Threats
Wala pa rin ako sa sarili nang makabalik sa bahay.
Shete lang, si Archer at Corine magex? Tapos si Zero ang bestfriend ni Archer na nagustuhan ni Corine. Love triangle talaga!
Pero teka bakit magkasama parin ngayon si Zero at Archer? Walang bugbugan o kaya galitan? Sanggang dikit sila eh.
"Oks na siguro sila?" mahinang bulong ko.
"OKS NA SILA PERO IKAW HINDI MAGIGING OKAY!"
"Ay kuya kong panot!"
Grabe. Nakakatakot ang mukha ni Kuya. May dala dala pa siyang walis tambo. Ano naman kayang gagawin nya don? Panghahampas sa'kin? Nakuuupu.
"ANO? SINONG PANOT?!" umuusok na talaga 'yung ilong niya. Hinampas niya 'yung walis tambo sa gilid ng pinto. "BAKIT NGAYON KA LANG? KABABAE MONG TAO, GANITO KA UMUWI?! "
"Oo, Kuya. Ganto ako umuwi. O 'diba maganda parin ako, walang bago?" nginisian ko pa siya.
Saan punta non?
Bigla nalang umalis sa harap ko pagkasabi ko non.
"Georgina Astair Noburi, kapag hindi ka nagsabi ng totoo kakalbuhin kita."
Punyetainams!
May dala dala na siyang gunting, hindi 'yung ordinary na gunting kundi 'yung grass cutter. Hayufff.
"Kuyaa, naggroup study lang kami!"
"Group study? Bakit puro lalaki ang kasama mo?"
Napairap nalang ako. Susko, pati ba naman si Kuya. "Kuya, hindi ako malandi."
"Wala akong sinabing malandi ka. Ang tanong ko ba't puro lalaki ang kasama mo?"
"Kaklase ko nga sila Kuya!"
Ang kulit kanina ko pa sinasabi. E sa mas marami akong kaklaseng lalaki eh. Anong magagawa ko?
"Bakit sila ang kasama mo?"
Napanguso ako sa tanong niya.
Sabihin ko ba na kaya puro lalaki na kaklase ang kasama ko ay dahil hindi kami nagkakasundo nong mga babae?
"A-ano..nauna na kasi sila kaya ayon sinabay na ako ng mga lalaking kaklase ko, magkakalapit bahay lang naman kami." ngumiti pa ako, ewan ko lang kung nahalata ni Kuya na pekeng ngiti 'yun.
Ibinaba niya na 'yung grass cutter na hawak niya, sa wakas. Mukhang naniwala na siya. Akala ko talaga makakalbo ako. Umikli na nga buhok ko, mawawalan pang lalo.
"Talaga?"
Naniwala nga!
Lumapit ako sa kaniya. Pasimple kong hinubad ang sapatos ko. Buti't nawawala sa kabaliwan. Kelangan kong makapasok agad.
"Oo, Kuya. Pramis!"
Makalbo ka man.
Inakbayan niya ako bigla at saka ginulo gulo ang buhok ko. Mukha naman na siyang kalmado. Nakapantulog na si Kuya pero may reading glass pa.
"Hindi ka na naman makatulog?"
"Oo eh. Tagal mo kasi."
Napangiti naman ako ng wala sa oras. Ang swerte ko talaga't naging Kuya ko siya. Hinihintay pala niya akong dumating hehe. Nakakamiss 'yung gantong may naghihintay.
"Kuyaaa, bakit sa Noblesse High mo 'ko nilipat?"
Hindi ko nakikita ang mukha niya pero alam kong nacaught off guard siya. Ramdam ko eh.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Roman pour AdolescentsAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
