Psycho
“A-anong sabi mo?" Nauutal kong sagot.
Kung makasabi ng 'Are you seducing me', akala mo e sinadya kong punitin 'yung damit ko para ipakita sa kaniya 'yung likod ko!
Putanginams. Baliw nalang ang gagawa nun.
“Then why do you have to display your bare back to me like that?" Naiinis na aniya.
Agad na namula ako. “Ang kapal mo, lumayo ka nga sa'kin!"
Mabilis na nagreact ang katawan ko't nasampal ko siya. Mabilis na nagreact 'yung katawan ko pero 'yung utak ko ay hindi.
O_O
What did I just do?
“What the hell, bitch."
Sapo sapo niya 'yung mukha niyang nasampal ko. Okay lang sana kung mahina lang pwede pa 'kong magpalusot, e kaso alam kung ibinigay ko lahat ng lakas dun sa sampal na 'yun kaya hindi na nakakapagtaka na namumula 'yung kaliwang pisngi niya.
Napatayo ako sa gulat at takot. Hindi siya sumigaw pero nakakatakot siya para siyang si Zero. “M-may… may lamok!"
Sana makalusot!
Itinago ko 'yung likod ko sa kaniya since wala na nga 'yung kalahati ng damit ko. Kelangan pang kapitan para hindi makita 'yung kaluluwa ko.
Hindi pa naman ako nakapagtube! Kita tuloy 'yung bra ko na panda ang design. Nakakahiyaaaaaa! Lintek na kahihiyan 'yan.
“You think I'll buy that?" Iritado niyang wika na ngayon ay nakatayo na.
Napaiwas ako ng tingin.
Ayoko nang salubungin 'yung mga mata niya. Makatingin kasi, dinaig pa matanglawin. Husgang husga talaga buong pagkatao ko.
“Ang yabang mo kasi." Mahinang bulong ko.
Ako pa ngayon ang masama. Ano ba kasing ginagawa niya at sa kaniya ako bumagsak? Ano babalik sa entrance?
“The hell." Pagmumura niya bago lumakad, hindi pabalik sa entrance kundi papunta sa diretsong nag-iisang pintuan.
Panext level na kami ganon.
Agad na sumunod ako sa kaniya habang hawak hawak 'yung damit ko. Mahirap na. Hindi ko siya kaclose at alam kong hindi namin pareho pinagkakatiwalaan ang isa't isa.
Namayani ang katahimikan sa amin. Wala talagang nagsasalita. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Ni hindi ko na napapansin ang mga pananakot na nangyayari sa paligid dahil mas nakakatakot 'tong kasama ko.
Casual na naglalakad lang siya. So far, wala pa namang lumalabas na mga white lady, kapre at sana magtuloy tuloy. Ayokong makasapak uli.
Nakatitig lang ako sa likod niya. Kasing aura siya ni Zero pero siya mukhang mas seryoso, mas deadly kumabaga. Si Zero kasi sala sa init sala sa lamig. Minsan mapangasar, minsan naman pamatay.
Pinaghalong Gray at Zero ang ugali niya.
Ano kayang ginagawa niya dito? Hindi ako bubu, alam kong andito siya para eenjoy 'tong horror booth. Malas ko lang naencounter ko siya.
“U-uhm. Anong ginagawa mo dito?"
Napatikhim ako. Sasagot kaya siya?
“Sinong kasama mo? Bakit ka napunta dun sa lugar kung nasaan ako? Nagteleport ka din ba katulad ni Gray?" Sunod sunod kong tanong.
Siguro napapunta lang din siya sa don dahil don sa pinto na nangunguha ng tao. Invisible door! Shalaa.
Naglakad ako palapit sa kaniya. 'Yung distansya kasi namin dalawang dipa ko na.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Teen FictionAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...