Chapter 95
Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Morgan. Bumungad sa amin ang mahinang sigaw ni Aphro kasabay ng mahinang kalabog dahil ilang beses niyang inuuntog ang sarili niya sa pader. Sinabihan ko naman si Morgan na huwag muna siyang lapitan upang makasiguradong hindi siya masasaktan, sadya man o hindi. Lumapit ako sa aking alaga at hinaplos nang dahan-dahan ang kanyang ulo. Tumahan siya mula sa ginagawa kong iyon pero matapos ng ilang segundo ay saka ulit siya biglang nagwala.
Tumingin ako sa paa niya at nakita ko ang umiilaw-ilaw na kanyang sugat, na gaya ng sinabi ni Morgan sa akin. Mayroong kulay lila na likidong lumalabas doon at mukhang ayaw nitong patinag dahil medyo tumaba na rin ang paa ng aking alaga.
Dahan-dahan akong umupo sa harapan niya at saka ko hinawakan ang kanyang paa't pinagmasdan ang kanyang sugat. Tama nga ang iniisip ko kanina. Nakagat nga siya ng ahas noong panahong nasa loob kami ng kweba at sinusugod kami ng mga ito.
Tumingin ako kay Aphro at sinabing, "sorry," dahilan upang mapatahan ko siya kahit papaano. "Hindi ko alam. Sa dami ng mga pinagdadaanan ko ngayon, hindi na kita masyadong naaasikaso. Patawarin mo ako," ani ko.
She just rubbed her head on me. Hindi man siya nagsasalita, ramdam na ramdam ko kung ano ang kanyang nararamdaman. Ako ang tagapag-alaga niya subalit hindi ko na siya masyadong nabibigyan ng atensyon dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Kay ina, kay Nina at sa iba pang mga bagay. Kaya't feeling ko ngayon, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.
Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko bago ako tuluyang tumayo. Nagtungo ako sa may mesa at kinuha 'yong bimpong naroroon. Kinuha raw kanina ni Morgan 'yon para sana asikasuhin siya subalit hindi na niya nagawa pa dahil nga sa kakaibang nangyayari sa kanya.
Dahan-dahan kong pinunasan ang sugat ng aking alaga. Napapasigaw pa siya habang ginagawa ko iyon. Pero wala naman akong magawa kundi ang tiisin na marinig kung paano siya maghirap habang pilit kong ginagawa ng paraan ang kanyang sugat.
The door was opened wide. Napatingin ako roon at nakita ko si Nina na nakatayo habang nakasilip sa kinaroroonan ko. Sumilip din si Sheldon habang nakakunot ang kanyang noo.
They went inside the room as Nina asked, "what happened to her?" Naglakad siya patungo sa aking kinaroroonan. Habang si Sheldon naman ay tumigil sa gilid ng batang mukhang kanina pa nag-aalala sa kalagayan ng kanyang kaibigan. Nina bent down beside me, ipinakita ko ang sugat ni Aphro, hinawakan naman ni Nina 'yon. "Lumalala na ang sugat niya, bakit hindi mo kaagad sinabi ang bagay na 'to?"
"I-I . . ." Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Don't know that she was bitten by one of the snakes inside the cave. Ngayon ko lang din nalaman ang bagay na 'to." Tumingin ako kay Aphro at hinaplos ko siya nang makailang ulit.
"Hold on, I'll heal her wound," bulong ni Nina at sinimulan na niyang gamutin ang aking alaga. Wala kaming ibang naririnig sa loob ng kwarto kundi ang malakas na sigaw ng aking alaga habang nakatapat ang kamay ni Nina sa sugat niya. Unti-unting lumalabas sa ilalim ng kanyang sugat ang likidong naipon doon hanggang sa tuluyang nahulog ang lahat ng iyon sa sahig. And Sheldon was the one who wiped it by the use of the towel na ginamit ko kanina—he volunteered. Bumuntonghininga nang malalim si Nina kasabay ng pagbawi niya ng kanyang kamay. Hingal na hingal siya sa kanyang ginawa na para bang tumakbo siya ng isang kilometro, dahil na rin sa namumuo ang mga pawis niya roon.
Mahinang umungol si Aphro. Tumingin siya sa akin saka niya ikiniskis ang ulo niya sa balikat ko bago siya tuluyang humiga aa gilid ko't mukhang nawalan siya ng malay.
Bigla akong naalerto. Iniwan ko sa gilid ni Nina ang maskara at kaagad na pinuntahan ang aking alaga. "Aphro!"
"She only needs to rest," mahinang sabi ni Nina. "She almost died because of the snake's poison inside of her. Mabuti na lamang at naagapan pa. Napagod lamang siya sa ginawa ko kaya siya nawalan ng malay. She needs to take a rest until she finally recovers herself from what happened."
BINABASA MO ANG
Scar In The Bone (Completed)
FantasyScar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in rivalry for the Sun Goddess' gemstone, which she had left a hundred years ago. The power of the said st...