Misunderstanding
“This is your room.” nakangiti si Spade nang sabihin 'yon.
Napangiwi naman akong tinitigan ang kulay pink na pinto na nasa harap ko. Napapagitnaan 'to ng dalawang kulay itim na pinto. Sa kabilang side ay tatlong pinto na kulay itim naman ang lahat na kulay.
“Ahehehe, salamat. Ganda!.” nagthumbs up pa ako sa kaniya. Nginitian niya naman ako at saka inilagay sa bulsa ang kamay. “If you need something just tell me.” sabay kindat.
Jusko, tukso layuan mo ako! Ayaw kong maging maharot, ayokong maging pokpok at malanding babae kaya hindi ko siya ngingitian pabalik.
“'Baka naman biglang magalit sa inyo ang iba niyan, masabihan pa kayong bias.”
Nasa baba kasi ang kwarto ng lahat tapos 'yung kwarto ko andito. Hindi naman halatang pinapanigan nila ako. Tsaka obvious na obvious na may special treatment. Hindi ako sanay, hindi rin ako makakapayag. I stand for freedom and equality!
Napakamot siya sa ulo. “Nah, they won't. Isa pa hindi lang naman ikaw ang nandito sa taas ang kwarto. Pati narin sila.”
Lumingon siya sa bukana ng hallway, nakita kong naglalakad doon sina Wavin, Archer, Gray, Tim at Zero. Medyo malayo layo pa sila since sobrang laki talaga netong Mansion nina Lolo. Lahat sila dala dala ang mga bag, tanging si Tim lang ang maleta ang dala. Ewan ko ba sa kaniya, dinala ata lahat ng gamit sa kanila.
Dito din sila? That means..
“Lahat ng officers dito?.”
Tumango tango siya bilang sagot. Kaya pala!
Alam na naman ng lahat na kami ang napiling officers. And ofcourse ayos lang na officers 'yung anim samantalang may nagreklamo nung sinabi na ako ang magiging Secretary, kesyo hindi daw bagay sa'kin, pakipaltan daw ako at madami pang kontra na sinabi. Sa huli naman wala rin silang nagawa, lalo na nung ang magsalita na eh si Lolo. Takot ata sila, mga hindi pa nakakamove on sa pagpapaputok ng baril ni Lolo kanina.
Naibigay na din 'yung schedule and naexplain na sa kanila lahat. Fortunately, naintindihan naman nila. Although maraming tanong na sinasagot naman ni Spade. Shala nga, karir na karir ni Spade 'yung pagiging officer niya. Kaya sabi ko din sa sarili ko, I'll prove myself to them!
“Hoy, George! Andaya mo ha!.” tumakbo na si Tim palapit sa akin.
“No running!.” suway ni Gray.
“MAUNA AKONG MAMILI NG ROOM!.” nakitakbo na din si Wavin kahit na sinaway na nga. Jusko, matitigas ang ulo.
Napalingon naman ako kay Zero at Archer, bored na naglalakad sila habang paminsan minsa'y naguusap. Parang you and me against the world ang peg nila, walang patinag sa paligid. Sanaol!
“Akin 'yung pink, HAHAHAHAHHAHAAHHA.”
“Pfftt.”
“BAGAY SA'YO DUDE, WAHAHAHAHA.”
Napatawa na din ako. Buset talaga 'tong si Tim daming kalokohan. Isa isa pa nilang binuksan 'yung mga kulay black ang pinto na room. Nang 'yung pink na room na ang bubuksan ni Tim ay pinigilan siya ni Spade.
“Kay Astair 'yang kwarto.” ani Spade.
“Sa'yo na, Tim.” natatawang sabi ko.
Napailing na lang ako.
“Tss.”
Dumaan sa gilid namin sina Zero at Archer. Dumiretso sila sa katapat na silid. Sa may pinakanggitna pumasok si Zero, samantalang si Wavin at Archer naman ay sa tigkabilang gild.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Fiksi RemajaAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...