Chapter 7
I thought, I am the one who they were finding in the middle of the forest, and thought that Val told his friends to seek to find where I am. But it's not. They didn't looking at me instead they are looking for someone who cross the forest—that's what I heard from them.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko, hawak ko pa rin si Aphro habang patuloy kaming umuusad. At dahil hindi ko naman alam kung nasaan na ako, at wala akong kaide-ideya kung paano ako makalalabas dito sa gubat ay sinundan ko na lamang kung saan umaagos ang tubig na nanggagaling sa batis. Baka siguro dalhin ako nito sa isang lugar, at baka magkaroon kami ng pansamantalang tirahan ni Aphro kapag nagkataong sinundan namin ito.
Hours passed and my toes were already weak. Aphro and I ended in front of the vast body of water. It was a lake, a calm lake.
I sighed. "Dito muna siguro tayo." Umupo ako sa gilid ng may kalakihang bato at isinandal ko ang aking likuran doon. Pinagmasdan ko ang napakalawak na lamang animo'y walang naninirahang nilalang sa ilalim ng tubig. Ang kalmadong lawa sa harapan naming dalawa ni Aphro ang siyang pumupuno sa mga mugtong mga mata ko.
Inilagay ko muna si Aphro sa gilid ko dahil medyo masakit na rin ang dalawang kamay ko mula sa pagkakahawak sa kanya, mula kaninang umalis kaming dalawa patungo rito. Ikiniskis pa nito ang kanyang katawan sa gilid ko bago ito nahiga.
Saka ko ulit naalala ang nangyari kay Aphro noong nakuha siya ni Ba rito sa kagubatan. Baka nga rito niya nailigtas si Aphro.
Ipinatong ko ang magkabilang braso ko sa aking tuhod bago ang aking ulo. Naalala ko ulit ang nangyari kay Ba kagabi. Hindi pa rin ako nilulubayan ng alaalang 'yon na tila ba hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses niya, ang pagmamakaawa niya sa mga Ashton, at pati na rin ang pakiusap niya sa akin na huwag akong lumabas mula sa pinagtataguan ko.
Hindi ko mabilang sa isip ko kung ilang beses na 'yong naglalaro doon.
Nilingon ko si Aphro. "'Di ba, nagamot mo ang sarili mo? Bakit hindi mo man lang siya ginamot noong lumapit ka sa kanya?" Bumuntonghininga ako. Hindi naman pala siya sasagot sa mga katanungang namumuo sa isip ko. Masyado lang akong frustrated dahil sa nangyari. Nagamot kasi ni Aphro ang sarili niya mula sa pagkakapilay niya, subalit hindi niya nagawang iligtas si Ba.
Napansin kong nag-iiba ang kulay ng mga mata ni Aphro, at hindi ko rin maintindihan ang kanyang hitsura ngayon. Nabawi ko ang aking mga braso mula sa pagkakapayong sa aking tuhod at saka ko inilapit nang dahan-dahan ang aking kamay sa kanyang ulo. Ngunit napatayo at napatingin ako may tubig ako nang makarinig ako ng malakas na ingay ng kung anong nilalang sa ilalim ng lawang kinaroroonan namin. Gumagalaw ang tubig mula toon at mukhang mayroong papaahon doon.
Napaatras na lamang ako nang bigyang yumanig ang mga bato, dahilan upang maipit ang isa kong paa at hindi ako makaalis mula sa aking kinatatayuan. I looked at Aphro, and she was now walking towards me, looking so scared about what happened. Biglang tumigil ang pagyanig kaya't gumaan ang pakiramdam ko.
I bit the bottom of my lip once I started to pull my left foot from being trapped on the big rocks, at naririnig ko kung paano tumunog ang buto ko sa loob-loob ko. Nararamdaman ko na lamang din na parang nag-eexpand nang dahan-dahan iyong laman ko habang hinihila ko ang aking sarili paalis sa bato. Subalit hindi ko 'yon nagawa.
Napapikit na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Isang malalim na buntonghininga ang aking ginawa saka ko hinawakan nang napakahigpit ang paa ko at hinila iyon sa abot ng aking makakaya. Halos tumulo na rin ang luha ko habang ginagawa ko 'yon dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.
Saka na lamang ako naalerto at napatigil mula sa aking ginagawa nang makarinig ako ng mahinang kaluskos ng mga dahon sa paligid naming dalawa ni Aphro. Maging iyong kaninang kalmadong tubig sa lawa ay bigla na lamang nagkaroon ng mahinang tunog, na parang mayroong bulang namumuo sa ilalim ng tubig at pumuputok kapag nakarating na sa ibabaw ng lawa.
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...