Crazy George
Ayokong pumasok pero pinipilit ako ni kuya. Hindi 'to pwede.
Nagpaikot ikot ako sa loob ng kwarto ko habang iniisip kung anong pwedeng gawin para makalusot sa pagpasok bukas. Sigurado akong hindi sya papaawat kaya kelangan ko ng plano!
“Plano, plano, plano..”
Ano kayang maganda?
'Yung makoconvince ko syang hindi ako dapat pumasok bukas.
Napaupo ako sa kama, medyo nahihilo na ako.
“Aissh! Hindi ko alam ang gagawin ko!”
Ano ba naman 'to. Pumasok nalang kaya ako?
Peroo, no! Hindi ko pa kayang pumasok. Not now. Hindi ko pa ulit kayang makipagsapalaran sa mundo nila. Hindi naman ako nababagay don. Hindi rin naman ako tanggap don.
Sinulyapan ko 'yung mga cute kong stuffed toys, nakatingin silang lahat sa gawi ko.
“Ano sa tingin nyo, Panpanda, Dori? May naiisip ba kayo?" Pagkausap ko sa panda at Doraemon kong stuffed toys. Sunod kong binalingan ang Snorlax at Bunny. “Kayo, Lax at Bun? Wala na kasi akong maisip na gawin.”
Hayy. Ang sipag sipag ko lang dati pumasok. Hindi ko akalain na gugustuhin kong hindi pumasok. Dahil kasi 'to sa Class Z, sa lahat ng Noblesse High!
Alam kong naaartehan na sa'kin 'yung iba, kesyo ako na inaayang pumasok tapos nagiinarte pa ako. Madali lang sabihin na pambubully lang 'yan, masasakit na salita lang 'yan, hindi na dapat dinadamdam.
Pero ang hindi nila alam, 'yung sakit na dinulot ng mga 'yun, ang hindi madaling mawala. Nandidito parin. Sabihan na akong maarte, madrama pero habang nabubuhay ako maaalala ko 'yung sakit na pinaramdam nila sa'kin. Hindi lang naman masasakit na salita ang natamo ko pati na din sakit sa katawan.
Ilang beses na ba akong nabugbog? Minsan nga nalilimutan kong babae nga pala ako. Minsan kasi hindi nila ako tinuturing na babae ih. Minsan nga hindi nila ako nirerespeto eh. Kasi 'diba, no girls or rather no one deserves to be hurt. 'Yung masaktan ng pisikal. Pero 'yun yung lagi kong nararanasan. Kahit na gusto kong magaral uli, natatakot ako sa pwedeng mangyari. Maraming what ifs.
Okay, pinoprotektahan ako nina Tim, Gray, ni Wavin at ng iba pa. Pero hindi naman pwedeng aasa nalang ako sa kanila. Hindi naman ako prinsesa, hindi ko rin naman sila tagapagligtas. Isa lang akong hamak na pakealamerang transferee. Kaya kahit na alam namin sa sarili namin na magkakaibigan kami, meron paring mga taong manghuhusga lalo na sa akin.
Hindi naman ako takot mahusgahan. It's just that takot akong makapanakit at masaktan. So, I think the best thing I could do right now is to distance myself from them and starts a new life.
Kaya paninindigan ko ang desisyon ko.
“Isearch ko nalang kaya? Ay, may ganon ba sa google?"
Nakakabaliw na. Puro na lang kasi kdrama at anime ang nasa utak ko. Sa sobrang pagkabaliw ko minsan late na ako natutulog. Puyat tuloy ako.
Hmm.. Bahala na nga! Maya na lang ako mag-isip ng plano. Maghahanap muna ako ng papanoodin ko tapos------.
*TING!*
Nagkaroon ng imaginary lightbulb sa ulo ko. Alam ko na, WAAAHHH!
I'm so genius! I love myself.
Alam ko na. Magpupuyat nalang ako para kapag ginising ako ni kuya, hindi talaga ako magigising! I'm so genius!
“Okay, saan tayo magsisimula?"
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
