Chapter 72

163 8 0
                                        

Pajama Party

“Ayun, ayos na sila."

“Siraulo sina Timothy, pinapaiyak si George." rinig kong sabi ni August. Napatigil ako sa pagkain.

“Oh, bakit?"

“Alam nila?" Tanong ko kay Tim na nakain din kasabay ko. Tanging tango ang isinagot nya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko. Nanggigigil na napatayo ako.

“Pinlano nyo 'to?!"

Putanginams. Magkakasama na naman ba sila? Pinagkakaisahan na naman nila ako! Shete. Shete! Mga animal!

Sinamaan ko ng tingin si Tim pati na si Wavin na kasabayko din kumain. Mukhang nacaught off guard sila pareho. Parehong nabulunan. Napaevil smile ako. “Bilis ng karma ah. Ano masaya ba?"

Lakas ng trip. Napapailing nalang ako. Uminom sila ng tubig bago sumagot.

“OFCOURSE NOT! HINDI NAMIN 'TO PLINANO! MASYADO KANG STORY MAKER DYAN, GEORGE!"

Ako pa talaga ang storymaker?

Naiinis na pinameywangan ko sila. “Edi ipaliwanag nyo 'yung narinig ko! Ba't alam nila?"

Nagkamot pa si Tim bago sumagot. “Malamang, pinaalam namin. Tanga mo naman, George."

“Ako pa 'yung tanga? Ayos ah! Pagkatapos nyo kong iprank, mumurahin nyo pa ko? Ibang klase na talaga ang mundo! Namula pa 'yung mata ko dahil sa kakaiiyak, nagkasipon sipon pa ako tapos ganyan kayo! Grabe na kayooo huhuhu!” pagiinarte ko. Sinadya kong lakasan para makuha namin ang atensyon ng iba.

“I thought you're already okay. What the fuck, dude?"

Success! Lumapit si Gray! Mas ginalingan ko pa 'yung pagiinarte.

“H-huwag nyo n-namang apih-hin si George."

Lumapit din si Achylis sa amin. Maya maya pa'y pati si August kasama si Warren ay nandito na din.

“Napakawalanghiya nyo naman, Wavin, Tim! Sama sama nyo sa'kin! Okay lang naman sa'king isipin nyo na lalaki ako e, pero huwag nyo naman sang iinvalidate 'yung feelings ko! Nasasaktan din ako."

Hindi na 'yon pagiinarte, totoo na gusto ko 'yung sabihin. Nalilimutan kasi nilang babae din ako. Kilos lalaki lang ako pero babae 'to!

“I'm sorry, George." halos sabay nilang sabi.

Napatigil naman ako sa pagrereklamo. Tinaasan ko sila ng kilay. “So, paano nga nila nalaman?"

“SINABI NAMIN!"

Sinabi nila? Kelan? “Kelan nyo sinabi?"

“Sinabi namin nung pinapunta ka sa kwarto mo." Sagot ni Tim. Napa'ahh' naman ako agad. 'Yun pala yun!

“Nagagalit kasi sila sa amin eh. Bakit ka daw namin inapi. Bakit ka raw namin pinapaiyak. Muntik pa ngang makipagsuntukan si August sa'kin e, natigil lang nung sinabi ko na pinaprank ka namin."

Napatingin ako kay August. Namumulang napahawak siya sa batok nya. “M-manonood lang ako dun.” dali-daling lumabas siya. Sumunod naman agad si Warren at si Achylis.

Hindi ko mapigilang hindi matuwa. Pinagtanggol nila ako? Awww. Hindi ako makapaniwala. Tapos makikipagaway pa sila para sa'kin. Ang…ang saya ko lang. Ang saya lang malaman na bukod kayna Tim, Wavin, Gray nagk-care din pala 'yung iba sa akin.

Nakakatuwa hihi! Napangiti ako nang wala sa oras. Biglang nawala 'yung pagkaasar ko sa dalawa.

Umupo ako at saka ngiting ngiti na kumain nalang na parang walang nangyari. Alam kong naweweirduhan sila sa'kin ngayon, isama pa si Gray na andito pa din.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon