Chapter 55
I could feel the beads of sweat spreading all over my face. Pilit kong iminumulat ang aking mga mata subalit parang mayroong pumipigil sa akin na gawin 'yon. Hindi na rin ako mapakali mula sa kinahihigaan ko at panay ang pagkawala ko, kahit na hindi naman ako nakatali. I just felt something around me as if my body is tied with a million of ropes that I can't help but struggle from escaping it.
Ilang beses ko pang sinubukang itayo ang katawan ko. Ilang beses ko ring pilit na iminumulat ang mga mata ko mula sa pagkakatulog but it seems like my energy is just slowly burning my body. Para lamang akong nanghihina sa tuwing gagawin ko 'yon.
Tumigil ako mula sa paggalaw. Isang malalim na buntonghininga ang siyang ginawa ko bago ko muling pinilit ang sarili kong imulat ang mga mata ko. And there it is, I opened my eyes as quickly as I can and saw that I am not inside the cave. I am nearly to the bright blue calm water as if it is staring at me directly to my eyes. The surface of the water is glittering due to the excessive amount of light coming from the above.
I don't think nasa Fjord na kami.
"Sheldon? Morgan? Aphro?" I looked around me, but I can't still see them. "Celina? Leo?" Muli ko silang hinagilap sa kung nasaan man ako subalit hindi ko pa rin sila makita. Tanging ang malawak na lupaing natataniman ng makakapal na damo ang siyang nakikita ko bukod sa ilog mula sa aking gilid.
When I noticed that there's someone looking behind those tall grasses, I started to step my feet through it. And all I could hear every time I am stepping forward is the calling of my name. Just like before, babae ang tumatawag sa akin. Ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko subalit napahinto na ako nang makarinig ako ng tunog sa likuran ko.
Mahinang paghampas lamang ng tubig mula sa ilog ang siyang maririnig doon. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko dahil ang akala ko ay normal lamang iyon dahil medyo lumalakas ang hangin sa kinaroroonan ko. Pero parang hindi. Nakakarinig pa ako ng kulog at kidlat mula sa langit. Nang tumingala ako ay saka ko na lamang nakita ang unti-unting pagbuo ng makakapal at maiitim na ulap. Naalala ko 'yong nangyaring pamumuo rin ng ulap noong nasa loob pa ako ng palasyo. Ganitong-ganito 'yong nasaksihan ko noon.
"Soleil . . ." it echoed a few times. "Soleil . . ." Boses iyon ng babae subalit unti-unti na iyong napalitan ng mababa, tila nanlalait na boses ng isang lalaki.
Napayakap ako sa aking sarili nang biglang umihip ang napakalakas na hangin sa likuran ko na muntik pang tangayin ako mula sa aking kinatatayuan. Kaagad naman ako tumingin sa aking likuran kasabay ng pag-atras ko. Kita ko kung paano unti-unting gumalaw ang tubig patungo sa itaas. Umiikot ang mga namuong tubig mula sa hangin na animo'y nagkorteng tao hanggang sa tuluyang naging iisa iyon. Sumabog ang tubig na namuo mula sa may ilog kasabay ng pagdilim ng buong paligid.
Isang napakalaking ahas ang siyang nabuo roon-no it's not totally a serpent. Dahil sa bandang itaas ay katawan ng isang lalaki ang nakikita ko. Nakatitig sa akin ang itim na itim niyang mga mata. Gaya ng napanaginipan ko noon ay mayroon ding kaliskis ang kanyang mukha't katawan. Ang half-body nito ay isang napakalaking itim na ahas na puno ng malalaking kaliskis.
Kung noon, hindi ko maayadong makita ang mukha nito, ngayon ay kitang-kita ko na ang kabuuan ng mukha niya. Kitang-kita ko kung paano ako nito ngitian. And I could see how his body crawl through me.
Napaatras ako nang dahil doon. Nararamdaman ko pa rin ang malakas na ihip ng hangin kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Ganoon pa sana ang posisyon ko habang humakabang pero napatakbo na ako sa abot ng aking makakaya when I saw how he crawls out of the water. Mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko nang marinig ko ang tunog na ginagawa nito, na gaya ng sa ahas.
"Soleil," sambit nito sa pangalan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Habang hinahabol ko ang aking hininga. Kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata ay ang pagtambad sa akin ng katawan ng serpent sa harapan ko. Napatigil ako mula sa pagtakbo at tumingala rito. Nakatingin siya sa akin kaya't dumoble ang kabang nararamdaman ko. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at tumingin nang mata sa mata. "You can't escape me, Soleil . . ."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...