Ex-Lovers
Natapos na ang klase ni Lolo M.
Actually dalawang oras lang naman siyang nagklase. Alas dyes na ng gabi ngayon. Kanina pa nagtetext at tumatawag si Kuya kesyo umuwi na raw ako. Gabi na raw. Sabi ko uuwi na ako kahit hindi pa naman talaga.
Gusto ko muna kasing magpahangin.
Naglalakad ako ngayon sa tabing dagat. Tamang tama nakajacket at pants ako kaya hindi gaanong malamig. Perfect sa ganitong pagkakataon.
Umupo ako sa may buhangin. Inilabas ko ang cellphone ko. Oras na para magpicture! Ang ganda ganda talaga dito sa resort ni Lolo M. Pangsosyal talaga. Meron pang cottage ba 'yon? Basta bahay na nasa may dagat. Astig!
Ang ganda pa ng buwan.
“The moon is beautiful, isn't it?"
Nagecho sa utak ko ang boses ni Gray.
Bakit ako naiilang sa kaniya bigla? Pagkatapos ng nangyari kanina pakiramdam ko hindi lang 'yun ang ibig niyang sabihin. Ang awkward. Pero hindi ko ipapakita na naaawkwardan ako dapat chill lang 'no. Relax lang ganon ket sa totoo ay sasabog na sa kaba.
Gago kasi 'yun bigla biglang nanghahawak ng kamay. Tapos 'yung tinginan talaga. Feeling ko tuloy nabading ako. Yak ha!
“What are you doing here?”
“Pusang ina!"
Napatayo ako sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib. Asar naman!
“Ba't ka ba nanggugulat ha?”
Buset na Archer 'to. Bored na tiningnan niya lang ako. May hawak hawak siyang patpat na kawayan. Panghampas sa batang makulet.
“I didn't even make an effort to shock you.” mataray niyang sagot. Inirapan ko siya.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Uupo.”
“Dito pa talaga? Anlawak kaya neto, don ka sa iba. Ang harot harot ko na naman kapag nakita tayo ng ibang Class Z.”
Nishoo ko pa siya, itinaas ko pa ang kamay ko at sinenyasan siyang lumayas sa harap ko. Kaso lang, hindi nakinig! Umupo pa siyang lalo sa may katabi ko, naglagay naman ng konting space ket papaano.
Tigas din ng bungo.
“Ang kulet mo din 'no?” tinaasan ko siya ng kilay. “Don ka nga eh!” medyo tinulak ko pa ang balikat niya pero hindi natinag.
“Dito ko gustong umupo.”
Tss. Mukhang wala talagang balak lumayo. Edi sige. Ako nalang ang uusod.
Lumayo ako ng upo sa kaniya, mga isang dipa ang layo naming dalawa. Tiningnan niya naman ako na parang weird na weird siya sa'kin, akala ko magasalita siya pero nanahimik nalang siya.
“Archer, matagal na ba kayong magkakilala ni Zero?”
Ewan ko ba pero gusto kong malaman. Wala naman sigurong magsamang magtanong.
Sagutin mo!
“Yeah, since elementary.”
Napatango tango ako. Akala ko hindi ako sasagutin buti nalang.
“Lahat ba ng naiisip niyang plano nagwowork?”
Kanina kasi sabi ni Zero hindi raw siya nagttake ng risk. Ibig sabihin lahat ng plano niya alam niyang magwowork out.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...
