Party
“Anong ginagawa nyo?" Biglang singit ni Nadya.
Pilit na inilayo nya sina Olyvia at Corine sa amin nina Zero. Hindi naman nagpumiglas ang mga 'to. Siguro nagulat? Imbes na ako 'yung matamaan nya, si Zero ang natamaan. Talagang nagkaroon ng maliit na kalmot sa pisngi nya.
“Yung mukha ni Zero, seryoso ka ba?" Iritang bulyaw ni Corine kay Olyvia.
Nagtalo na sila after non. Napatingin ako kay Zero. Nasa harapan ko pa rin siya habang hawak hawak 'yung pisngi nyang may konting kalmot.
Kasalanan ko ba?
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kasalanan. Sya lang kasi 'tong sisingit singit. Kung hindi siya sumingit edi sana hindi siya makakalmot diba?
Aissh. Pero ginawa nya lang naman 'yon dahil gusto nya akong iligtas? Ayokong magassume pero iaassume ko na rin na gusto nya akong iligtas.
Ayos lang kaya siya?
“Are you okay, Zero?" Magtatanong palang ako pero naunahan naman ako ni Archer. Hindi siya sinagot ni Zero, imbes ay umalis siya sa harapan ko.
Nagtungo sila don sa may sofa. Gusto kong tanungin siya kung bakit nya ginawa 'yon, kung ba't humarang siya. Sinadya nya ba 'yon? Gusto nya ba talaga akong ipagtanggol?
“Kasalanan mo!” pagbaling sa'kin ni Olyvia. Mukhang balisa siya at takot. Nagsink in na siguro sa utak nya ang ginawa nya.
Napabuntong hininga ako. Bakit palagi nalang sakin sinisisi?
“Pasensya na, George. I'll make sure to lecture them." Wika ni Nadya, hinila nila ni Mindy si Olyvia at Corine paalis.
Buti nalang. Akala ko kasi maghahamon na naman siya uli ng away. Kotang kota na 'yung anit ko. Napahawak ako sa buhok ko na alam kong gulong gulo na ngayon. Hindi pa nga ako nagsusuklay eh. Asar.
“Okay ka lang?”
Napatingin ako kay Tim, kitang kita ko 'yung pagaalala sa mukha nya. Lumapit siya sa'kin at saka hinawakan sa balikat. Ayos na sana kasoo.. bigla akong inalog ng walanghiya!
“T-teka, tanginams na 'yan. Nahihilo ako!”
Alog-alugin ba naman ako. Putek. Hindi nya ata naiintindihan na masyadong nahigit 'yung buhok ko, nalutang pa ako sa ginawa ni Zero pag harang harang dun. Nakakahilo sila pareho, buset. Idagdag pa 'to si Tim na literal na inaalog ako.
“Hey! Stop doing that.”
Inalis ni Gray 'yung kamay ni Tim sa balikat ko. Nagpeace sign lang naman 'yung siraulo, napasimangot ako. Buset 'tong si Tim.
“Sorry, nadamay ka dahil sa'kin."
Jusko. Ba't ba kasi habulin sila? Nanggagalaiti tuloy 'yung mga fans nila. “Nangyari na, wala na tayong magagawa."
Kahit na maglupasay pa ako dito hindi naman maibabalik 'yung nakaraan. Ayokong gumanti dahil masamang gumanti. Kapag ginawa ko 'yon parang naging katulad na din nila ako.
“Sorry."
“KUNG BA'T NAMAN KASI HINDI MO NILILINAW KAY OLYVIA NA WALANG KAYO!" pagsingit ni Wavin.
May point siya. Atsaka dapat nililinaw nya din na walang kami, hindi dapat magselos si Olyvia. Hindi naman ata niya pinapaliwanag ng maayos e tapos kung makalapit pa siya sa'kin, kung ano ano tuloy ang naiisip nung babaeng overthinker.
“Wala naman akong dapat linawin sa kanya." Sagot ni Gray, nakasimangot siya at parang diring diri ang mukha.
“Kahit na, dapat nililinaw mo parin. Kasi pwedeng sa'yo wala lang pero kay Olyvia it could mean everything to her. Halata namang gustong gusto ka nya kaya dapat man lang nililinaw mo, na walang namamagitan sa ating dalawa. Walang tulay, walang hagdan, na hindi tayo talo. Diba? Para mapanatag siya.”
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
