Chapter 87

82 3 1
                                    

Bribe

Nakuha na namin ang report card namin. Matataas, maliban nalang dun sa subject namin kay Mr. Aguila. 85 lang ang pinakamataas na grades na nakuha namin pati na din sina Zero. Halatang halata na ginawa gawa lang.

“85 lang ako, george…” nagmamaktol na wika ni Timothy. Napahalumbaba naman ako.

“85 LANG DIN AKO!” pagmamaktol din ni Wavin, kumakain siya ng chocolates. Actually naagawan ko na siya kanina, konti nalang natira sa kanya.

“ANG BABA NG GRADES KO HUHU!” Tumayo pa si Tim.

“ANG BABA DIN NG GRADES KO, THE HELL!"

Pinagmasdan kong magmaktol 'yung dalawa. May balak pa atang sirain 'tong resthouse ni Lolo M.

“Georgeee, 85 lang ako don!”

Napabuntong hininga ako bago sila hinarap. “Anong sabi nyo?”

“85 LANG KAMI!”

“82 nga ako don. Makapagreklamo kayo dyan.”

Pinakamababa ko na yun, si Ms. Leona kasi mataas ang ibinigay sa aming grades. Buti nga hindi siya kagaya ni Mr. Aguila. Nagbagong buhay na ata.

“AYAN NA SI LOLO M!" Sigaw ni Warren.

Agad kaming naglakad papasok sa lugar kung saan kami palagi nagkaklase. Nauna na don 'yung iba, kanya-kanyanv upo. Nandon na din sina Zero. Umupo na ko kalapit nina Tim sakto namang pasok ni Lolo M kasama si Spade.

“Magandang gabi.” tipid na ngumiti si Lolo M sabay upo sa may gitnang upuan. “Hindi ako magkaklase ngayong araw. Pero pinapunta ko pa din kayo dito dahil gusto ko kayong icongratulate.”

Nakarating na din kay Lolo M hehe.

“Natutuwa akong marinig na halos lahat sa inyo ay pasok sa ranking kahit na may ilan na nagkaroon ng problema.." Tiningnan ni Lolo M si Donald na napakamot sa ulo. “Pero kahit ganon natutuwa pa din ako sapagkat nalagpasan n'yo ang hamon na 'yon ng magkakasama."

Tumango tango si Spade. Napalingon ako sa mga Egg Warriors nang magsalita sila.

“Kami pa ba, Lolo?”

“Tsaka andyan si Zero eh tsaka si… George!” wika ni Warren.

Hala ako? Napaturo pa ako sa sarili ko. Nananahimik ako tapos bigla bigla akong nasasali sa usapan. Nilingon naman ako ni Lolo M. “George?”

“Opo." Si Donald ang sumagot. “Malaking t-tulong po si George lalo na nung kay Mrs. De Villa. Tinulungan nya talaga ako para mabuild uli 'yung confidence ko.”

“As I thought." Wika ni Spade kasabay ng pagngiti.

“SABI KO NAMAN SA INYO IBA TALAGA 'TONG BRAD NAMIN EH!" Sinamaan ko ng tingin si Wavin. Lakas na nga ng bunganga, makatapik pa sa'kin. Nalilimutan ata niyang babae pa din ako.

“Pakialamera nga lang." Pasaring ni Corine.

“Atleast pakialamerang may dulot." sagot ni August.

Medyo namula ako. Hindi ako makapaniwalang pinupuri nila ako ngayon. Parang kelan lang dito din sa resort ni Lolo M, pinagtulungan pa nila akong paalisin pero ngayon. Hindi nagsisink-in sa utak ko na pinupuri nila 'ko.

“Mabuti nalang pala't may George tayo." Wika ni Spade.

Sumangayon naman ang Egg Warriors, may nagthumbs up pa sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon