Chapter 1

292 11 0
                                    

Class Z

Nahihilo parin ako dahil sa kanina. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa classroom eh. Basta natagpuan ko nalang ang sarili ko dito sa room.

“Aray, puta!”

Nakakapaiyak huhu. Madampi lang ng konti 'yung ilong ko ay sumasakit ng sobra. Feel ko nga maga, naging red nose ako ng wala sa oras.

Kanina din pagkatapos naming pagtulungan ay may lumapit saming mga nurse. Ginamot nila isa isa ang mga galos at sugat namin, nagbigay rin sila ng gamot sa kirot at maga kaya nakaya kong lumakad pabalik sa classrom kahit na lutang parin ako.

“Teka.. Saan kayo pupunta?”

Bigla na lamang kasing nagimpake ng gamit ang limang babaeng kasama ko. Hindi ako pinansin at nilampasan lang ng apat sa kanila.

“Hello?”

Napatigil sa paglalakad ang nahuli.

“Alam mo mabuti pa. Umalis ka na din dito.” makahulugan niyang sabi at saka umalis na.

So, eto ako ngayon naiwan magisa dito sa classroom. 'Yung limang dapat ay pagtatanungan ko ay nawala pa. Pano nalang ako neto? Manghuhula? Ang layo layo pa naman ng building ng Class namin.

Nakahiwalay kasi ang building ng Class 4-Z, hindi ko alam kung bakit. Kaya kanina kahit anong hanap ko dun sa kabilang building eh wala akong mahagilap na Class 4-Z.

Anyways, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Kailangan kong malaman ang buong detalye tungkol sa punishment na ginanap. Lahat ng dapat malaman ay aalamin ko. At pagkatapos kong alamin lahat, saka ako kikilos.

Hindi naman lingid sa aking kaalaman na hindi normal ang nangyayari sa school na 'to.

Teka?

Alam kaya ni Kuya na may ganitong pangyayari dito? Pero kung alam niya edi sana hindi niya ako inilipat dito diba? Aissh, ewan ko na! Gulong gulo na utak ko.

“Aissh!” wala sa sariling napasabunot ako sa buhok.

Buset na 'yan. Wala man lang katao tao dito. Wala rin akong nakikitang professors na gumagala, wala ring kasamahan na ibang section. Tanging section lang namin ang nandito. Kaya kanina wala akong makita ibang tao dahil nga nasa kabilang building ang lahat. Binubugbog nalang kami, wala pang natulong.

Ano ba 'yan.

Napasabunot uli ako sa sobrang inis.

Siguro ay pupunta na muna ako sa Main Building.

Tumayo ako sa kinauupuan at saka tutungo na sana sa may pinto pero may tao palang nandoon. Nakatayo siya habang nakacross arms, nakataas din ang kilay niya. Makahulugang tingin ang binibigay niya sa akin.

“Puta.. Sino ka?”

Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Aaminin kong maitsura siya pero hindi sapat na rason 'yun para maging mabait ako sa kaniya. Lagot 'to sakin kapag namali siya ng galaw.

“Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Ikaw, sino ka?”

“Ikaw ang una kong tinanong, sagutin mo muna ang tanong ko.” mataray kong sagot.

Aba't ngumisi lang siya. Bahagya pang pumasok sa room sabay upo sa isang bangko.

“Isa ako sa mga estudyante ng Class 4-Z.”

Kaklase ko pala siya? So ibig sabihin, pwede ko siyang mapagtanungan!

Awtomatikong napalapit ako sa kaniya, kinuha ko ang isang bangko at saka iniharap 'yon sa kaniya. S'ya naman ito gulong gulo sa kinikilos ko.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon