Chapter 17

181 10 0
                                        

Vacation 

“ANONG PETSA NA?!.”

Putaena neto ni Wavin! Sobrang atat lang?

Mabilis na kinuha ko 'yung malaking bag ko na pinaglalagyan ng mga gamit ko. Isa isang chineck ko ulit kung may nalilimutan ba ako. Damit, underwear, skincare---.

“HOY, BILIS!.”

Narinig ko pang pinalo niya pa 'yung gate ko. Mabilis na tumakbo ako palabas, nakasuot lang ako ng sweater and pants. Papunta kasi sa bahay nina Lolo, unfortunately wala akong naconvince. Napakaimposible sa kalagayan ko ngayon, no hindi nga kami in-good terms ng mga kaklase ko eh. Kaya sobrang labo.

“Oo na! Eto na!.”

Patakbong binuksan ko ang gate, hindi tinitingnan ang mukha ni Wavin. Masisira lang ang araw ko kapag tiningnan ko siya. Nalock ko na naman ang pinto, namake sure ko na din na patay ang kuryente sa bahay. Syempre, just in case may mangyari. Maigi nang nagiingat. Wais 'to, mweheehhe.

“Tara na.” ani ko pagkatapos ilock ang gate. Ishinoot ko na din ang susi sa malaking bag ko na halos malakihan pa ako. “Tulungan mo naman ako!.” bulyaw ko kay Wavin na masa harap ko. Actually hindi ako sigurado kung si Wavin nga nasa harap ko, buhat buhat ko kasi 'yung bag.

“Bilis! Ang bagal!.”

Buset 'tong si Wavin ha, sama talaga ng ugali. Kita nang hirap na hirap na ako dito eh. Naparoll eyes ako nang sa wakas ay kinuha niya 'yun.

“Good dog---.” ang kaninang malaking ngiti ko ay napalitan ng ngiwi.

Hindi naman si Wavin 'to,eh! Si Archer! Masama ang tingin na nakatitig siya sa'kin habang buhat buhat ang bag ko.

“Anong ginagawa mo dito?.”

“You're late.” seryoso ang boses na aniya.

Nanlalaki ang matang inilibot ko ang paningin. May malaking bus na nakatigil sa gilid ng kalsada. Nakita kong nakasakay doon ang Class Z, ang iba sa kanila'y nakasilip pa sa bintana. Nakita ko si Wavin na nagtataas ng gamit sa bus.

“George! George, bilis!.”

Nakita ko si Tim na nakabitin sa may pinto. Hindi ko alam ang sumapi sa kaniya. Nakashades pa akala mo naman ay kinagwapo niya. Jusko!

“Let's go.”

Lumakad na si Archer papunta sa Bus. Hindi ko tuloy malaman kung kukunin ko ba ulit 'yung bag ko o hindi. Kung bakit ba naman kasi si Archer ang nasa harap ng bahay ko eh. Hinihintay niya ba ako? Himala naman 'yon.

“Faster!.” iritableng sigaw ni Archer.

Agad namang napakilos ako. Hindi ko na rin kinuha 'yung bag sa kaniya. Lako ng katawan niya eh. Bahala na siya dun para naman may pakinabang siya. Pagbungad ko sa may bus, rinig na rinig ko ang ingay ng Class Z. Syempre unang una ang boses ni Tim. -,-

Umakyat na ako doon kasunod ni Archer. Saan kaya ako uupo? Hmm. Magkakalapit sa upuan 'yung apat nina Corine, mindy, Nadya at Olyvia. Then nakita ko sina Tim at Gray na magkatabi. Si Wavin naman nagiisa sa upuan. Sa kaniya nalang kaya alo tumabi?

“Uhmm, Archer dito nalang sa---.”

Napatigil ako sa pagsasalita nang makitang nakalagay na sa isang bangko ang bag ko. And take note! Kalapit ni Archer!Putanginams. Bakit dun niya nilagay? Doon niya ba ako gustong paupuin? Gusto niya akong kalapit ganon ba?

“Here. Take your seat.” tila bored niyang sabi.

Napaawang naman ang bibig ko. Omg. Katabi ko siya. Napapatangong lumakad naman ako palapit sa kaniya. Nakita ko si Zero na nasa likod namin, nakahiga siya habang may librong nakatakip sa mukha.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon