Chapter 68
Nakatanaw ako sa napakalawak na gym, sa likod ng palasyo. Nakaupo ako sa bleachers habang pinapanood ang mga sundalong nagsasanay mula sa ibaba, sa malawak na espasyo ng gym. Masyado silang marami at pare-parehas ang kanilang mga suot na uniform. Tanging si Aspir na nakasuot ng royal suit at si Sheldon na naka-tunic lamang ang medyo nagha-highlight mula sa daan-daang sundalong nagsasanay roon dahil sa kanilang mga suot. Hindi ko na masyadong makita pa kung ano ang eksaktong ginagawa nila dahil masyadong maalikabok sa paligid matapos tumakbo ng ilang ulit ang nga sundalo, paikot ng gym.
Sa totoo lang, mas maganda pa ang training ng mga sundalo ng mga taga-rito sa Astrea Kingdom kaysa sa kampo ni General Israel. Though, hindi ko pa nakikita kung ano ang mayroon sa training ground ng mga sundalo niya roon. Naikwento lamang sa akin ni Sheldon iyon noon kaya't kahit papaano ay mayroon akong ideya mula sa kampo nila. Mas malawak kasi itong training gym ng mga sundalo rito kaysa toon at nasisiguro kong maganda ang mga practices ng mga bagong recruit na sundalo rito sa loob ng gym.
Actually, kanina pa ako naririto, matapos naming mag-usap ni ina patungkol sa nangyari sa akin sa kabilang panig ng Astrea map. Sinabi ko ang mga bagay na gusto ko talagang sabihin sa kanya, lalo na sa pag-aalaga sa akin ng naging ama-amahan ko noong panahong nahiwalay ako kay ina. Sinabi ko rin ang pakikipagsapalaran ko sa Sire Palace upang makatawid ng Scar at makasama ko ulit si ina, dahil iyon ang pangarap sa akin ni Ba, at of course, ako rin
Pero hindi ko na sinabi sa kanya pa 'yong mga negative na nangyari sa akin, lalo na noong part na nagkaroon ng away ang hari ng Sire Palace at si Apollo na kinain na ng kanyang kasamaang namumuo sa dibdib niya. Ayoko rin kasing malaman ni ina ang nangyari sa mga taong sakay noon ng barko. Natatakot lang ako na baka magbago ang pananaw sa akin ni ina kapag nalaman niya ang bagay na 'yon, lalo na't tuwang-tuwa siya sa akin dahil sa pagkakaroon ko ng kapangyarihan. She even told me na ako ang mamumuo ng kanyang trono kapag dumating ang panahong kailangan na niya iyong bitiwan upang protektahan ang mga nasasakupan ng Astrea. She doesn't even want me to have a boyfriend or a husband in life para magkaroon ng anak dahil ayaw niyang matulad ako sa kanya.
Nagkaroon ng malaking pagbabago si ina at natutuwa ako roon. Though, parang hindi ako nagkaroon ng ideya kaagad upang makapagsang-ayon sa sinabi niyang bawal akong makipagrelasyon sa kahit na sino dahil ayaw niyang matulad ako sa kanya na iniwan ng aking ama.
Sa tuwing tatanungin ko patungkol sa ama ko, ayaw naman niyang sabihin na para bang hindi niya gustong maalala ulit ang nangyari sa kanilang dalawa. Ako lang ang anak ni ina at alam niyang magiging maganda ang takbo ng Astrea Kingdom dahil alam niyang isa akong Light Summoner. Hindi ko rin sinasabi kay ina ang patungkol sa iba ko pang kapangyarihan bukod sa pagpo-profuce ng liwanag na maaaring gamitin laban sa mga Goors dahil parang masaya na siya sa nalaman niyang impormasyon patungkol sa akin.
"What are you looking for? Is it him?" narinig ko ang tanong na 'yon. Nang lumingon ako sa gilid ko ay nakita ko na lamang si Lily na nakatanaw sa mga sundalong patuloy na nagpa-practice sa ibaba ng bleachers. "You're too silent. Nilalaro ba ng lalaking 'yon ang iyong isipan?"
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Wait, what?" Iniwas ko ang tingin dito't tumingin sa mga sundalo. "I'm just watching the soldiers practicing for their skills."
"I haven't seen you looking through them like that before," aniya. Noong bata pa kasi ako, ginagawa na talaga ni Aspir na mag-recruit ng mga bagong magiging sundalo ng palasyo. At alam niya kung paano ako matuwa at mainis sa mga sundalo. Noon kasi, kapag nanonood ako ng training ng mga sundalo ay binibigyan ko ng reaksyon ang mga ito sa kung paano sila kumilos. At ang nakakatawa pa ay ako ang nagiging dahilan ni Aspir upang makasama ang ibang mga taong nais talagang maging sundalo. Kasi kapag nakita kong maaari namang gumalaw o kumilos ng tama ang isang tao ay sinasabihan ko si Aspir na isama na ang mga ito sa hanay ng kanyang mga sundalo. Kaya't ganoon lamang kung magtanong sa akin si Lily. "Ang seryoso mo, Ms. Summerdale."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...