Dedicated to everleighues
Debate Competition
"Hoy!Hintayin mo 'ko, August." malakas ang boses ni Peter ng sabihin 'yun. Nagtatakbo siya palabas ng room, binunggo pa 'ko! Psh, naliliitan ata sila sa'kin. Laki ng mga problem nila.
Anyway, hindi ko nalang papansinin. Katulad ng sinabi ko, kung kausapin nila ako at magsorry sila sa'kin edi okay. Don ko lang sila papansinin pero kung ganyan na binabangga bangga nila ako sa daan, sino ba sila? Hindi ko sila kilala. Hindi lang naman sina Kin ang nanakit sa'kin, buong Class Z hinusgahan ako. Hindi ko malilimutan 'yun ng ganon ganon nalang.
"G-george..sa-sabay na tayong k-kumain."
Kahit hindi na ako lumingon, alam na alam ko kung sino 'yun. Utal utal palang, halata ng si Achylis. Ewan ko ba sa kaniya, bumaba lalo self confidence lalo na nung isiniwalat niyang binubully siya ni Corine.
"Sige."
Inilagay ko sa bag ang notebook at ballpen na nasa lamesa ko. Break time na kasi kaya nasa cafeteria na silang lahat. Ako nalang ang naiwan dito at saka si Achylis. Tutal naman na nagsorry siya sa'kin edi sasamahan ko siya. Alangan namang maging matigas ako, nagsorry na nga 'yung tao.
Pero siguro may karapatan naman akong magalit at hindi sila pansinin ng matagal 'diba? Wala ka ng magagawa, George! Marupok ka eh.
Whatever!
"Tara na."
Nginitian ako ni Achylis, 'yung ngiting nahihiya. Medyo inayos niya pa 'yung sunglasses niya. Pinauna niya akong maglakad kahit sabi ko siya na ang mauna. Well, bahala siya.
"U-uhm, gu-gusto ko lang ulit magso-sorry---."
Napapikit ako at saka napahinto sa paglalakad. Jusko ha, nastress na ako sa pagsasalita niya.
"Hindi ko tatanggapin ang sorry mo kung hindi ka umayos ng pagsasalita." Banta ko, hindi ako lumingon pero rinig ko ang paggasp niya.
"So-sorry, nasanay lang ka-kasi ako."
"Anong sabi ko sa'yo? Utal utal ka na naman magsalita at pwede ba tigilan mo ang panginginig at pagyuko sa'kin. Hindi naman kita parurusahan eh. Hindi mo naman ako nanay o teacher."
This time humarap na ako sa kaniya. Naaasar ako kay Achylis. Medyo nanginginig nginig pa siya.
"Sorry."
I snap my finger infront of him. Napatingin naman siya sa'kin. Napabuntong hininga ako at saka hinawakan ang balikat niya. Inayos ko ang pagkakatayo niya, ang posture. Pinigilan ko rin ang panginginig ng tuhod niya. Inayos ko ang damit niya na medyo nakatuckin pa, hindi bagay eh. 'Yung necktie niya din nakatago. Sinaniban ata ng kabaduyan 'tong si Achylis. Medyo nagugulat pa siya sa ginagawa ko pero wala naman akong naririnig na pagtutol. Aba dapat lang na huwag siyang magreklamo, tinutulungan ko kaya siya.
"Yuko." madiin kong pagsasalita. Medyo nagalinlangan pa siya nung una pero sinunod naman ako. Ngayon kalevel ko na ang mukha niya. Laki kasing tao neto, napakaduwag. "May nakikita ka ba kapag tanggalin ko ang salamin mo?"
Ang jeje kasi ng salamin niya. Pangnerdy na pangnerdy talaga.
"M-meron, naglagay lang ako ng salamin kasi nung una trip ko lang magpakanerdy. Tapos na-natuluyan na nong binully ako ni Co-corine."
"Dekorasyon lang pala 'to eh. Tanggalin na natin."
Tinanggal ko ang salamin niya. Napangiti ako sa itsura niya. "Ayan, pogi ka naman pala kapag ganyan ayos mo eh." Medyo inayos ko na rin ang hawi ng buhok niya. Actually dati pa naman pogi na siya ket medyo nerdy kaso mukha siyang hikaing bata dati kung magkikilos kaya hindi crushable.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Roman pour AdolescentsAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...