Sorry
“George, sorry na! Hindi ka rin kasi nagexplain!”
Kasalanan ko pa pala. Naglakad ako palayo kay Timothy, siya namang pagsunod niya ulit. Nakakainis na ha, parang asong sumusunod. Kanina pa siya, psh. Napakakulit.
“Sorry na nga! Sorry, sorry na nga diba?!”
Napatigil ako sa paglalakad. Bakit siya galit? Bakit parang kasalanan ko pa?
“Punyeta ka, ba't ka galit? Kasalanan ko pa pala?”
“Sorry, ikaw kasi!” napakamot pa siya sa ulo.
Napailing ako. HIndi talaga nawawala ang kaabnormalan ni Timothy. Gusto kong matawa sa kaniya pero naiinis parin ako. Magpapahard to get muna ako, may pinagsamahan kami oo. Pero that doesn't mean na agad agad ay kelangang patawarin ko sila dahil lang sa friends kami. Hindi ganoong kadali 'yun.
“Bakit niyo ako tinalikuran?”
Gusto kong malaman. Baka nagkakamali pala ako ng hinala.
“Hindi ka namin tinalikuran, George!”
“Hindi pa pala 'yon? Tinalikuran niyo kaya ako. May pailing iling ka pa tapos 'yung mga mata niyo nanghuhusga. Ni hindi niyo muna inalam ang totoong nangyare, naniwala agad kayo kay Corine.”
Naguilty ata siya bigla, napayuko siya. “Sorry. I-i'm so confused that time. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko. I acted foolishly, I'm sorry.”
Lumambot ang expression ng mukha niya. Lungkot na lungkot siya. Pero hindi pa ngayon. Hindi ko muna sila papatawarin.
“Gusto ko munang mapagisa. Iwanan mo muna ako, Tim.”
Hindi ko siya nilingon pero kita ko sa gilid ng mata kong nagaalinlangan siya. Ayaw niyang umalis. Ilang minuto pa siyang nakatayo don bago niya napagpasyahan umalis.
“Kapag kelangan mo kami, nandito lang kami.”
We. Nandito lang daw. Utot, tch.
Naiwan na akong magisa dito sa may Garden, sa wakas. Natahimik ang mundo ko. Parang bubuyog si Timothy, napakakulit. Gusto niyang maging okay na ulit kami kaso hindi naman ganon kadali 'yun. It takes time to heal nga 'diba? Hindi ako maarte sadyang nasaktan lang ako. Anong magagawa ko kung ganito ang nararamdaman ko?
Napabuntong hininga ako. Ang gulo gulo na ng buhay ko, napadpad lang ako dito sa Noblesse High. Nakilala ko lang ang Class Z gumulo na ang buhay ko. Gusto ko na tuloy maniwalang malas sila. Dumating lang sila sa buhay ko minalas na din ako. Nakakahawa pala ang kamalasan, duks na nga ako malas pa.
Ano kayang nangyari kay Corine? Saan siya dinala? Hindi ako nagaalala sa kaniya, gusto ko lang talagang malaman kung saan siya dinala. Mukhang paparusahan siya eh. Ano naman kayang parusa? Napailing ako. Ano bang pake ko, tsk. Ano ba 'yang iniisip ko.
“GEORGEEE! SORRY NA!”
Punyetang ina.
Bigla bigla nalang sumusulpot si Wavin. Aatakehin ako sa puso, hayufff.
“Tumahimik ka.”
“SORRY NA NGA DIBA! SORRY NA!”
Lol. Akala talaga nila ganon lang kadali 'yun.
“Hindi ba sa'yo sinabi ni Tim?”
“ANG ALIN?!” naguguluhang tiningnan niya ako
“Gusto kong mapagisa. Magiisip isip muna ako, pwede?”
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...