Chapter 40

78 15 0
                                    

P.s. My hands are hurt from our training. So kung marami pong errors dito sa chapter na ito, actually, pati sa C39, pagpasensyahan niyo na lang po. I just feel exhausted, and sleepy as well. Thank you and enjoy reading kung may nagbabasa man.

🥀

Chapter 40

Hindi pa rin ako makapaniwala mula sa aking kinatatayuan habang tanaw-tanaw ang kabuuan ng isang malaking barko. Gawa iyon sa pinaghalong metal at kahoy na tinrabaho ng mga sundalo noon. Bukod sa masyado iyong malaki ay namimutawi rin ang kagandahan niyon, lalo na't natatamaan iyon ng sikat ng araw. Mayroong mga nasa itaas na ng barko't mukhang abala ang mga ito mula sa pagsasaayos ng mga gamit at kakailanganin doon.

Hindi naman iyong isang barkong pantubig. Dahil mayroon iyong gulong upang umabante iyon. Malalaki ang mga gulong na gawa sa metal at kung tutuusin ay lagpag hanggang dalawang tao 'yon.

Nakaharap iyon sa Scar at mukhang handa na rin ito sa paglalayag. Naglakad kaming dalawa ng hari ng Sire Palace habang kausap ko pa rin siya. Gaya ko ay nagagalak din siyang naririto sa kampo ni General Israel upang tawirin ang nanganganib na tahanan ng mga halimaw. Kanina pa talaga kami nag-uusap at ang palagi niyang sinasabi ay nais niyang magtungo sa Astrea Kingdom upang kausapin ang pinuno roon-ang aking ina.

At kung matagumpay man namin iyong magagawa ay madali na rin ang paglalayag namin patung sa magkabilang panig ng Astrea nang hindi nasasaktan mula sa mga Goors.

Gusto ko sanang itanong sa hari ang patungkol kay Apollo at nais sabihin na nandito siya subalit nakita ko kung gaano kasaya ang mukha ng hari habang kausap ko siya. Para na ngang wala na siyang ngiti para bukas dahil kakaiba ang ngiting nakaukit sa kanyang mukha na aanot pa hanggang sa kanyang tainga. Ayoko namang sirain iyon kaya't hinayaan ko na lamang din siya.

"So are you ready for it?" asked the king. "For sure, the Astrea Kingdom would be great if we already crossed the Scar. And I am excited to go with them, too. It's been twelve years since the Scar had formed right in front of our eyes. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nawawala. The Sun Goddess left us, but luckily, we have you."

Ngumiti ako sa hari at tumango. "Just a quite nervous about crossing it. But I will be okay. I know K wouldn't be here if the Sire Palace was not here, if Malinwa was not here at my side."

Tumango siya. "Yeah. And we're not here if you are not existing."

Napatawa ako sa sinabi niya. Gano'n din ang naging reaksyon ng hari. "Pretty sure, I wasn't here if Apollo didn't help me, too." Alam kong mali ang ginawa ko dahil biglang binawi ng hari ang kanyang reaksyon matapos niyang marinig ang pangalan ng kanyang anak. It doesn't matter naman para sa akin na sambitin iyon dahil totoo naman na si Apollo ang tumulong sa akin para sa bagay na ito. If Apollo was not here at my side, hindi ko malalaman ang bagay na ito. Maybe Apollo didn't help me from everything I needed to know, at least, he helped me to discover myself.

Of course, Sheldon is the one who told me about that thing. Maybe the Sun Goddess left us because of me. But I am not really sure about it. Parang nanghinayang akong sinisi ko si Sheldon noon. Dahil kung hindi rin naman niya sasabihin ang bagay na 'yon sa henera ay siguro'y wala pa rin ako sa ganitong posisyon, sa ganitong tagpo.

Nakarinig kami ng tawag mula sa barko at tinatawag nila ang hari. Napatingin kami roon na dalawa pero muling tumingin sa akin ang hari at ngumiti siya nang mayabang sabay sabing mauuna na siyang pumunta sa loob ng sasakyan namin dahil kailangan na rin siya.

Tumango na lamang din ako at sinabing susunod na lamang ako. Hinagilap ko ang tent ko subalit hindi ko na 'yon makita pa. Ngunit mukha ng isang lalaking may katangkaran habang nakasuot ng puting t-shirt na nababahiran ng putik at buhangin ang siyang nahagip ng aking mga mata. Nakasuot ito ng bag na halos iluwa na niyon ang laman niyon dahil sa sobrang siksik no'n. Mayroon itong hawak na mapa habang nakatingin siya sa may barko na para bang inaanalisa niya iyon.

Scar In The Bone (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon