Let's Review!
“Dahan dahan lang naman! Ang dami pang pagkain." Iritadong suway ni Jacob kayna Zedrick na busy sa pagkain.
Napailing nalang ako. Parang applicable din sa'kin yun ah. Pero dzuh, food is life kaya. Kakain ako hanggang gusto ko.
Naglagay ako sa pinggan ng spaghetti at cake pati na chicken. Eto yung kadalasang handa sa fast food chain lalo na pagb-day ang usapan.
“Gray, alin ang pinakanggusto mong regalo?" tanong ni Nadya na with poise pa pagkain.
Napaside eye ako kay Gray. Kalapit ko kasi siya sa upuan. He's also busy eating the cake that I gave him.
“I'd say, this one." Itinuro niya ang cake na bigay ko at saka 'yung dictionary pati na yung bracelet. Napangiti ako. Talino ko talaga mag-isip ng regalo. Humarap sa'kin si Gray sabay ngiti, napathumbs up ako sa kanya.
“Ayos yan, tol." Sagot ko, namumualan pa.
“Yieeeeee, tol yarn?"
Napairap ako sa ere. Anong masama sa sinabi ko? Nagkakantyawan na naman sila. Aish, bahala sila sa buhay nila.
“Ah, nga pala Gray."
He looked at me. “Hm?"
Medyo nailang ako kaya nadukdok ko yung spaghetti na kinakain ko. Parang ngayon lang ulit kami magkakaroon ng matinong convo ni Gray. Nakakapanibago bigla.
“A-ano si kuya nga pala. Sabi nya siya nalang magbibigay ng regalo nya sa'yo kapag nagkita kayo." Kunwari busy ako sa pagkain.
Tumango tango siya. “Alright." He smiled.
Napapasobra naman ata ang pagngiti nya ngayon. Ano kayang okasyon bukod sa b-day nya? Pero sige, oks na din 'to kesa naman nagsusungit siya't sinusumbatan nya ako.
“Btw, guys." Tumayo si Corine. Napatingin kaming lahat sa kanya na may dala-dala pang donut.
“Our exam which is supposedly this week will be move next week. And Lolo M wants us to come to his house this week."
“Ohhh! Namiss ko kay Lolo M."
“Namiss ko rin yung pagtuturo niya."
“Atsaka, yung PAGKAIN!"
Pfft. Ibang klase sila pero ako din hehe. Nakakamiss na don kay Lolo M. Andaming ganap, hindi na namin sila masyadong nakakasama nina Spade. Good thing nirereview nya kami. The best!
Sa gitna ng pananahimik ko sa paglamon biglang may lumapit sa'king ANIM…AL. Ginulo niya pa ang buhok ko. Sinamaan ko ng tingin si Timothy na bukol bukol yung pisngi.
“Takaw talaga!"
I rolled my eyes. “Nagsalita ang hindi matakaw. Hiyang hiya ha!" Sagot ko sa kanya. E, sya nga 'tong may hawak pang drumstick sa magkabilang kamay.
“Mas matakaw ka kaya. Gabundok nga yang nasa plato mo oh, buti sa'kin manok lang."
“Ano naman kung gabundok 'to atleast hindi ako lilipad. E ikaw? Kulang nalang lumipad at magkapakpak ka sa dami mong nakaing manok!"
I sticked my tongue out para asarin siya. Binitawan niya bigla yung manok, ano kayang gagawin nito?
“Ayoko na. Iyo na 'to." Inilagay sa plato ko. Ibinalik ko naman sa kaniya yun.
“Sa'yo yan e, ba't mo binibigay sa'kin?"
“Iyo na nga, ayaw mo pa?"
Kulit. “Iyo nga 'yan. Ubusin mo 'yan!"
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
