Chapter 6

221 11 0
                                        

Neighbor

Linggo ngayon, naisipan kong magsimba. Feel ko kasi dumadami na ang kasalanan ko dahil sa nga pesteng Unggoy na kaklase ko. Nagsuot lang ako ng white dress then sandals. Medyo kinulot ko na rin 'yung laylayan ng buhok ko para naman presentable akong tingnan.

Pagdating don sa simbahan, pumwesto ako sa malapit sa una. Gusto ko kasing kapag nagsisimba ay kinig na kinig ang pari. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa simbahan, ang ganda ng ambiance.

Kalalabas ko lang ng simbahan, sakto may ice cream!Mukha masarap 'yung nilalako ni Manong Sorbetero tapos may favorite ko pa na flavor, chocolate!

"Manong, pabili nga po ng Ice Cream Chocolate flavor po." ngumiti pa ako kay Manong hehe.

"PABILING ICE CREAM, PAKIUNA AKO."

Shocks! Asshfhsgdhxxf.

Magkakasala agad ako. Muntik na akong mapamura, kakasimba ko lang susmaryosep. Pero, teka kilala ko 'yung boses na 'yun ah!

"Hoy!"

Kaya naman pala walang ugali't ang yabang! Sinasabi ko na nga bang si Wavin 'yun eh. 'Yung laging galit namin na kaklase na almost one week hindi pumasok.

"SINO KA?!"

Kunot noong pinakatitigan niya ako. Tss, kapal muks. After niya akong batuhin ng itlog biglang hindi niya ako kilala?

"WHATEVER!'YUNG ICE CREAM KO, ASAN NA?" iritable niyang utos.

Kahit kelan talaga.

"Nauna ako, maghintay ka." mataray kong sabi sa kaniya. Kita ko naman ang pagtaas ng isang kilay niya. "First come, first serve. Hindi mo ba alam 'yon?"

"HA?!"

Sakit talaga niya sa eardrums, men!

"Ang sabi ko maghintay ka!" sinigawan ko na din siya.

Kitang kita ko naman ang inis na rumehestro sa mukha niya, bigla nalang niya ako kinwelyuhan. Gago, hindi man lang inisip na nakadress ako. Natataranta na tuloy si Manong.

"HUWAG MO AKONG UTUSAN!"

Napapikit ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Halos umangat ako sa lupa dahil sa pagkakahawak niya sa dress ko. Walang konsiderasyon!

"Tama na 'yan, eto ice cream niyo." natatarantang sabi ni Manong. Binitawan naman ako ni Wavin. Napaubo naman ako pagkabitaw niya.

"Chocolate sa'kin!" agad kong kinuha 'yung chocolate flavor na dapat ay kukunin na niya. Tch, ako kaya nagsabi na chocolate flavor ang akin.

"AKIN YAN!"

Jusko, parang bata.

"Akin nga 'to eh."

Gusto pang agawin sa'kin. Ba't kasi hindi niya sinabi na chocolate lang pala kaniya, may mix tuloy na strawberry. Tch.

"Huwag na kayong magaway, are na." pinalitan ni Manong 'yung Ice Cream niya. Nakikipagagawan pa kasi sa'kin parang bata. Inabot ko na kay Manong 'yung bayad. Inirapan ko siya tapos umalis na doon. Nasisira ang araw ko dahil sa kaniya, tss!

--------------------------------

"Hello, Kuya?"

Hinintay kong may magsalita sa kabilang linya. Ugong lang ang naririnig ko doon.

"Wazzup, bunso!" masiglang bati ni Kuya mula sa cellphone.

Inis na napairap naman ako kahit na alam kong hindi niya kita. Tss, nakakaasar siya. Isang linggo siyang ayaw magpacontact tapos ngayong nacontact ko na siya ang sasabihin niya lang sa'kin, 'Wazzup!? '

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon