Protector
It's been a year mula nong tumigil ako sa pagaaral. Masaya, my life has been peaceful. Hindi ko na din sila nakikita. Lumipat na rin kasi kami ng tirahan ni kuya, mas malayo sa kanila, mas tahimik. Nagpalit na rin ako ng sim kaya hindi nila ako nakokontak. Ang tahimik na ng buhay ko, ang sayaaaaa!
Pero syempre charot lang.
How I wish ganon kabilis lumipas ang araw. Linggo lang ngayon, kahapon pala nasabi ko kay kuya na titigil ako ng pagaaral. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang nagpadala ako sa sama ng loob ko?
Gusto ko talagang makatapos sa totoo lang. Pangarap ko 'yon eh, hindi lang pangarap ni kuya. Gusto kong maging proud sa'kin si Mama, alam ko namang binabantayan nya kami. Gusto ko na kapag nagkita kami ni papa ay maayos na ang buhay ko, nakatapos ako may ipagmamalaki ako. Pero ang hirap lang kasi na para akong nasa dagat dagatang apoy, hindi dahil sa 'hot' sila, kundi dahil ang sasama ng ugali. Ang hirap makibabagay. Kaya siguro eto 'yung pinakatamang gagawin ko.
“Bunso, aalis lang muna ako ha. May niluto na ako nasa mesa.”
Napatayo agad ako nang marinig si kuya. Saan naman kaya siya pupunta?
“Saan punta mo?” tanong ko agad pagkabukas ng pinto. Nakawhite polo sya tapos ayos na ayos 'yung buhok nya. Saan naman kaya ang punta nya? Nginitian pa ako, wait. Don't tell me!
“Kuya, magkakapamangkin na 'ko? Bakit hindi mo naman sinabing mamamanhikan ka. Wait, bibihis lang ako------ARAY!” sakit, napahawak ako sa noo kong pinitik nya.
“Ang OA mo. Mamimili lang ako ng grocery natin.”
Ayy, mamimili lang pala. Napakamot ako sa ulo ko. “Sorry naman, tch.”
Makaporma kasi akala mo makikipagdate, mamamanhikan. Palibhasa kasi ganda ng lahi namin kaya kapag pomorma, oh pak na pak!
“Dito ka muna ha. Huwag kang aalis dito.”
“Oo! Saan naman ako pupunta?”
Wala naman akong mapupuntahang iba eh. Tsaka sunday ngayon. Sayang pala hindi ako nakasimba.
“Baka makipagkita ka don sa mga kaklase mo, lagot ka sa'kin!"
Luh? Napangiwi ako sa sinabi nya. 'Yung mukha nya parang sure na sure sa sinasabi nya. “Bakit naman ako makikipagkita sa kanila? Tsaka aalis na 'ko sa school na 'yon. Wala nang rason para makipagkita pa ako.”
Napabuntong hininga naman si kuya. Mukhang stress din siya. Lumapit sya sa'kin at saka ginulo ang buhok ko.
“Be good, okay? I'll be back.”
“Oo na, huwag mong guluhin buhok ko!”
Kainis, gawin ba namang pugad ng ibon ang buhok ko? Wala na ngang suklay ginulo pang lalo.
“Pfft, magsuklay ka naman. Maghilamos ka, may panis na laway ka pa. Para kang hindi babae!”
Aba't! Kapal. “Ang kapal mo naghimalos na ko no!” sasabunutan ko sana siya pero nakatakbo na pababa. Para talagang babae ket kelan.
Hayyy, nako kuya. Ang kulit kulit. Pero alam ko na stress din siya. Kung stress ako e mas stress sya. Sya na 'yung adult saming dalawa e, ako school lang pinoproblema ko. Samantalang siya, lahat na. Kaming dalawa nalang ang magkasama kaya siya narin ang bumubuhay samin. Wala naman kaming maasahang iba. Sabi nga nila, kung walang tyaga, walang nilaga!
Napaupo ako sa kama ko, kinuha ko rin 'yung malaking panpanda na bigay ni kuya at niyakap 'yon. After maasikaso ang pagdropout ko, ano nang mangyayari? Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Kung ako ang papipiliin, gusto kong tumulong kay kuya. Kaso lang sa company siya nagtatrabaho kaya hindi ko alam kung maipapasok nya 'ko don. Hindi pa naman ako nakatapos! Hayy.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...