niya. Ayon kay Lily, bumalik din kaagad si Sheldon sa kanyang ginagawa kasama si Justin at ang ilang mga sundalo nang tuluyan na itong gumaling. Hindi na rin kasi ako nakabisita pa sa kanya nitong mga nakaraang araw dahil medyo naging busy rin ako kasama si ina. Ninanais talaga kasi ni ina na masigurong alam ko ang lahat ng nga patakaran dito sa loob ng palasyo dahil nga nais niyang madaliin ang pagpapasa ng korona, dahil hindi niya na raw mapapanghawakan pa nang matagal ang Astrea dahil sa kanyang kalagayan.
Ilang beses ko nang sinabihan si ina na tumawag ng kahit na isang Healer at muling subukan kung maaari talaga siyang magamot subalit tumatanggi lamang si ina at sinabi niya sa akin na hindi raw sapat ang bilang ng mga Healers mula sa pangangalaga ng palasyo at ayaw niyang mayroong magbuwis ng buhay ulit nang dahil sa kanya kaya't hinayaan ko na lamabg din si ina sa desisyon niya.
Ilang buwan ang lumipas at dumating ang araw na kinakailangan nang umalis ng mga na-train na mga sundalo patungo sa Northern Dune upang mabigyan ng puwersa ang parteng 'yon laban sa Shrigon. At kasama roon si Aspir dahil siya ang magiging leader ng mga sundalo patungo roon.
Nakahanda na ang sasakyan ng mga sundalo nang lumabas ako ng palasyo at magtungo kay ina. Natanaw ko sina Morgan, Sheldon at Aphro mula sa kabilang sulok ng fountain at tumitingin sa mga nagkalat na mga sundalong nakasuot na ng mga uniporme habang dala-dala ang kani-kanilang mga gamit at sandata. Iniwas ko naman ang aking atensyon doon matapos ng ilang saglit at tumingin kay ina na tumawag sa pangalan ko.
Nakatayo kaming dalawa sa pinakabungad ng palasyo. Kaunting pag-uusap lamang ang ginawa naming dalawa ni ina bago niya tuluyang inalis ang atensyon sa akin, lalo na noong lumapit si Aspir sa kanya upang magpaalam na paalis ng palasyo.
Aspir put his hand on his chest as he bowed in front of us, cheeks fluffed. He is wearing his typical royal warrior suit in red and black. Nakasuksok sa kanyang tagiliran ang kanyang espada at ang tatlong maiitim na daggers.
"Your Majesty." Aspir looked at my mother. "Your Highness," he said as he looked at me. Hindi pa rin niya inaalis ang ngiti sa kanyang labi. "My soldiers are ready. They already filled the numbers we need to protect Dune against Shrigon. Hihingi lamang ako ng basbas sa inyo bago kami tuluyang umalis."
Nagkatinginan kami ni ina. Ngumiti siya sa akin bago niya itinuon ang atensyon kay Aspir. Naibigay ko na rin ang atensyon ko sa kanang kamay ni ina nang mapansin kong lumuhod si Aspir sa harapan namin kasabay ng pagbibigay niya ng kanyang espada. Mother took it from his hand and put it over Aspir's both of his shoulders.
"So I need to do it, right?" tanong ko kay ina.
Tumingin siya sa akin at iniabot niya sa akin 'yong espada ni Aspir. "You must do what I am doing. Lucky to know, you're here to see what queen must do for her people." Nginitian ako ni ina.
Dahan-dahan ko namang kinuha ang espada kasabay ng pagtango ko. "Thank you, mother," bulong ko. Gaya ng ginawa ni ina kay Aspir ay ganoon din ang aking ginawa sa kanya. Matapos niyon, nang tumayo na si Aspir sa harapan namin ay saka ko ibinigay sa kanya ang sandatang hawak niya at binigyan siya ng yuko.
Maririnig na ngayon ang tunog ng mga sasakyan ng mga sundalong nasa harapan ng palasyo. Nagtungo na rin ang mga ibang mga sundalo roon samantalang ang iba naman ay nagtipon sa kabilang sulok at maririnig ang mahina nilang pag-uusap. And all of them, you can here gossips that they are excited to travel as soldiers.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasíaScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...