Singing Competition
"Whooooohh! Go, Class A!"
"GOOOOOO CLASSS ZZZZZZZ!"
"YOHOOOOO!"
Iba ang energy. Rinig na rinig dito sa backstage. 7:30 na, ngayon palang nagsisimula ang singing competition, supposedly ay 7 pm pero ngayon palang nagstart.
Filipino Time eh.
"George. Pansinin mo na kaya 'yun." Binalingan ko sina Timothy na itinuturo si Gray na nasa isang tabi.
Since lahat ng contestants andito, nandito din si Gray. Allowed pa namang pumunta dito sina Tim pero pinapaalis na din sila since nagstart na nga.
Napataas ang kilay ko. "Bakit ko naman siya papansinin?"
Wala naman akong kasalanan sa kaniya. Hindi ko kasalanan na hindi siya marunong tumanggap ng pagkakamali niya. Tapos ako pa 'yung gagawing masama, tss.
Ako pa talaga? And why does he even have to bring up another topic? Bakit biglang ako 'yung naging topic kanina? Sila 'yung may issue pero dinadamay ako as if naman ginusto ko na mapunta sa marriage booth ng tatlong beses.
"Kanina pa nakatingin sa'yo e." Mahinang wika ni Wavin.
Napangiwi ako at saka nagkibit balikat. Ano naman ngayon? Naiinis ako sa kaniya. Bakit ko naman siya papansinin?
"Huwag nang matigas ang ulo! Hindi niya naman ginusto 'yung nasabi sa'yo e."
Hindi ginusto? "Kung hindi nya naman pala ginusto sana hindi nya nalang sinabi."
Nakakairita lang e. Parang pinamukha nya na ding ang landi ko sa sinabi nya. Hindi ko naman alam na judger pala siya.
"Baka naman nadala lang sa emosyon." Giit ni Wavin.
"Hay, ewan ko."
Kinuha ko ang dress na nakapatong at saka nagtungo sa may dressing area. Magpapalit nalang ako ng damit kesa kulitin ako nina Timothy.
"Sige, labas na kami dito! Pero batiin mo pa rin siya, kawawa naman. Nabigla lang 'yun." Huling sabi ni Timothy bago ako maglakad papunta sa may dressing area.
"Tsaka 'diba magkaibigan kayo? Hindi ba dapat dinadaan niyo sa maayos na usapan 'yung mga ganito? Katulad ng lagi mong sinasabi samin, panget. Kung paano ka magpayo sa ibang tao sana ganon ka din sa sarili mo." Dagdag pa ni Wavin.
Napabuntong hininga ako.
Ano ba kasing problema niya? Gusto ko lang naman na magkaayos sila ni Zero. Tapos siya pa 'tong galit. Totoo lang naman ang sinasabi ko. Hinahayaan niya na masira sila ng isang babae tapos ako pa 'yung pinapalabas nyang masama. I can't believe him.
"Tsaka 'diba magkaibigan kayo? Hindi ba dapat dinadaan niyo sa maayos na usapan 'yung mga ganito? Katulad ng lagi mong sinasabi samin, panget. Kung paano ka magpayo sa ibang tao sana ganon ka din sa sarili mo."
May point siya. Hindi naman ako galit e. Naiinis na medyo tampo lang ako. 'Yung way kasi ng pagsasalita nya kanina, iba.
Batiin ko na kaya siya?
Hayy, ewan!
Lumabas na ako ng dressing room. White dress na off shoulder ang suot ko, nakaheels din ako pero mababa lang. Nakalugay 'yung lampas balikat kong buhok since hindi ko na pinagalaw. Konting polbo lang din at lipstick ang pinalagay ko since nakakabading.
Hindi ako sanay. Ayoko namang magmukhang espasol sa gitna ng stage.
"GOOD EVENING EVERYONE! THIS IS OUR..." Ang lakas ng bungangs, grabe. Rinig na rinig dito sa backstage. Medyo nakakabingi pa. Susme.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
