Chapter 119

140 7 3
                                        

In the rain

“Dyan ka lang!"

Hindi ko siya pinansin. Sasayaw ako, konti nalang e. Matatapos ko na 'yung tugtog. Istorbo sila.

“Hephep!"

—_—

Nabitbit na naman ako na parang suman ni Wavin. Nagtawanan pa 'yung ibang nandito. Napasimangot ako habang napabalik sa pwesto.

“Ang kulit mo din e no?” sermon ni Timothy pagkaupo ko. Akala mo e matanda na kung makasermon, hmp.

“Diba sabi ko sa'yo dito ka lang."

Napahalumbaba ako, saktong daan ni kuyang waiter kanina. Yung hinawakan ko yung tray, hihi. May dala dala na namam siyang alak don. Magkano kaya ang bayad sa kaniya?

“Sinasabi ko sa'yo…"

“Magkano kayang bayad sa kanya? Papasa kaya akong waitress?”

Hm, siguro?

“HINDI KA NAKIKINIG!"

Maang na tiningnan ko sila, si Wavin, Tim, Spade at si Zero na nasa table din pala. Napakamot ako sa ulo bago itinuro ang sarili.

“Ako ba ang kausap niyo?"

Augh, nanenermon nga pala kanina si Timothy. Kawawa naman yung sinesermonan niya.

“George, sabog ka ba?"

“I knew it, you're drunk."

Drunk? “H-hindi ako lasheng."

“Talaga lang ha? Sinong nagpainom sa'yo?"

Nagpainom? Ahh. Agad kong itinuro si Zero na nakacross arms sa gilid. Nagtinginan sa kaniya lahat.

“Siya hihi, sabi niya kasi kapag ininom ko yon---."

“Stop talking nonsense." Malamig ang boses na sagot Ni Zero.

“Oh, wala naman palang ginawa.."

Pfft. Napatakip ako sa bibig ko pero hindi ko kayang pigilan. “AHAHAHAHAAHAHHA!"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Tim, humagalpak na ako ng tawa. Hindi ko akalain na maniniwala sila sa akin. E ako naman yung uminom ng kusa.

“Nakakatawa yun?" Sarkastikong wika ni Wavin. Tumango tango ako at saka napahawak sa tyan. Sumasakit tyan ko kakatawa.

“Lasing ka nga." - Spade.

“TAWA KA NG TAWA, MAMAYA NIYAN MAUTOT KA!" - Wavin.

Mautot?

“Nauutot ka?" Maang na tiningnan ko si Wavin. Yung mga mukha nila hindi maipinta.

“HINDI AKO NAUUTOT!"

B-bakit galit siya? Masama na bang magtanong? Teka. Napatakip ako aa bibig sa naisip. They all look confused. Yung impakto naman halatang iniisip na nababaliw na ako.

“Hindi ka makautot?"

Tinitigan ko si Wavin. Bigla siyang namula? Sabi ko na nga ba e! Teka, nasan na ba yung bag ko?

“Teka, may dala akong ointment. Wait lang ha, saglit. Tiisin mo muna."

Saan na ba yung bag ko? Dito ko lang nilagay yun ih. Hala, nawawala?!

“SINWONG K-KUMUHA NG BAG KO?!ANG PAPANOT NIYO HUHU!"

Agad akong sinita nina Spade. Tinakpan pa 'yung bunganga ko. Nagsitinginan pa silang lahat sa'kin hmp.
Malaman ko lang talaga na sila kumuha ng bag ko, papanotin ko sila, grrr.

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon