Chapter 73

83 9 3
                                    

Games

“Game na!”

Atat na atat na akong manalo! Ang tagal magstart ng game, tsk.

Bale anim lang kaming kasali, si Zedrick, August, si Tim, Gray and si Zero. Yups! Sumali si Gray at si Zero, gulat nga ako e. Kinakabahan ako bigla. Baka sumali lang sya para mambugbog. Baka gusto nyang makaganti. -,-

“Sure ka na ba dyan? Pwede ka pang umatras."

Bored na tiningnan ko si Timothy na naghahasik na naman ng kayabangan.

“Ako susuko? Lol, boom panot ka!" I sticked my tongue out para mangasar.

“PFFT, HINDI KO TULOY ALAM KUNG SINONG ICHECHEER KO SA INYO!"

“Ako icheer mo, hahatian kita ng premyo." lumapit pa ako kay Wavin. I look at him assuringly. Feeling ko tuloy nagtransform ako bilang manunuhol.

“Naku! Ako icheer mo, sure win ka!”

Tss. Kahit kelan talaga panira 'tong Timothy na 'to. “Aba, ba't ka nanunulak?!"

Muntik pa akong mapasubsob. Buset talaga sa buhay.

“Ay sorry! Didn't see you.”

Napapikit ako sa inis. Jusko, lord! Nandidilim paningin ko dito kay Tim.

“Inamoka! Sinasabi ko sa'yo matatalo kita.”

Nagpakawala siya ng nakakainsultong tawa. Kaasar talaga! Naglakad na ako palayo bago siya makapagsalita. Makikita nya talaga! Mananalo ako!

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Gray as usual kasama nya sina Zero at Archer. Naguusap usap silang tatlo pero natigil 'yun nung dumating ako. Tinaasan ako ng kilay ni Zero na ikinataas din ng kilay ko.

“Problema mo?”

Makatingin, gandang ganda na naman!

“Are you seriously gonna join this game?”

“Oo, bakit?"

Gusto kong makakuha ng premyo. Uumpisahan ko na sa larong 'to.

“You're going to lose.” nagsmirk pa talaga ang impakto sabay pamulsa! Yabang!

Inismidan ko sya. “Baka kainin mo 'yang sinasabi mo!”

Minamaliit nila masyado ang kakayahan ko, baka kainin nila 'yung sinabi nila. Hmp! Hintayin lang nila, palilipadin ko sila!

“Okay, let's start. Unang maglalaban ay si Astair and si Timothy. Please come to the middle."

Ay teka. Ako agad? Bakit ako agad?

Napangiwi ako bago pumunta sa gitna kung saan andon na agad si Timothy. Napasapo ako sa noo ko. Malas! Gusto ko pa naman sanang tumagal sa laban kaso si Tim agad ang nakalaban ko. Sure na panggigigilan ako neto, tsk.

Merong malambot at makapal na blanket na nakalatag sa sahig. Para siguro hindi masakit kapag napahiga sa sahig. Binigyan din kami ng tig-isang unan. Magkapareho kaya 'to ng bigat?

Hmm.. Check ko nga.

Inagaw ko 'yung unan ni Tim hehe. Sakto hindi sya nakatingin.

“Ay, ba't ka nangaagaw ng unan! Meron ka na ah!"

“Saglit lang, ichecheck ko lang kung alin mas mabigat----."

“Pareho lang 'yan! Akina na nga!"

Napasimangot ako. “Tss. Edi sa'yo na!"

Arte. Parang ichecheck lang ayaw pa. Psh.

“Oh, saan kayo? Kay Timothy ako!" Rinig kong wika ni Warren. Inirapan ko sya dahil don. Bulok pumili ng pambato.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon