Alliance
Pasko na naman o' kay tulin ng araw.
Paskong nagdaan tila bagong kelan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan,
Ngayon ay pasko, tayo ay magawitan“MISS PRETTY, MISS PRETTY!”
Agad akong napabangon sa pagkakahiga. Ghad, ansaket ng likod at ulo ko! Sa sofa pala ako nakatulog kagabi. Pero, teka? May tao sa labas!
Agad akong tumakbo sa labas. Hindi na ako nakapaghilamos, hindi na rin ako nagsuklay. Baka kasi kanina pa nasa labas 'yung batang mataba na si Shin e'.
“Weyt lang!” binuksan ko 'yung gate, rinig ko naman ang pag'Miss Pretty' ni Shin. Jusko, batang 'to keaga aga ang bait bait.
“Uh-hm..”
I was too stunned. Bakit.. Ba't nandito din si Wavin? Tanga mo Georgina, malamang kasama 'yung bata! Pero, may kasama siyang isa pang babae eh, maganda and mukhang nasa mid30's.
“GROSS!”
Nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni Wavin, pinitik niya pa ng pagkalakas lakas 'yung noo ko.
“ARAY KO HA! BA'T KA NAMIMITIK?” nagfull volume tuloy bunganga ko. Nalimutan ko pa na may kasama pala sila. Tinakpan naman ni Wavin 'yung ilong niya na parang bahong baho. Inis na sinamaan ko siya ng tingin.
“PWEDE BA MAGTOOTHBRUSH KA MUNA? NAAMOY KO MABAHONG HININGA MO.”
Bastos! Oo na, oo na. Magsisipilyo na, maliligo na.
Nalimutan ko na hindi pala ako mukhang presentable. Napakamot ako sa ulo.
“Wavin, your manners.” mahinhin na sabi nung kasama nilang babae. Nginitian niya ako. “Pasensya ka na sa kapatid ko ha. Ganiyan lang talaga siya.”
Ay kapated pala niya si Wavin? Total opposite sila ah, isang angel at isang impakto. Tss.
Tumango lang ako sa ate ni Wavin. Tila naaasar naman na tumingin sa malayo si Wavin. Huh! Boom panes.
Medyo sinuklay suklay ko rin ang buhok ko na gulo gulo.
“Miss Pretty, here's my thank you gift to you for saving me yesterday.” inabot sa'kin ni Shin 'yung Lasagna n dala niya. 'Yung ate naman ni Wavin, inabot 'yung box ng pizza.
“Naku, nagabala pa po kayo.” nahihiya kong tugon.
“Nah, it wasn't much. Kung tutuusin kulang pa nga 'yan for saving my son's life. Thank you so much, Miss?”
“Georgina po. Georgina Astair Noburi.” pagpapakilala ko.
“I see, Georgina. Sa Noblesse High ka din nagaaral?” tanong ng ate ni Wavin. Napalingon naman uli sa'min si Wavin.
Tumango naman ako biglang sagot. Jusko, naalala ko may klase pa nga pala ngayon. Tinanghali ako ng gising! Hiyang hiya naman ako kay Wavin na nakauniform na't halatang papasok na.
“That's good. Pwedeng sabay na kayo ni Wavin sa pagpasok. Go take a bath, take your time. He'll wait for you.”
“WHAT?!” pagtutol ni Wavin samantalang nanlaki lang ang mata ko.
Kami ng angry bird na 'to sabay papasok? Hindi ko nga siya kilala eh, mas lalong hindi ko siya friends! Pangalan niya lang ang alam ko at kawalanghiyaan niya na ginawa sa'kin.
Me, with him? YUCK! NO AS IN NO!
“Right, Wavin? Or else no credit card for a week.” pananakot ng ate niya. Bwisit na sinamaan niya ako ng tingin na parang kasalanan ko ang lahat.

BINABASA MO ANG
Class of Morpheus
Fiksi RemajaAkala ni Georgina na magiging normal ang buhay estudyante niya sa Noblesse High subalit hindi ganoon ang nangyari. Bilang isang transferee, pinagtatabuyan siya ng kaniyang mga kaklase. Idagdag pang unang araw pa lang ay nakatikim siya ng hindi inaas...