Chapter 83

80 7 3
                                    

Re-take

Hinawakan ko ang tyan ko pero wala pa din, tumutunog pa din!

“Gutom na 'ko!”

Kanina pa tunog ng tunog ang tyan ko. Ilang oras na din kaming tengga dito sa loob ng detention room. Idagdag pa na napakatahimik. Tuwing magkukwento ako palagi akong sinisita ni Zero. After kong sabihin sa kanya na hindi na ako aalis ay hindi na ako kinausap.

“Oh, bakit?”

Patingin tingin pa sa'kin psh!

Inirapan ko siya. “Ano? Hindi na ako nag-iingay no!"

“But your stomach does.”

Saktong pagkasabi nya non, tumunog uli 'yung tyan ko. Napahawak tuloy ako don. Nakakahiya!

“A-anong gusto mong gawin ko sa nagugutom ako e!"

Hindi ako makakapagadjust, sadyang gutom na talaga ako. Ala una na nga ata ngayon ng tanghali hindi pa rin kami kumakain. Nagwawala na mga alaga ko sa tyan. Putek. Hindi na nga ata kami naalala nina Timothy.

“Tss." Pagsusungit nya.

Buti pa siya hindi nagugutom. Ang tagal na namin dito pero hindi ko pa naririnig tumunog 'yung tyan nya. Talagang sanay na sanay na sya sa mga ganitong sitwasyon.

“Hayyy. Gutom na 'ko talaga.” sinulyapan ko si Zero na sa pader nakatingin. Kinulbit ko siya. “May kendi ka ba dyan o kahit anong pagkain?"

Gustong gusto ko lang talaga ng mangunguya.

Tinaasan nya ako ng kilay. Napasimangot ako. “Wala ba?”

“Tingin mo talaga makakalusot ang pagkain dito?” iritado nyang sagot.

Ay oo nga pala. Kanina ay kinapkapan kami pareho. Nakalimutan ko. Napasapo ako sa noo. “Nalimutan ko, gutom lang!"

Inirapan ako ni Zero. Napaisod ako palayo sa kanya. Mananapak na naman. Naalala ko tuloy 'yung una naming pagkikita, binato nila ko ng itlog tapos balak pa akong suntukin. Kung hindi naman ako sasaktan physically, ang sakit naman magsalita. Palagi nalang pinapamukha na hindi ako belong sa klase nila. Napakasungit, sama ng ugali.

“Zero."

“Hmm?”

Hindi nya ako nilingon. Tinitigan ko siya. Kahit side profile nya ang ayos padin. Sanaol.

“Eros?”

“… .”

“Uy, Eros.”

“Tsk.”

May itatanong lang naman ako e! Ayaw sumagot, amp! Kinulbit ko siya pero ni hindi man lang ako nilingon. “Ba't ayaw mong patawag ng Eros?”

“Shut up, Noburi.”

Napairap ako sa ere. “Tapos ako Noburi ka ng Noburi. Ang ganda kaya ng pangalan ko."

Georgina Astair, oh deeba? Si Mama pa daw nag-isip nun. MIA kasi si Tatay nun. “And? I don't care."

“Feeling special ka no?”

“Feeling special ka din naman.” Tinaasan ko siya ng kilay. This time hinarap nya ako. “You're calling me Eros without my permission."

Ay wow!

“Ganon ka din naman, nauna ka pa nga eh. Tsaka, huyy kelangan pa pala ng permission mo?" Neknek nya. “Edi manghingi ka din ng permission sa'kin sa pagtawag ng Noburi, hindi ko pinapayagan!"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon