Preparation Day 1
“Hoy."
Imbes na huminto ay naglakad pa sila ng mabilis. Kaasar naman. Bakit ba ang hirap nilang suyuin? Kahapon pa sila ganito. Nageexplain ako pero hindi naman nakikinig. Ni ayaw akong kausapin o tingnan man lang.
Sumunod agad ako sa kanila. Akala nila ha! Maikli man ang biyas ko best in running naman ako. Sana nga lang din naging Best in Tagasuyo din ako para naman hindi na maging ganito 'tong dalawang 'to.
“Kahapon pa 'ko nagsosorry. Para kayong sira.”
Dedma pa din! Lakad lang sila ng lakad. Putek na 'yan. Ang hirap nilang espilengin!
“Naexplain ko na sa inyo lahat kahapon, ano pa bang kulang? Helloooo? Ang sabi ko may potential na maging kaibigan ko siya KUNG hindi siya ganon."
Hindi naman agad agad nagbabago ang tao. Kapag nature na ng tao mahirap ng baguhin. Hindi ko rin naman sinasabing napakasamang tao ni Tristan. Ang sa'kin lang kasi mahirap pilitin 'yung pagbabago.
“Tingin mo hindi siya magbabago para sa'yo?”
Napamaang ako sa tanong ni Tim. Saan nanggaling 'yun? Muntik pa akong matawa. Like seriously? Napakaganda ko naman kung mapapagbago ko siya diba?
“Hindi.”
Sino ba naman ako para sundin niya. Sinabi niya lang na partially true na gusto niya ako. Partially----ibig sabihin bahagya lang, hindi buo. Wala pa akong nakikitang tao na nagawang magbago para sa taong hindi niya lubos na gusto.
“Kaya huwag na kayong magtampo diyan! Nakakainis, hmp. Hindi ako sanay na seryoso kayo.” napasimangot ako. Hanggang kelan sila ganyan, hindi ko na matake 'yung kasungitan nila.
Nag-iwas silang pareho ng tingin sa'kin bago nagkatinginan. Napataas ang kilay ko nang magusap sila gamit ang mata. May panguso nguso pa silang dalawa. Ano kaya 'yun? Nasaniban na ba sila ni Nero kaya sila nagkakaganito? O baka naman gusto nila 'yung isa't isa?
O_O
“Anong ginagawa niyo───HOYYY!"
Ang mga walanghiya, tinakbuhan ako!
Sobrang bilis ng takbo nila. Nakakagulat. May balak pala silang maging kabayo hindi nila sinabi agad. Nakakaasar!
“BWAHAHHAHAHAAHHA!”
Napangiwi ako nang marinig 'yung tawa nilang dalawa. Sabi ko na nga ba't nagloloko lang sila! Ang mga buset na 'to, grrr.
“HOYYY! HINTAYIN NIYO KO! SABI KO NA NGA BA'T HINDI NA KAYO GALIT! PINAGTITRIPAN NIYO LANG AKO, MGA PAKSHET!” isinigaw ko 'yun sa kanila, pinagtinginan pa ako ng mga dumadaan din. Papasok pa lamang kasi kami.
“AHAAHAHAHA, UTO UTO!”
“'Yung bata, uto uto!" Nagapir pa silang dalawa.
Nagsasalubong na naman ang kilay ko. Lakas ng trip! Hmugot ako ng malalim na hininga bago nagready patakbo sa kanila. Nagready palang pero may pumigil na agad sa'kin.
“Hiii, Georgina."
Napangiwi ako nang marinig ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Tristan na boses 'yun. Pagkakataon nga naman, oo. Ngayon ko pa talaga siya nakita.
Napapikit ako sa inis. Sinulyapan ko 'yung kinaroroonan nina Tim at Wavin, medyo malayo 'yun pero kita pa naman nila 'ko. Mukhang natigilan din sila nang makitang andito si Tristan. Pero hindi naman sila pumunta dito. Baka naman tinetest nila ko?
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Ficção AdolescenteAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...