Chapter 35

187 8 1
                                        

Truth

“So, anong pakiramdam na pinagaagawan ng mga lalaki?”

Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay. Nasa may likod ko lang si Corine, 'yung mukha niya parang asar na asar.

“Ang landi mo rin ano? Lahat nalang talaga inaakit mo.” dagdag niya nang hindi ko siya sinagot. “Siguro malandi din ang nanay mo, kasi 'diba nga? Kung anong ugat 'yun ang bunga.”

Pakening shet.

“Hindi na ako dapat magtaka. Sa CR nga pala ako pumunta, kaya may mabahong kagaya mo. Pwede maligo ka muna? Umaalingasaw eh.” nginisian ko siya. “Ay mali. Hindi nga pala naaalis ang kasamaan ng ugali sa ligo lang. Siguro pwede pa kung ang ipapaligo mo ay Holy Water.”

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. Iniriapan ko naman siya, eto 'yung time na kelangan kong magwalkout kasi alam ko na ang kasunod na mangyayari.

“What did you say?!”

Katulad ng inaasahan. Binilisan ko ang paglakad pababa. Kapag naabutan niya ako magkakagulo lang. Need ko umiwas. Bakit ba naman kasi nangiinsulto silang una tapos kapag sila na ang nilalait hindi naman kaya. Myghad, tanga lang.

“Hoy, malandi!”

Nasa may pinto na kami ng Classroom kaya naman kita ng ibang Class Z ang nangyayari samin. Sigaw pa ng sigaw si Corine, susko. Napalabas na din sina Timothy, Gray at Wavin. Nakatingin sila samin na parang gulong gulo.

“Malandi ka talaga! I hate you, I hate you!”

“Oh tapos? Anong pake ko sa nararamdaman mo?”

Nakakairita na siya. Ano magaadjust ako para lang sa kaniya? Aba, siya 'yung may ayaw sa'kin edi siya 'yung magadjust.

“Fuck you!”

“Ang OA mo naman----.”

Huli na para maiwasan ko ang sampal niya. Malakas ang pagkakasampal niya pero hindi ako natinag sa kinatatayuan. Napa'oohhh' naman ang ibang Class Z.

“Corine, what the hell!” rinig ko din ang boses nina Gray.

Napangisi ako kay Corine. Nakuyom ko ang kamao. Proud na proud pa si Corine sa ginawa niya. Naiirita ako sa kaniya.

“Ano? Lalaban ka pa ha?!” gigil niyang wika. Akmang sasampalin niya ako pero..

“George!” nakita ko sa gilid ng mata ko na patakbo samin sina Tim. Napangisi ako at saka sinalo ang kamay niyang sasampal sa'kin.

“Kung sasampal ka siguraduhin mong magagawa mo ng tama.”

Tinulak ko ang kamay niya pabalik at saka sinampal siya ng malakas. Napaupo siya sa sahig dahil don. Mangiyak ngiyak na inikot niya ang paningin sa paligid. Siguro nahihiya siya? Huh. Ibang klase.

“Are you done?”

“Zero, huhu! Sinaktan niya 'ko!”

Napatingin ako kay Zero. Nasa may pintuan na siya kalapit nina Tim. Mukhang wala siyang pake sa nangyayari pero alam ko na huhusgahan niya na naman ako. Palagi namang ganon ang nangyayari e. At dahil galit nga sa'kin 'yung president nila, magagalit na din sa'kin ang ibang Class Z. Walang bago.

“Ready na ako. Sige na, sumbatan niyo na ulit ako.”

Pumameywang pa ako sa kanila. Hinihintay silang magsalita.

“Zero, sinaktan niya na naman ako!”

Sinaktan na naman? Ahhh. Ako nga daw pala ang humampas sa kaniya. Napataas ang kilay ko.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon