Ceasefire
“Morning.”
“Good---ANG PANGIT MO HAHAHAHHA!.”
Pinanlakihan ko ng mata si Tim at saka sinabunutan. “Tumigil ka, badmood ako.”
“Pfft HAHAHAHA.” may pahawak hawak pa siya sa tiyan niya, hanep!
“Sige, tumawa ka pa. Sinisigurado ko sa'yo magiging last na pagtawa mo na 'yan.” banta ko sa kaniya at kunwaring may kinukuha sa bag.
“Joke lang! Eto namang si George, hindi mabiro.”
“Mukha ba akong nakikipagbiruan?!.”
Nagiging barako na naman ako. Buset kasi 'tong si Tim, keaga aga. Inis na umupo ako sa upuan ko.
“Ano bang nangyari? Ba't ganiyan itsura mo?.”
Napabuntong hininga ako. Kasi naman, hindi ako nakatulog sa kaiisip kung sino ba 'yung lalaki na nakita ko kahapon. Isa pa, iniisip ko din kung saan ko siya pwedeng mahanap. Kaya ayon, hindi ako nakatulog. Pagkagising ko lulusog ng eyebags ko tapos kanina pa naglalakad ako bigla nalang may nambuhos ng tubig dun sa kanto, saktong nadaan ako. Buti nalang konti lang ang basa.
“Wala ako sa mood magkwento, Tim.”
Isa pa'y naikwento ko na sa utak ko. Siya nalang bahalang manghula. Hayy. Umubob ako sa lamesa, sobrang inaantok ako. Gusto kong matulog..
“Hoyy! Ginagawa mo? May klase tayo diba.” kinulbit kulbit niya pa ako.
Aishh, ingay ingay talaga neto ni Tim kahit kelan.
“Shhh, tutulog lang ako ng mga 5 minutes.” aniya ko. Ginawa kong unan 'yung bag ko. Siguro naman hindi ako sisitahin ng teacher namin, lagi naman silang deadma eh.
“Bahala ka.”
Buti nalang nanahimik na siya pagkatapos nun. Buti naman kasi need ko talagang bumawi ng tulog, need ko rin ng peace of mind. Tsaka 'yung sinabi ni Tim kahapon, kailangan ko daw magingat. Kaya din hindi ako nakatulog kagabi, binabantayan ko kasi sarili ko. Mahirap na.
Tsaka medyo weird lang kasi ang laking pangyayari nung kahapon pero wala man lang akong nakita na pumuntang pulis o kung sino man, para magimbistiga. Tanging mga teacher lang ang dumalaw doon.
“ANYARE SA PANGET NA 'YAN?!.”
Shut up, Wavin!
“I don't know, puyat?.” rinig kong sagot ni Tim kay Wavin.
Oo, puyat ako kaya manahimik kayo pareho. Nagkwentuhan pa sila sa mismong harapan ko. Muntik na ako makatulog, grabe. Gusto ko na ngang kaltukan sila pareho eh buti nalang nanahimik din. Makakatulog na ako! Kokonti palang kasi ang tao dito sa room, ewan ko kung saan sila nagsususuot basta ang alam ko lang it's bedtime!
……… ..
“What happened to her?." Rinig kong tanong ni Gray.
“PUYAT DAW!.” si Wavin naman ang sumagot.
Katulad kanina nagkwentuhan na naman sila, this time tatlo na silang nagkukwentuhan. Bored na nasagot lang si Gray, samantalang g na g naman sa pagkwento sina Tim at Wavin. Halos magkasinglakas lang sila ng bunganga.
“Ang sexy talaga ni Victoria!.”
“Nah, mas sexy si Claudia.”
“ULOL, PAPANGET NG TASTE NIYO. MAS SEXY SI ZIA!.”

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Novela JuvenilAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...