Chapter 78
Weeks had passed and I don't still talking to Sheldon. Kapag kasi nagkakasalubong kami, nasa paligid naming dalawa si ina. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang nakabantay siya sa aming dalawa that I can't even step my feet forward, even three meters away from Sheldon because mother's always making a way para ma-distract ang pagtititigan naming dalawa ng binata. Kaya't tanging si Morgan at ang alaga kong si Aphro na lamang ang siyang naging sandalan at kausap ko sa loob ng aking kwarto every time na nagkukulong ako roon. Pinupuntahan ako ng bata pero si Sheldon, hindi.
Pero kinukwento sa akin ng bata kung ano ang ginagawa ni Sheldon sa kwarto niya o sa paligid ng palasyo. Sinasabi ni Morgan sa akin na tumutulong si Sheldon sa mga bantay na gawin ang mga trabahong hindi naman dapat niya ginagawa. Sabi pa ni Morgan sa akin, inutusan daw siya ni ina sa paggawa ng gawaing 'yon at in-accept naman ng binata't natutuwa pa siya sa ganoong paraan ng pagtulong.
Kapag lumalabas ako ng kwarto ko ay diretso ako sa throne hall o 'di kaya't sa kwarto nina Morgan at Aphro, o kay ina, o kay Lily para makipagkwentuhan. Hanggang sa tuluyang nakagawian ko na ngang iwasan si Sheldon sa tuwing magkakasalubong kami sa daan, though a bit gaze from the side of my eyes were traveling through Sheldon's eyes, looking at me merely like he has something to tell. Pero dahil nga ayokong magalit si ina sa akin o mapagsabihan na naman ako ng mga salita niya ay 'di ko na pinipilit pa ang sarili kong makipag-usap sa kanya.
But the more I am doing this kind of setup, the more that I am regretting it. Nagsisisi ako sa mga ginagawa kong pag-iwas sa kanya just because I don't want my mother scolds me. Nagsisisi akong hindi man lang siya kausapin para kumustahin man lang or simple "hi" para hindi lumayo ang loob ni Sheldon sa akin. Dahil sa totoo lang, kung hindi naman dahil kay Sheldon, wala ako ngayon dito sa loob ng palasyo at hindi ko madidiskubre ang kapangyarihang mayroon ako. Sheldon is the only one who tells me I can do what people can't do. He tells me the importance of having this power. I remember, Sheldon is the one who tells me that maybe Litha wasn't coming around and then she left people on Astrea because I was born. At hindi nga siya nagkakamali sa kanyang sinabi sa akin noon.
I am quietly passing the hallway. All I could hear around me is that the creak of my shoes every time I am stepping feet forward, dahil wala namang tao sa paligid. Papunta ako ngayon kay ina dahil mayroon ulit siyang nais na sabihin sa akin. As usual, papangaralan na naman niya ako na gaya ng ginagawa niya nitong mga nakaraang linggo dahil papalapit na nang papalapit ang araw ng pagpapasa niya ng korona sa akin.
Actually, I'm not really excited for it. Nape-pressure lang talaga ako sa ginagawa ni ina at ayoko siyang ma-disappoint sa akin kaya't lahat ng sinasabi niya ay sinusunod ko na lamang, kahit labag na labag na sa kalooban ko. Hindi ko naman talaga gusto itong nangyayari sa akin ngayon dahil lumalayo na ang loob namin ni Sheldon sa isa't iba, but I can't help but to do it for my mother's sake.
Napatigil na lamang ako sa paglalakad nang mayroon akong mapansing isang kumikinang na bagay sa sahig, malapit sa may katabaang poste mula rito sa may balkonahe. Isa iyong kulay gintong singsing. Napakataas ang sikat ng araw pero mararamdaman mo pa ring ang napakalamig na simoy ng hanging umiihip sa paligid. Nilingon ko muna ang likuran ko bago ako tuluyang humakbang patungo sa kinaroroonan ng singsing at pinulot iyon. Pinagmasdan ko ito habang nasa palad ko pero bigla kong naialis ang tingin doon nang maramdaman ko ang paghila ng kung sino sa braso ko't isinandal ako nito sa mismong poste, sa pinakaharap ng balkonahe.
Nasilaw pa ako nang tumama sa mga mata ko ang sikat ng araw kaya't naialis at naipit ko ang aking mga mata sa humila sa akin. Pero matapos nang ilang segundo ay kaagad ko rin 'yong iminulat.
Mukha ng isang lalaking nakatitig sa aking mga mata ang siyang bumungad. Nang-aakit ang kanyang mga mata. Nang igala ko ang aking paningin sa mukha niya ay napansin ko ang pagdiin ng kanyang labi kasabay ng mahinang paghinga niya. Si Sheldon.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...