Moon
“Sino dito ang manliligaw ng kapatid ko?”
Napangiwi ako ng lumapit pa si Kuya at pumwesto sa harap nila. 'Yang mga ganyang pormahan, nananakot 'yan. Kita ko naman na effective, namumutla pa si Tim. 'Yung iba naman kita ang gulat sa mukha. Si Zero lang 'yun preskong nakatingin kay Kuya, parang hindi natatakot.
“Ikaw ba?” tanong niya kay..
Zero?!
Lol. Nagpapatawa ba si Kuya?
Kumunot ang noo ni Zero dahil sa tanong ni Kuya. May nakita din akong hint ng pagkaasar sa mukha niya. Wow ha, choosy pa siya. Ako nga dapat maging choosy eh! Impakto talaga.
“Kuya, hindi siya. Walang nanliligaw sa'kin sa kanila.”
“We? Wala?”
Napakamot ako sa ulo.
“Wala nga, promise!” itinaas ko pa ang kanang kamay ko. Maniwala sana kasi kung hindi siya maniniwala, ewan ko nalang talaga.
Mukhang hindi naniniwala si Kuya. Pinasadahan niya pa ng tingin bawat isa sa kanila. Namumutla na si Tim, susmaryosep. Baka mamaya mahimatay siya bigla.
“Kuyaa, naiilang sila.”
Kahit naman kasi basagulero 'tong nga 'to, halata paring may kinatatakutan. Katulad nalang ngayon. Ewan ko ba kung ba't mukha silang kinakabahan.
“Wala?”
Aissh. Ulit ulit ha.
Napabuntong hininga ako sa kakulitan niya.
“Wala nga! Tsaka 'diba nga may pinapangalagaan akong title? Kaya hindi ako magboboyfriend.”
Natahimik naman si Kuya. Parang ang lalim ng iniisip niya. Sana lang matauhan. Sinulyapan ko 'yung lima kung oks pa, medyo namumutla si Tim. 'Yung apat naman nakapoker face lang.
“Kuya este sir, wala pong nanliligaw sa'min kay George. Peksman, itaga niyo pa sa abs ko.” bigla ay paliwanag ni Tim, nakuha pang magjoke. Akala mo talaga hindi nenenerbyos.
“OO NGA PO, WALA TALAGANG NANLILIGAW SA'MIN! NALILIGAW LANG! HAHAHAHAHAHAHA.”
Putanginams talaga ni Wavin.
“I'm innocent!” si Gray.
“I second the motion.” si Archer.
“I third the motion.” si Tim.
“I fourth the motion.” si Wavin.
Mga abnormal talaga 'tong kasama ko. Kitang kita ko kung paano nagasalubong na naman ang kilay ni Kuya. Nagagalit na naman siya, nako pu.
“Bakit wala?! Ang ganda ganda ng kapatid ko tapos wala?!”
Ehhh??
Takang napatingin ako kay Kuya. Seriously? Kanina nagagalit siya kasi akala niya may nanliligaw sa'kin tapos ngayon galit parin siya? Ano ba talaga?! Lakas ng trip ha. Nacaught off guard tuloy 'yung mga itlog, hindi malaman kung anong gagawin.
“Ay joke, Kuya! May manliligaw talaga 'yan." Feeling fc na ani Tim. 'Eto oh.” itinuro niya si Zero.
Sa lahat talaga ng tao si Zero pa talaga ha. Galeng mo talaga Tim. Pinandilatan ko si Timothy. Lagot talaga siya sa'kin mamaya. “Wala akong manliligaw. Sa'kin ka maniwala, kuya!”
“Naku, nagliligawan silang dalawa. Balita ko nga ay sasagutin na ni George si Zero. Mweheehehehe.” ngiting mapangasar pa si Tim.
Agad na binalingan naman ako ni Kuya. Gulat na gulat pa siyang tumingin sa'kin. Umiling iling naman ako sa kaniya, pilit na inexplain na hindi talaga.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Genç KurguAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
