Brother's Love
“Kuya, a-anong ginagawa mo dito?"
Shete. Ngayon pa ako nakita ni Kuya Gio. Malas ng timing. Mukha akong sabog.
“Baka magiinom.” napasimangot ako. Kahit kelan parang tanga. “Bobo mo kasi, malamang manonood. Bakit ba nasa labas ka?”
Napabuntong hininga ako. Kapag sinabi ko sure na magkakagulo. Knowing Kuya hindi sya pumapayag kapag naaapi ako. Ayaw nyang may nambubully sa'kin. Nung elemetary nga ako, may nambato sa'kin ng manggang hilaw. Nagkaroon ako ng bukol sa noo dahil don, sinugod tuloy ni Kuya 'yung kaklase ko.
“Tinatanong kita, sumagot ka.” naging seryoso na ang boses nya.
“Uhm. Magpapahangin lang. Ang init kasi don sa loob eh.”
Sana makalusot.
Tinaasan nya ako ng kilay, hindi naniwala sa'kin. Pinameywangan pa ako, amp.
“Mayaman ang eskwelahang 'to, may electric fan don. Just tell me the truth, diba representative ka? Bakit nasa labas ka?"
Ayan na. Nagtatanong na. Anong isasagot ko?
“Uhmm, nagbackout kasi ako Kuya. Nakakatakot kasi kaya sila nalang pinalaban k-ko."
Sumama ang mukha nya dahil sa sagot ko. “Kilala kita. Kapag may sinabi kang gagawin, ginagawa mo talaga. Wala kang sinusukuan. So, bakit nga? May nangyari ba?"
Medyo nagteary eye ako sa sinabi ni Kuya. Kilala nya nga pala ako bilang matapang, independent na kapated nya. Hindi pa nga nya ako nakitang umiyak non eh. Ngayon palang siguro. Hindi ko na kasi mapigilan ang emosyon ko.
“W-wala.”
“Wala? Bakit namumula mata mo, umiyak ka ba?"
Napatayo ako sa sinabi nya. “H-hindi no! Ba't naman ako iiyak? Napuwing lang ako."
“Napuwing ka lang tapos ganyan itsura mo? Mukha kang sabog."
“Wala nga sabi. Kulit mo naman, Kuya eh.”
“Just tell me the truth, Georgina.”
Napapikit ako sa tono ng pananalita nya. Seryoso na ang boses nya. Kapag ganto na ang tono ng boses nya, natatakot na ako. Binuo na pati 'yung 'George' ko. Seryoso na talaga sya.
“NagkaLBM kasi talaga ako kaya napaltan ako. Dapat talaga ako ang kasali kaso nga lang sumakit bigla tyan ko. Nagiyak ako kasi disappointed ako sa sarili ko."
Patawarin niyo po ako Lord sa pagsisinungaling. Eto lang talaga ang naisip kong paraan para hindi na lumala pa ang gulo. Kapag nalaman ni Kuya ang totoo hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Baka maguidance pa kami.
“LBM? Ayan kasi kung ano anong kinakain mo.”
Buti naniwala. Napaupo ulit ako sa may silya. “Konti nga lang kaya.”
“Antakaw mo kasi. Ano okay ka na ba?”
Umupo sya sa katabi ko at saka ako tiningnan, 'yung tingin nya halatang nagaalala sya sa'kin. Nagaalala sya sa'kin tapos nagawa ko pang magsinungaling.
“Oks na oks na 'ko. Tsaka tanggap ko na naman na hindi talaga ako belong sa debate na 'yun." Pati na sa section. “Oks na 'yun. Keri ko na.”
“Are you sure?”
Tumango ako bilang sagot. “Yes, Kuya."
“Ano pang hinihintay mo? Tara na sa loob."
![](https://img.wattpad.com/cover/329707806-288-k867672.jpg)
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Ficção AdolescenteAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...