Chapter 92

73 3 0
                                    

Tristan's girlfriend

“Uyyy!”

~_~

Napabuntong hininga ako bago humarap sa kabilang gilid. Iignore ko nalang, whooo. I can do this!

“HOYYYY!”

Nagsalubong na naman ang kilay ko nang si Wavin naman ang kaharap ko. Aissh. Haharap sana ako sa kabilang side pero andon naman si Timothy.

Edi sa gitna!

Humarap nalang ako sa gitna. Nandito kami ngayon sa may bench na nakalagay sa may mini garden ng school. Pumunta ako dito para makapagisip isip ng kakantahin dahil sa ako nga ang PINILING maging representative nung impakto. Dahil sa ayokong ipahiya 'yung sarili ko at dahil na rin gusto kong manalo para sa aming lahat, pinagbubuti ko.

Pero ang mga talipandas na 'to, sinundan sundan ako dito sa garden. -.-

Inilabas ko 'yung phone ko at saka nagbrowse sa music library. Madami ditong magagandang kanta ih pero puro english.

“Uy, tara laro tayo!" Yinugyog pa talaga ako.

Napafacepalm ako. “Ayoko.”

“ABA, BAKIT NAMAN?!TARA NA NAKAKABORED KAYA!” tumayo si Wavin at saka pumameywang sa harapan ko. Napabuntong hininga ako bago siya tinaasan ng kilay.

“Kayo nalang, hindi ako nabobored.”

Itinuon kong muli ang atensyon sa phone ko pero biglang may humablot na animal. “Hoyy! May ginagawa kaya ako!"

Nakakunot ang noo ni Tim habang hawak hawak 'yung phone ko. Siya pa talaga 'yung mukhang naiinis. “Ano ba kasing ginagawa mo? Tara nga, maglaro ng ungguyan!” naglabas siya ng baraha galing sa bulsa niya.

Jusq. “Ilang taon na ba kayo? Tsaka hoy, bawal baraha dito. Itago mo 'yan!"

“PSH, LARO LANG EH!" Tila nagtatampong ani Wavin. Napailing ako bago napasapo sa noo ko.

“Hindi nga ako nabobored, kayo nalang. Hanap nalang kayo ng pwedeng maging unggoy diyan sa tabi tabi.”

“Edi kung hindi ka bored, magpabored ka! Tara na!" hinigit higit pa braso. Langya talaga!

“Mga brad naman! May ginagawa akong importante ih-----.”

“MAS IMPORTANTE PA SA'MIN?!"

Natigilan ako sa pagsasalita. Bakit ba sila nagiging ganito? Ang childish nila ngayon, hayy.

“Hindi naman pero importante din kasi 'tong ginagawa ko. Naghahanap kasi ako ng kakantahin para sa competition.”

Kumunot ang noo ni Wavin. “TAGAL PA NUN!"

“Kahit na. Mas gusto ko 'yung prepared ako."

“OA mo naman george ih!" Nagmamaktol na wika ni Timothy.

Sinamaan ko ng tingin si Tim. “Ayoko lang mapahiya. Tsaka para sa Class naman natin 'tong ginagawa ko, gusto kong manalo.” buo ang boses kong sagot. “Kaya please kahit ngayong week lang. Kelangan ko ng practice.”

Tinitigan ko silang dalawa. Sinamaan ako ng tingin ni Wavin samantalang nakanguso lang si Tim habang sa ibang direksyon nakatingin. Siguro naman nagegets nila 'yung point ko, sana..

Nagpacute pa ako sa kanilang dalawa. Sabay naman silang nagkatinginan bago umaktong masusuka. Psh, kahit kelan talaga!

“KADIRI!"

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon