Chapter 75

64 7 4
                                    

Truth or Dare

“George, huwag mo naman ipahalatang matakaw ka."

Tss, hindi ba dapat pinapahalata 'yon?

Inirapan ko si Timothy at saka dinamihan ang sandok ng kanin sa kaldero. Kainan na ngayon. Bale nasa gitna na lahat ng pagkain. May mesang malaki na nandoon. 'Yung nafofold! Basta 'yung pangmayaman.

“Hoy, kaya mo bang ubusin 'yan?"

Hindi ko uli pinansin si Tim. Nagutom kaya ako dzuh. Ayan, tapos na!

Aalis na sana ako para makakuha naman sila ng kanin kaso may nagabot sa'kin ng pinggan. Takang tiningnan ko si Gray.

“Ba't mo ko binibigyan ng pinggan, Gray? Hindi ko pa nga nababawasan 'tong pagkain ko e." Ginawa naman akong patay gutom.

“Pfft." Napangiwi ako. Anong nakakatawa? Stop being assuming, George."

“AHAHAHAHA, ASSUMING!"

Minsan na nga lang magsalita 'tong si Wavin pangasar pa. Buset.

“E ba't mo binibigay 'yan sa'kin?"

“Palagay ng kanin."

Ahhhh, 'yun pala! Tanga ko don sa part na 'yun ah. “Sorry, akala ko kasi binibigay mo sa'kin. Amina nga!"

Kinuha ko 'yung pinggan nya at pinagsandok siya. After non ay iniabot ko na sa kanya. “Thanks."

Bumalik na sa upuan niya si Gray. Tatayo na sana ako pero may naglapag sa harap ko nang pinggan, walang iba kundi 'yung impakto.

“Oh?"

Preskong isinuklay nya 'yung kamay nya sa buhok nya. Tila frustrated pa talaga siya na nagtanong ako. Tinitigan ko 'yung pinggan nya na nasa harap ko. Nagpapakuha ba sya sa'kin ng kanin?

“Gusto mong lagyan ko 'to ng kanin?"

Iniwasan nya ako ng tingin sabay 'tsk'. Labo ha. Ba't kasi ayaw nyang magsalita? May bibig naman siya, nyare?

“Bilis." He hissed. Iritang tiningnan ko siya.

“Hindi ka naman atat no?” sarcastic kong wika.

“Can you fucking stop complaining? Ikuha mo nalang ako nang mapakinabangan ko naman 'yung pagiging servant mo."

Lah. Feeler ha. Feeling special child na naman. Dinamihan ko 'yung kuha ng kanin kay Zero. “Oh, siguraduhin mong mauubos mo 'yan ha." 

“Tss."

Nagiinarte pa kukunin din naman pala. Hayyyy. Baka naman pwede na akong tumayo! Nagugutom na din ako eh.

Tatayo na sana ako pero nakita kong si Achylis naman ang nagabot ng pinggan nya. Namumula pa talaga siya. At dahil natutuwa ako kay Achylis, agad kong nilagyan ng kanin 'yung pinggan nya.

“S-salamat.."

Pagalis ni Achylis, akala ko wala na. Akala ko lang pala! May nakapila sa likod ni Achylis. Si August, Tim, Wavin, Warren.

Putek. Ginawa akong tagasandok. —_—

Nakabilog na ulit kami. Pagkatapos namin kumain kanin at pagkatapos nila akong gawing tagasandok ay sinabi ni Lolo M na may kasunod pa raw 'yung laro namin na 'yon. Pinabilog nila kami. Nasa gitna si Spade samantalang nasa labas naman ng bilog si Lolo M. May hawak hawak siyang tsaa.

“Ano kayang gagawin?"

'Yun nga din ang ipinagtataka ko. Ba't parang magoopen forum kami bigla?

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon