Chapter 70

90 4 0
                                    

Taking sides (Part two)

“Anong ginawa mo kay Mindy, George?!" Inulit pa ni Kin 'yung tanong nya nang Hindi ako makasagot.

Bakit nya ako tinatanong ng ganon? Wala akong ginawa.

“Wala akong ginawa.” seryosong sagot ko. Namamayani pa rin ang inis ko kay Mindy. Ginagawa nyang katatawanan na wala akong nanay. Parang sinabi nya na rin na dapat lang sa aking walang nanay.

“Wala kang ginawa.." Napasinghal sya, halatang hindi naniniwala. “Talaga?"

Tiningnan ko ang ayos namin ni Mindy, nakatayo ako habang nakaupo sya sa sahig. Gulo gulo ang buhok, kalat kalat ang make up. Kung titingnan parang binully ko nga siya. Pero..

“Inuulit ko. Wala akong ginawa."

Kahit na gustong gusto ko na syang sapakin hindi ko ginawa. Pinigilan ko 'yung sarili ko dahil mukhang sabig sya at kelangan lang ng pagintindi. Kaso siya na nga 'tong tinutulungan, sya pa galit. Nanlait pa, buset.

Dumating na din 'yung ibang Class Z. Hindi sila kasya sa hallway kaya ang pumasok lang ay si Lolo M, Spade, Tim, Wavin, Kin at si Gray.

“Ang mabuti pa'y sa labas na lamang tayo magusap-usap.” wika ni Lolo M. Seryoso lang sya pero halatang hindi siya natutuwa sa nangyari. Nakakahiya tuloy.

“George, are you alright?"

Nasa labas na pala si Mindy, inaalalayan ni Kin. Pumasok naman si Tim sa loob ng banyo. Nalulutang kasi ako sa nangyari.

“Ayos lang ako.”

Hindi naman ako nasaktan….physically.

“Let's go outside. Naghihintay na si Lolo M." Wika naman ni Wavin. Nandon pa din sa may pinto ng CR si Gray. Sinesenyasan akong lumabas na.

Napabuntong hininga ako bago lumakad palabas.

Nahihiya ako kay Lolo M. Sa tuwing mapapapunta ako dito sa Mansion nya, palagi nalang akong may nakakaaway. Palaging may gulo. Nakakahiya na baka isipin nya na puro gulo nalang ang dinadala ko sa kanya.

“Nagaway na naman sila?"

“Palagi nalang may live action ah!"

“Ba't kasi hindi sila gumaya satin?”

Malayo palang ay rinig na rinig ko na ang bulungan ng mga Egg Warriors. Pagdating namin sa living room, andon na lahat. Nakatayo si Lolo M samantalang nakaupo naman sina Mindy. Kinocomfort nina Olyvia si Mindy, nang makita naman ako ni Corine ay masama ang tingin na ipinukol nya sa'kin.

“Ano na namang ginawa mo?!" bulyaw ni Corine nang makalapit ako, sinabayan nya pa ng pagtayo.

Seryosong tiningnan ko siya bago mapalipat ang tingin ko kay Mindy na tahimik na nakaupo sa sofa. “Wala akong ginawa."

“Really? E ba't nagkakaganyan si Mindy? Malamang na may ginawa ka!”

Kulit ng lahi nito ni Corine. “Wala nga akong ginawa!”

“I don't believe you.”

Nakikipagmatigasan pa talaga, pfft. “Edi huwag kang maniwala.” seryosong sagot ko.

“If I know binully mo si Mindy tapos nagpavictim ka bigla nang dumating sina Wavin! Gawain mo 'yun e. Pavictim!"

Ako? Pavictim? Nandidilim ang paningin ko kay Corine. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos palagi syang ganito. Nakakasawa. Nakakasawa na ding hindi patulan.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon